Chapter 2

0 1 0
                                    

"Okay class, pass your paper at the count of 10. Finish or unfinish. Late paper will not be accpeted." anunsyo ng guro namin. Inambush niya kasi kami ng quiz na over 100 kainis. Anyway enumeration lang naman ito ng mga names sa periodic table with their symbols kaya kahit papaano kahit hindi ako nakapag study kagabi eh okay lang dahil memorise ko naman ito matagal na. Hehe. Oh bawal inggitera dyan ah!

10

Pagbibilang ng guro.

9

Hindi naman ako makalapit agad dahil nagsisiksikan ang mga estudyante sa harap. Kainis!

8

Hayss wala ba silang mga manners? Ugh!!

7

"Hey!" bigla kong pagsasalita dahil sa pagkabigla ng bawiin ni Elmer ang papel ko na may mga sagot.

6

Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakatingin sa akin ng seryoso.

5

"Elmer ano ba malalate ako sa pag pass." reklamo ko sa kanya habang pilit inaagaw ang papel ko.

"Bakit ko naman 'to ibibigay sayo?" sarkastikong sabi niya.

4

Pagbibilang pa ng guro. Putik malapit ng matapos ang counting!

"Dahil akin yan Elmer." inis kong sabi sa kanya.

"Talaga?" sabi niya habang nakataas ang kanyang ibabang labi. Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa niya ng pinunit niya ang papel ko na may mga sagot!

"Elmer bakit mo ginawa yun!" biglang sigaw ko at itinulak siya sa dibdib dahilan para mapaatras siya.

"Ms. Sanchez and Mr. Perez! Anong nagyayari sa inyo?!" galit na sabi ng teacher namin na ngayon ay nakatayo na habang nakatingin sa amin ng masama. Bigla namang tumahimik ang buong classroom.

Pero dahil sa galit ko ay hindi ako natinag sa teacher namin. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Elmer at marahas na hinablot ang kanyang papel na may sagot rin at marahas na pinunit iyon sa kanyang harapan at itinapon sa kanyang mukha.

Nauubusan na kasi ako ng pasensya! At ganito ako kapag nauubusan na ng bait!

Nakita ko naman sa kanyang mukha ang pagkabigla dahil sa ginawa ko.

"Why did you do that Ms. Sanchez?! Are you insane?!" galit na galit na talaga ang teacher namin.

"Bakit mo pinunit ang papel ko ha?!" tanong sa akin ni Elmer at itinulak rin ako pabalik. Napaatras naman ako at muntik ng mapaupo sa sahig.

"Gumanti lang ako sa ginawa mo Elmer!" galit na sagot ko naman sa kanya.

"Anong sinasabi mo Ms. Sanchez?! Gumanti? Hoy Ms. April Rose Sanchez, hindi ka na bata para gumanti. Napaka immature mo! Dapat hinayaan mo na lang si Elmer at hindi mo na pinatulan pa!" sermon sa akin ng guro namin.

Umakyat naman ang dugo ko sa ulo sa sobrang inis! Putik kumampi na naman ang bruha! Eh pano naman kasi, pamangkin niya 'tong demonyong Elmer na 'to!

"Excuse me lang po ma'am ha, bakit ako lang po yung pinagalitan mo eh hindi lang naman ako ang gumawa ng gulo. Si Elmer Perez po ang nagsimula ng gulo ma'am. Kung hindi niya pinunit yung papel ko edi sana hindi ko rin ginawa yun sa kanya. Ano hahayaan ko na lang ba siya na basta basta na lang niya pupunitin ang papel na pinaghihirapan kong sagutin? At isa pa kung immature man ako, eh anong tawag mo kay Elmer? H'wag mong sabihin na kinakampihan mo nanaman ang pamangkin mo. Ang unfair naman po nun ma'am." mahabang depensa ko sa sarili. Hindi naman makasagot ngayon ang guro namin. Oh ano ka ngayon, nganga!!! Ayan kampihan mo pa yang pamangkin mo para mas lalong lumaki ang ulo niyan!

Ewan ko ba basta pagdating talaga sa dalawang taong to ang bilis kung maubusan ng pasensya.

Ughh!!!

When Love Requires SacrificeWhere stories live. Discover now