Chapter 10: Regrets

45 6 13
                                    

Zachary's POV

"Nice car."

Napangiti lang ako sa binatong compliment ni Damon sa'kin. At bilang mabuting tao, pinuri ko na rin ang suot niya kahit simpleng white oversized shirt lang at maluwang na pantalon.

"Does having a new car make you talk about cheesy stuff?"

"Ha? Taena mo accent mo hindi maintindihan. Pinanganak ka ba sa Europa?"

Natawa siya sa naging sagot ko sabay nagpogi sign na parang pogita. Hindi ko talaga maintindihan ang taong 'to. Minsan, distant masyado, minsan naman feeling close.

Kami ang early birds ngayon sa studio. Buti nalang siya ang may hawak ng susi dahil kung hindi tatambay pa kami sa labasan na akala mong impyerno sa init.

"Oy! Aga ko no?"

Sinamaan ko ng tingin si Clark habang si Damon ay nagtatakang nakatitig sa motor na kasalukuyang mayabang na tinatapik tapik ni Clark.

"Oh wag mo masyadong tinititigan ang motor KO, Damonyo. Hindi yan babae."

"Did you sell it?" bulong sa akin ni Damon na agad ko namang sinagot ng hindi. May follow up na tanong pa siya pero hindi ko na 'yun sinagot.

Bahala siya, do his math.

"Mga kupal baka gusto niyong sa loob magchismisan at buksan ang pinto?"

"Menopause ka nanaman, daddy G?" Nagpipigil tawang umiwas ng tingin si Damon kay Ganter habang pinakyuhan ko ang paparating na isa pang bugok na si Lee.

"Gago. Mandiri ka nga. May nakakarinig sa'yo."

Gulat na gulat naman si Clark nang marealize niyang nasa likuran lang niya si Zia. Napakunot ang noo naming dalawa ni Ganter nang makita silang nangngingitian. Powta lang, boys over flowers? Pag-ibig shit na agad.

"Pinagtitinginan niyo d'yan? Oy Damonyo buksan mo na pinto."

"Hey hey hey!"

Natawa nalang ako ng hindi namin pansinin ang hyper na bagong dating na si Lee. Tuloy tuloy lang kaming nagsipasok isa isa habang siya muntanga. HAHA.

"Mga walang-hiya talaga kayo. Kingina."

Clark's POV

Busy akong manood ng stories sa IG nang may tumawag sakin. "Clark?"

Hindi ko na nakuhang makareact eh inabot na niya sakin yung hawak nyang paperbag saka nagthank you at mabilis na sumibat.

Buti na lang mukhang walang nakapansin na ugok. Kundi, issue yon.

"Ano 'yan? Pagkain?"

"Dun ka nga. Huwag mo akong guluhin."

Itong Ganter na'to patay gutom na ata ampota nakakita lang ng paperbag eh.

Pero realtalk, hanga ako sa babaeng' yun ah, nakapaperbag pang binalik payong ko. Halatang maingat sa gamit. SANA OL.

"Ba't mukhang may love letter sa loob n'yan? Kanino galing?"

"Buang. Love letter mo mukha mo bigyan mo si Aeriesa baka natuwa pa 'yun sa'yo."

"Lul. Seenzone nga."

"Sa personal ka kasi, tanga."

Hindi na siya nakipagsagutan sa akin at lumayas, mabuti nalang. Shet. Bakit ba kasi may palove letter ang future wife ko? Hihi.

Thank you talaga ha. Coffee tayo mamaya? Libre ko hehe. After shift, dun ulit!

"Wow!"

Brothers Playlist (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon