Chapter 1

0 1 0
                                    

Nasa court kami ngayon habang nanonood ng practice ng mga varsity players sa school namin. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya bumaba muna ako para bumili ng pagkain.




Boogssh!!




"Aray"


Napahawak na lang ako bigla sa ulo ko dahil sa sakit nang tamaan ito ng bola. Putik! Buti na lang hindi nabasag ang salamin ko!

Oo nagsusuot ako ng salamin dahil malabo ang mata ko. Syempre ganito talaga pag matalino. Bwahahaha! Joke lang to naman napaka judgemental. Ang totoo talagang dahilan kung bakit malabo ang mata ko dahil nasa genes na namin to.

Narinig ko naman ang malakas na tawanan ng mga estudyante sa loob ng court! Eh ano pa nga ba ang expectations ko. Syempre pagtatawanan nila ako di ba nga binubully nila ako.

"Oy April! Buti hindi ka nabalian ng buto. Hindi ko alam na matibay din pala ang buto ng mga payat." sigaw ni Elmer sakin at tumatawa pa na isa rin sa mga varsity player. Ay oo nga hindi ko pala nasabi sa prologue na payat ako. Oh kayo na ang bahalang mag imagine sa katawan kong payat pero hot! Hahaha biro lang ito naman! Sobrang seryoso.

Lumapit naman si Clieve Lyod sa akin para kunin ang bola. "April I'm sorry ha." sinserong sabi niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

"Okay lang aksidente naman yun eh." sabi ko sa kanya sabay talikod.

Si Clieve Lyod Cuevas ay matagal ng may gusto sa akin mula pa elementary. Anak siya ng guro namin noong Grade 1 pa lang kami. Siya lang ang kaklase ko na hindi ako binubully kahit kailan. Napakabait niya sa akin at palagi niya akong pinagtatanggol.

Habang si Elmer naman ang isa sa piiiiiiikaiinisan ko sa lahat ng nambully sakin.

"oohhh, look who's here." maarteng bungad sa akin ni Gia ng makarating ako sa Canteen habang naka cross ang kanyang braso at nakataas ang kanyang kilay.

Hindi ko siya pinansin at tinalikoran ko na lang sila. Nagulat naman ako ng bigla niyang hilahin ang braso at marahas na iniharap sa kanya.

"H'wag kang bastos April ha! Kinakausap pa kita! At kapag kinakausap kita, h'wag mo akong tatalikoran." inis niyang sabi sa akin.

"Ano bang kailangan mo sakin Gia?" malumanay na tanong ko sa kanya. Pag ito sinipa ko lilipad talaga ito sa kabilang building! Hehe chos lang kayo naman! Syempre mababali ang buto ko nuh dahil sa kapayatan ko kumpara sa malusog na katawan ni Gia.

salubong ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin ng masama. Mas lalo naman niyang hinigpitan ang paghawak niya sa braso ko. "Ano! Matapang ka na ngayon ha?! Lalaban ka na?!"

"Ano ba Gia nasasaktan na ako." angal ko sa kanya habang nagpupumiglas pero mas lalo pa niya itong hinigpitan. Halos mapaluha naman ako sa sobrang sakit. Eh sino namang hindi masasaktan niyan eh halos wala akong laman sa sobrang payat at puro buto lang ang meron ako!

"Aray Gia." angal ko pa.

"Gia bitawan mo nga si April." bigla akong napalingon sa likoran ng may biglang nagsalita.

"Eh paano kung ayoko? May magagawa ka?" sarkastikong sabi ni Gia kay Lyod.

Lumapit naman si Lyod sa amin at walang ka hirap hirap niyang kinalas ang kamay ni Gia sa braso ko.

Eh sino ba kasing babae ang makakatapat sa lakas ng isang Clieve Lyod Cuevas ang pinaka hot at macho sa buong campus. Eh halatang alagang gym ang katawan niya sa kamachohan. Nakikita ko pa ang sparkling abs niya sa tuwing maglalaro sila ng baskteball eh ang titigas (灬♥ω♥灬)

Hoy! H'wag kayong judgemental dyan ah! Nag dedescribe lang ako sa kamachohan ng hubby ko-----ah este ni Clieve Lyod! 'to naman!

Oo na! Oo na! Sige na aaminin ko na! Aaminin ko na, na matagal na rin akong may gusto sa kanya.

Pero tinago ko lang kahit alam kung may gusto rin siya sa'kin dahil ayokong pag chichismissan na naman ako ng mga estudyante dito. Nakooooooo mahirap na! Lalo na si Gia na matagal na ring may gusto kay Lyod.

Kaya nga ganito na lang kalaki ang galit niya sa'kin dahil sa mga kinikilos ni Lyod na halatang may gusto sa'kin eh.  Ito naman kasi si Lyod eh napaka bulgar ng feelings! Kainis!

"Ugh! What is wrong with you Clieve Lyod?!" inis na sabi ni Gia kay Lyod.

Hindi naman kumibo si Lyod. Tiningnan niya ako at hinawakan ang aking kamay at hinila papalayo kay Gia.

When Love Requires SacrificeWhere stories live. Discover now