SIMULA

13.5K 403 59
                                    

-SIMULA-

"gusto ko ng ice cream" nakanguso nyang saad.. napahawak na lng ako sa sintindo.. kingina sumasakit ang ulo ko sa lalaking to..

"gusto ni brixx ng ice cream!.. gusto ko ng ice cream!" pag-ulit nya pa..

"jusko naman brixx kakain mo lng ng apat na hamburger!.. hindi kaba nabubusog?!"

mas humaba lang ang nguso nito.. bago lumapit sakin at naglalambing na yumakap..

"gusto ko ice cream.." bulong nito sakin.. napabuntong hinga na lang ako bago sya niyakap pabalik..

"ice cream.. ice cream.. gusto brixx ice cream"

wala na akong nagawa kundi ang bumili ng ice cream na nagtitinda dito sa park..

kita ko ang tuwa sa mata nya ng maibili ko sya ng ice cream sa halagang 65 pesos..

napangiti naman ako at may kung anong sayang nararandaman ngayon ang dibdib ko ako habang pinagmamasdan sya...

hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko sya matiis.. kunting lambing nya lamang sakin ay kuhang-kuha nya na ako...

hindi ko sya kilala at lalong hindi ko sya kaano-ano...basta isang araw nagising na lamang akong nasa labas sya ng bahay at gutom na gutom... ng papasukin at pakainin ko sya ay hindi na sya umalis...

"saraaaappp!.. ang tamis-tamis.. gusto ko pa isa!" napailing na lang ako bago punasan ang labi nya dahil ang kalat nyang kumain...

"tama na bukas na ulit... wala na akong pera.. pamasahe na lang natin ang nandito"

lumungkot ang itsura nya at napayuko.. para namang hinaplos ang puso ko dahil dun..

hinawakan ko sya sa mukha at ipinatingala paharap sakin.. kumirot ang puso ko ng makitang nanunubig ang mga mata nya..

"b-brixx" tuluyang bumagsak ang luha sa mata nya.. at yumakap sakin ng mahigpit.. isinusob-sob nya ang mukha sa leeg ko at duon umiyak..

wala akong nagawa kundi ang yakapin na lang din sya..

"t-tahan na... promise bukas ibibili ulit kita.." pagaalo ko..

"uwi.. u-uwi na tayo" napangiti ako ng humiwalay na sya sakin...

"kawawa naman ang baby ko.. halika nga payakap ulit ako" paglalambing ko..

"bibili mo brixx ice cream bukas?.. yayakap kita" natawa ako bago tumango... mabilis naman nya akong niyakap ng mahigpit...

napikit ako at dinandam ang yakap nya sakin..

"s-sakin ka na lang brixx.. w-wag mokong iiwan... dito ka na lang sakin" wala sa sariling usal ko.. mas humigpit naman ang yakap nya sakin..

"hindi ka iiwan ni brixx.. dito lang ako sa tabi mo lagi..."

nakagat ko ang labi ko para pigilin ang pagiyak.....

"dapat si brixx lang bibili mo ice cream, dapat si brixx lang tatabi sayo,dapat brixx lang love mo dapat. Dapat, dapat brixx lang lagi mo kasama. dapat ako lang ,dapat kay brixx lang din ikw.. dapat tayo lang lagi dalawa.. bawal iba.. bawal"

bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun.. tumitig sya sa mata ko..

"dapat si brixx lang baby mo, si brixx lang.. kasi si brixx ikw lang love. Wala ng iba".

BABYSITTING THE 21 YEAR OLD MAN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon