Chapter 1 (XOXO)
RAINE'S POV
alas kwarto pa lang ng umaga ay gising na ako para magluto at maglinis ng bahay..
Saglit ko munang sinilip sa kabilang kwarto si brixx.. napangiti ako ng makitang mahimbing ang tulog nito..
bumababa na ako at nagsimulang maglinis at magluto..
mga ala sais ako natapos kaya naligo at nagayos naman ako para pumasok...
ganito lang araw-araw ang routine ko dahil nagiisa na ako sa buhay.. wala na akong mga magulang dahil sa isang aksidente.. ang sabi ng mga pulis ay nawalan ng prino ang sinasakyan ni mama kaya bumagsak sa bangin.. pero hindi ako naniniwala.. alam kong may mali at hindi ako papayag na hindi malaman yun..
masakit sobra dahil sila na lang natitira sa buhay ko pero kinuha pa...
tanging itong bahay at maliit na tindahan lang namin ang naiwan sakin..
sa tindahan ngayon ako nabubuhay at nakakapagaral..Hanggang sa dumating sa buhay ko si brixx tatlong buwan ang nakakaraan matapos mamatay ang mga magulang ko...
si brixx ang dahilan kung bakit nagkaroon muli ako ng lakas...
dahil sa kanya nagkaroon ulit ako ng pag-asa..Sya na lang ngayon ang meron ako..sya na lang ang nagpapasaya sakin... at baka hindi ko na kayanan ulit kung pati sya ay mawala..
Nang matapos akong magbihis ay muli akong nagtungo sa kwarto nya na dating kwarto nina mama..
naupo ako sa gilid nya at pinagmasdan ang maamo nya mukha.. bahagyang nakanganga ang bibig nya.. at napakapayapa ng itsura nya ngayon..
tanda-tanda ko pa kung paano kami nahantong sa ganito... katatapos ko lang magayos nun at papasok na dapat ng school ng makita ko sya sa labas ng bahay namin na napakadungis....
"gutom.. gutom brixx" bigla sabi nya sakin nun habang nakahawak sa kanyang tiyan.. nahabag ako kaya pinapasok at pinakain ko sya sa loob...
Pero matapos nun ay hindi kona sya mapalabas ng bahay...ayaw na nyang umalis at dito na lang dw sya titira.. tanging pangalan at edad lang ang alam ko sa kanya ni hindi ko nga alam ang surname nya ...
nagbilang pa sya sa harapan ko hanggang sa tumigil ng 21 at sa tingin ko ay yun ang edad nya...
hindi rin mawala sa isip ko na baka may saltik sya sa pagiisip kaya parang bata kung umasta.. hindi ko mapagilan ang maawa sa kanya.. kaya pinatuloy at inalagaan kona rin sya.. hanggang masanay akong nandyan na lagi sya sa tabi ko..
bumalik ako sa katinuan ng marandaman ang braso nyang pumulupot sa bewang ko... g-gising na pala ang baby ko..
"good morning" bati ko..
"antok pa brixx" ungol nya habang isinisiksik ang mukha sa tiyan ko...
"aalis nako" biglang syang tumunghay sakin..
"san punta si raine?" kinurot ko ang pisnge nya.. ang kyut kyut ng damulag na to..
"papasok napo ako..," kumunot ang noo nya at mukhang ngayon lang ata nya napansin na naka-uniform nako..
bigla syang ngumuso..
"iiwan mo si brixx?"
napangiti ako sa biglang pagtatampo nya..
"babalik rin naman ako mamayang tanghali.. dito ako kakain sa bahay para may kasabay ka"
muli nya siniksik ang mukha sa tiyan ko at mas hinigpitan pa ang kapit dun.. parang ayaw nya ata akong paalisin.. hinimas ko ang buhok nya..
"ayaw.. iiwan moko.. iiwan mo si brixx"
"babalik ako promise.. kaya dapat dito ka lang ... wag kang lalabas ng bahay.. pag nagugutom ka may luto nako sa kusina.. kumain kana lng dun okay?" bilin ko..
"tapos .mamaya maligo kana rin.. wala ako ngayon at hindi kita masyado maaasikaso.."dagdag ko pa...hindi nya ako sinagot at mas sumiksik pa lalo sa tiyan ko..
"b-brixx" ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng paghikbi nya.. shit umiiyak na ang baby ko..
"iiwan moko.. iiwan mo si brixx"
nanlambot ang puso ko at pakirandam ko'y nanghina ang buo kong katawan dahil sa pag-iyak nya...
inalis ko ang kamay nya sa bewang ko at pilit sya pinaupo... hinawakan ko sya sa mukha at pinunasan ang luha nya..
" babalik si raine promise.. mag-aaral lang ako ng mabilis tapos babalik na ulit ako sayo.. wag ka ng umiyak hindi naman kita iiwan ih" nakanguso lang sya sakin...
"pagbalik ko may ice cream ka sakin".. biglang lumiwanag ang mukha nya ng marinig ang ice cream.. adik talaga sa malamig to..
"b-bibili mo ice cream si brixx?!" tuwang tanong nya..
"oo.. kaya dito ka lang at hintayin ako okay?" mabilis naman syang tumango kaya napangiti ako..
"ang bait naman ng baby ko..yakap mo naman si raine" hindi naman sya nagatubuli at niyakap agad ako ng mahigpit..
"kumain ka na.. meron ng pagkain sa lamesa... wag mong bubuksan ang tindahan dahil wala ako.."
"hindi bubuksan ni brixx basta bibili raine ice cream" saglit kong kinurot ang ilong nya bago tumayo..
"oo.. hintayin mo ko okay?..babalik ako mamaya" tumango naman sya sakin..
"aalis na ko... bait ka lang.. yung mga bilin ko sayo ha"
lumabas na ako ng kwarto at sumunod naman kaagad sya sakin..
muli ko syang hinarap..
"kumain kana at aalis nako" muli syang ngumuso..
"mamimiss ka ni brixx..babalik ikw agad"
"oo.. punta kana sa kusina at kumain" binuksan ko ang pinto ng bahay..
pero hindi pa man ako nakakalabas ng marandaman muli ang yakap nya mula sa likod..
"balik ka.. hihintayin kita"
naestatwa ako ng bigla nya akong halikan ng mabilis sa labi..
"tandaan mo dapat... si brixx lang baby mo..si brixx lang"
A/N:Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
BABYSITTING THE 21 YEAR OLD MAN (Completed)
RomanceHer parents are died because of accident. At ngayon sya na Ang bumubuhay sa sarili nya.. But unexpected happen there was a boy suddenly appeared infront of her house. But the boy is not normal .. Something wrong with him. The way he act The way he i...