Chapter 4

0 1 1
                                    

Nasa laboratory kami ngayon at nagluluto. Culinary arts kasi ang kinuha ko dahil mahilig ako sa pagluluto.


Kumuha ako ng fork para sana tikman ang niluto namin ng biglang may tumabig sa kamay ko.

"Ano na naman ba Elmer!" galit kong sabi kay Elmer.

"Ikaw ang titikim? Tss! Wag na! Wala ka ngang ka taste taste sa sarili mo eh." tiningnan ang kabuoan ko. "Sa pagkain pa kaya!" sarkastikong sabi niya at naunang tinikman ang pagkain. Langya inunahan pa talaga ako!

At dahil naiinis ako sa kanya ay itinulak ko siya. Galit naman niya akong tiningnan. "Bakit mo ako tinulak ha?!"

"Eh bakit ka kasi nang aasar!"

"Hindi ako nang aasar sayo! Nagsasabi lang ako ng totoo! Bakit totoo naman talagang wala kang ka taste taste sa sarili mo ah!"

"Pag ako gumanda Elmer, who you ka talaga sakin! Mark my word!" inis kong sabi.

"As if naman gaganda ka pa. Eh halos wala na nga kayong makain eh." biglang singit ni Gia. Culinary arts din kasi ang kinuha niya kaya nasa iisang laboratory kami ngayon! Ang swerte ko talaga!

"Anong sabi mo?" inis kong baling kay Gia.

"Oh, bakit ka nagagalit? Kaya nga ang payat payat mo di ba? Dahil wala kayong makain sa bahay niyo dahil wala kayong pambili ng bigas!" nang aasar na sabi ni Gia. Naikuyom ko na lang ang kamay ko dahil sa galit na pilit kong pinipigilan!

Lumapit si Gia sa akin habang naka cross arm. "Ano? Hindi ka makasagot dahil totoo ang sinabi ko? Kung si Lyod kaya mong landiin, pwes si Elmer hindi! Kaya h'wag kang mangarap na gaganda ka pa dahil wala ka namang pera! Ambisyosa!"

Hindi na ako sumagot pa dahil biglang sumikip ang dibdib ko at ilang segundo na lang ay tutulo ang mga luha ko.




"Pwede ba akong maki share?" napaangat ako ng tingin ng may nagsasalita sa harap ko. Nasa canteen kasi ako ngayon kumakain.

"Sure." sagot ko kay Lyod.

"Mag isa ka ata ngayon." sabay upo.

Natawa ako. "Tss. Palagi naman eh."

"Don't worry, dahil magmula ngayon hindi ka na mag iisa. Sasamahan na kita lage sa tuwing kakain ka." kinilig naman ako. Oh labas na mga inggitera dyan!

"Hindi mo naman kailangang gawin yan eh." nahihiyang sabi ko. Pabebe lang bakit ba.

(OoO)

Umawang ang bibig ko at nanlaki ang aking mga mata ng matapunan ako ng juice at soap! Dahan dahan akong lumingon sa aking tagiliran para tingnan kung sino ang may gawa nun!

Ganoon na lang ang galit ko ng makita kung sino ang may gumawa nun! Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nandito sa canteen dahil sa itsura ko.

"Naku april pasensya ka na ah, natapilok kasi ako eh kaya natapon ko ang pakain ko sayo." paliwanag ni Elmer at halatang hindi sinsero sa sinasabi at halatang nagpipigil sa pagtawa.

Natapilok pala ha! Dahil sa inis ko ay kinuha ko rin ang soap sa mesa ko at itinapon iyon sa mukha niya. Nabigla naman ang mga estudyante at pati siya ay nabigla rin sa ginawa ko. Tumayo naman bigla si Lyod.

Dahan dahang pinahiran ni Elmer ang kanyang mukha at galit akong tiningnan! (`⌒´)

:O
Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang kwelyo ko dahilan para maglapit ang mga mukha namin sa isat isa. Naistatwa naman ako at napalunok dahil sa sobrang lapit namin sa isat isa. Patay! First time ko to! (>.<)

"Hindi ba't sinabi ko sayong natapilok lang ako!"

"Elmer tama na. Babae yan h'wag mong patulan." suway ni Lyod kay Elmer. Tss buti pa to si Lyod ang bait.

Ibinaling naman ni Elmer ang tingin niya kay Lyod na ngayon ay nanlilisik na ang kanyang mga mata. (◣_◢)

"H'wag kang makialam dito Lyod! Hindi ikaw ang kaaway ko! Namamaos na sabi ni Elmer dahil sa galit. Tss baliw!

"Kaibigan ko si April, Elmer kaya may karapatan akong sawayin ka." bigla akong binitawan ni Elmer at ibinaling niya ang kanyang atensiyon kay Lyod. Nabigla na lang ako ng suntukin niya bigla si Lyod. Natumba naman si Lyod dahil sa lakas ng pagkasuntok ni Elmer sa mukha ni Lyod!

Nagsigawan naman ang mga estudyante.

Hindi ako nakakilos agad dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi ko kasi inaasahan na gagawin ito ni Elmer kay Lyod!

Mas lalo lang akong nagulat ng makitang dumugo ang bibig ni Lyod. Bigla naman akong nakaramdam ng konsensya dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi sana napaaway si Lyod kay Elmer.

Susuntokin pa sana ni Elmer si Lyod pero hindi niya ito natuloy dahil itinulak ko siya ng malakas! Phew! Muntik ng mabali ang buto ko don ah!

Tinulungan ko naman si Lyod para makatayo at hinarap si Elmer!

"Ano ba Elmer! Kung sa akin ka galit h'wag mong idamay si Lyod! Napaka immature mo! Siya na nga lang ang nag iisang tao na may malasakit sa akin eh!" ewan ko pero bigla na lang tumulo ang luha ko at sumikip ang aking dibdib. Nag walk out na lang ako at ng makalayo na ako sa kanila ay doon na ako humagolgol sa pag iyak.

Ito talaga ang pinakaiinisan ko eh! Ang babaw ng luha ko! Kainis!

(ㄒoㄒ)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Love Requires SacrificeWhere stories live. Discover now