Chapter 06: Keychain Girl

44 7 13
                                    

Ganter's POV

My mother died,

The moment I was born.

Noong bago siya mabuntis sa'kin, sabi ni ate mahilig siyang tumugtog sa banda. Sideline niya raw 'yun, she was a drummer.

When we were still living in states, I was around 7 I think?

"You really look exactly like your mom."

Ganyan palagi kong naririnig.

"Pre? Ays ka lang?"

Sana lang nakita ko siya. Kahit isang beses lang sana.

"Uy, pre! BAKA MATUNAW."

Napakunoot noo ako sa narinig ko. Sinong matutunaw?

Ah, shit.

"Gago. D'yan ka na nga."

"ANO? HINDI KITA MARINIG."

Tumayo na  lang ako sa kinauupuan ko at walang pakielam na naglakad papuntang likod ng stage. Tch. Pakadaldal ni Clark.

"Sir, hindi po kayo pwede--"

"I'm an invited guest." Kulang na lang sabihin kong 'wag siyang paharang harang e.

"Eh sir-"

Tinanggal ko ang face mask na suot ko at sinamaan siya ng tingin. Pakielam ko ba kung bawal? Wala naman akong kukunin, mayaman na 'ko.

"Shemay! Ang gwafu mo pala sa personal!" 'Yan, ganyan dapat.

"Hala may boyfriend ako huhu pero papicture naman please."

Pinagbigyan ko nalang siya at nung nakapasok na ako ay pahabol niyang sinigaw na i-add ko siya sa fb. He's gay though, I already understand their nature.

"Wow," I mumbled.

Ang ineexpect ko puro make up ang makikita ko dito. Pero may dalawang container na may lamang scorpion.

Ang kalat rin. May tira pang tinapay na halatang bili lang sa bakery. Haha. Babae ba talaga sila?

Ring light, ayun meron. At may chessboard? Wow, mukhang mga genius ah. Hindi ko pa 'yun na-try at hinding hindi ako magbabalak. Tong-its lang ako magaling eh.

"S-sino ka? Pa'no ka nakapasok dito?"

"Siraulo ka ha!"

"AHH aray! Tang&$#!"

Aeriesa's POV

"Pano ka nakapasok ditong manyak ka at anong kailangan mo sa'min?!"

Ah, hindi sumasagot.

"AHH! Aray, f*ck! Masakit! Pwede ba?!"

"Ganter? Is that.. you?"

"Please," Ano 'to, magkakilala sila ni Sidney?

"Ikaw nga! Omygod, Aerie, let him go! I know him."

Sinundan ko ang utos ng best friend ko at nagtataka ko siyang tinitigan. So magkakilala nga sila.

"Uh, Ganter? 'Yung model?"

Tinanguan niya lang ang katulad kong nagtataka rin na si Alex. Saka niya ako nilingon at binigyan ng sorry-mamaya-na-ko-mageexplain-look.

"I guess.. iiwan ko na muna kayo d'yan guys."

Pasunod na sana ako kay Alex magwalkout nang biglang harangin ako ng epal na lalaking 'to.

"What's your problem?!" Oha, english 'yan kasi hindi kami close.

Buong effort ko pa siyang tinaasan ng kilay dahilan para lumayas siya sa harapan ko.

Brothers Playlist (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon