"Are you okay?"
Halos mapatalon naman ako sa gulat ng may biglang nagsasalita sa likoran ko. Kainis! Ang ganda ganda na sana ng moment ko eh! Nasa ilalim kasi ako ng malaking puno ng mangga habang umiiyak at inilalabas ang lahat ng sakit ng loob at galit.
"Here." tiningnan ko ang panyo na kulay puti na inabot ng lalaki at dahan dahan akong tumingala para tingnan ang lalaki.
"Lyod ikaw pala." sabay abot sa panyo. " Thank you." sabay ngiti.
"Hindi na kita tatanungin kung okay ka lang ba dahil alam ko namang hindi ka okay." malumay niyang sabi. Tumabi naman siya sa akin habang nakapamulsa.
"Okay na ako. Nailabas ko na eh." sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sakin. Natigilan naman ako ng magsalubong ang paningin namin. Natauhan na lang ako ng kunin niya ang panyo at pinahiran ang luha ko. "Hindi bagay sayo ang umiyak April." sabi pa niya at hinawi ang aking buhok na nakatakip sa aking mata at inilagay sa likoran ng tainga ko. "Ayan, mas lalo ka ng gumanda." at nginitian ako ng pampamatay niyang ngiti.
Goosshhh Clieve Lyod Cuevas! H'wag mo nga akong ngitian ng ganyan!
"Ahh, Lyod,...."
"hmm?"
"Bakit mo ba ginagawa to sa 'kin?"
Tumitig siya sa mga mata ko. "Dahil ayokong nakikita kang nasasaktan."
"Bakit?"
Hindi siya agad nakasagot.
"Dahil special ka." sabi niya habang nakatingin sa akin ng deretso. Bigla namang nagkarambula ang puso ko ngayon. Tss pati ba naman puso ko tatraydorin ako!
"S-special?" utal kong tanong sa kanya.
"Lahat ng tao April special." phew! Akala ko kung ano na! Tss paasa!
Pak!!
Pak!!
Halos maistatwa naman ako ng biglang sinampal ni Gia ang magkabilang pisngi ko! Nasa loob kami ng classroom at lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin ngayon.
Putik ang sakit nun ah!
Napahawak na lang ako sa pisngi ko dahil sa sakit. "anong problema mo Gia?" inis na tanong ko.
"Ang payat payat mo tapos ang lakas ng loob mong lumandi!" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi.
"Anong pinagsasabi mo Gia?" naguguluhan kong tanong.
"Napaka inosente mong tingnan pero nasa loob rin pala ang kulo mo!" sabi niya pa at itinulak ako sa dibdib. Napaatras naman ako.
"Layuan mo si Clieve Lyod! At h'wag na h'wag mo siyang lalandiin!"
"Hindi ko nga siya nilalapitan tapos sasabihin mong lalayuan ko siya. At isa pa Gia ah, hindi ko nilalandi si Lyod! Kusa siyang lumalapit sa akin!"
"At gusto mo naman!" napalingon ako bigla ng marinig kong sumingit si Elmer sa usapan.
Nakapamulsa siya habang naglalakad papunta sa amin ni Gia.
"Feeling mo naman magugustuhan ka ni Lyod." dagdag pa ni Elmer at pinitik ang noo ko.
Putik ibang sakit na naman!
Dahil sa inis ay itinulak ko si Elmer pero hindi siya natinag. Sinamaan niya lang ako ng tingin at dahan dahang lumapit sa akin. Napaatras naman ako dahil sa kaba. Tss palaban ako pero hindi ko sinabing malakas ako ah! Ang laki kaya ni Elmer kumpara sa mabuto kung katawan!
Boogsshh!!!
Sumalpak ako sa mga upuan ng bigla akong itinulak ni Elmer. Hindi naman ako nakagalaw agad dahil tumama ang likod ko sa edge ng silya.
"See? Hindi lang ako ang nakakapansin na nilalandi mo si Lyod April! Dahil pati si Elmer ay napapansin rin kalandian mo!" sabi pa ni Gia.
Hindi na ako sumagot pa dahil alam kung mas lalo lang lumala pa ang gulo.
May limitasyon rin ang ang pagiging palaban ko nuh! Kayo kaya ang nasa sitwasyon ko!
YOU ARE READING
When Love Requires Sacrifice
Teen FictionThis story is inspired from a real life story