P R O L O G U E
D I S C L A I M E R ! ! !
THIS IS A WORK OF FICTION, NAMES,SONGS,BUSINESSES,EVENTS,PLACES ARE PRODUCTS OF THE AUTHOR’S IMAGINATION.
THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.
[...]
_..|._.|.|._|_ _
Napatakip ako sa aking tenga nang marinig ang tunog ng napakalakas na kulog, kasabay ng malalakas na pagbagsak ng patak ng ulan.
Nandito ako sa isang madilim at masikip na lugar,
Sa harap ko ay may maliit na butas, sapat para makita ang anumang nangyayari sa labas.Kasabay ng pagkidlat, Nakita ko ang isang imahe.
HUGIS PATALIM.
Nakaramdam ako ng takot, mas isiniksik ko pa ang aking maliit na katawan sa madilim na sulok.
Umalingawngaw ang isang ungol ng lalake sa lugar, tila nasasaktan. Kasunod ang isang napakalakas na kulog.
Sunod sunod ang kanyang paghiyaw, dinig ko mula dito ang nakakatakot na tawanan, tila nasisiyahan pa.
Parang mga baliw.
NAKAKATAKOT.
Nanginginig ang aking dalawang maliliit na kamay dahil sa takot.
Unti unting pumapatak ang mga butil ng pawis mula sa aking noo.
Mas lalo kong pinag igi ang pagtakip sa aking tenga at ibinaon ang mukha ko sa aking tuhod.
Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagbagsak ng aking mga luha.
Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga, hingal na hingal at pinagpapawisan.
“THAT DREAM AGAIN” mahinang tugon ko
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid.
Nakakalat parin ang mga importanteng ducomento, ginupit na larawan mula sa lumang diaryo, chalk at ang aking salamin.
Napatingin ako sa blackboard.
Napabuntong hininga na lang ako.
Kulang pa, tugon ko sa aking sarili.
Dinama ko ang aking pisngi.
Naramdaman kong basa iyon. Dali dali ko itong pinunasan gamit ang aking palad.
Bumuntong hininga muli ako bago nagsimulang mag ayos.
Pagkatapos magligpit ay dumeretsyo nako sa banyo.
[...]
Nakarating na ako sa lugar kung saan ako nagtratrabaho, sa isang maliit na resto bar ilang kilometro ang layo mula sa isang sikat na tourist spot ng lungsod.
Sinalubong ako ng aking amo, suot ang kanyang magandang ngiti.
Nginitian ko sya pabalik, bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan.
Mabait sya sa lahat ngunit ako lang ang kanyang itinuring na parang kanyang tunay na anak.
Naaalala daw niya saakin ang kanyang anak na babae.
Napatingin ako sa paligid, maaga pa kaya walang masyadong tao.
“mauna na muna ako sa kitchen, tay” paalam ko sa kanya.
Naglakad ako patungo sa locker room, doon nilagay ang bag ko.
Kinuha ang pamunas at nagsimulang maglinis.
Lahat kami ay tay o tatay ang tawag sa kanya. Nasanay na lang din kami.
[...]
Madilim na ang kalangitan nang makalabas ako.
Kitang kita ang mga nagkikislapang bituwin at ang maliwanag na buwan sa kalangitan.
Kinuha ko ang aking earphone sa bag at nagpatugtug.
Nagsimula na akong maglakad pauwi.
Habang naglalakad ay napansin ko ang mga makukulay at nagsasayawang mga pailaw, maingay at napakaraming tao.
Parang walang dinadalang problema sa buhay, napabuntong hininga ako ang pinagpatuloy ang paglalakad pauwi.
Pasado alas otso na nang makarating ako sa aking inuupahang apartment.
Tinanggal ang nakasalampak na earphones at hinubad ang bag na suot.
dirediretsong napahiga sa maliit na kama, hinubad ko ang aking suot na salamin at pinatong ang aking braso sa aking mata.
Dinadalaw na ako ng antok nang magsimulang mag ingay ang aking cellphone.
MAY TUMATAWAG.
Nakaramdam ako ng inis, inabot ko iyon at sinagot
Hinintay ko munang magsalita’
“MISTRESS” puno ng pormalidad na tugon niya.
“WHAT” malamig na tugon ko
“THE MAIDS SAID THAT YOU’RE NOT IN THE MANSION.” Halata sa tono ng pananalita niya ang pag aalala.
“I ALREADY TOLD YOU, I WON’T LIVE IN THE MANSION AS LONG AS I’M HERE IN THE PHILIPPINES.” May halong inis na sagot ko
“THEN, WHEN ARE YOU COMING BACK?” Tanong niya
“WHEN I GOT THE ANSWERS THAT I WANTED.” Dinig ko mula sa kabilang linya ang kaniyang pagbuntong hininga.
“SURE,MISS-“ hindi ko na siya pinatapos
“CALL ME MISTRESS”
“BU-“ angal niya
“NO BUTS.” Mataray na tugon ko.
“GRANTED,MISTRESS.”
Agad kong pinatay ang tawag.
I let out a heavy sigh before going to the bathroom to take a quick bath.
“saan ba ako magsisimula” mahinang tugon ko sa akig sarili.
[...]
Nakatapis lang ako ng puting tuwalya ng makalabas sa cr, naglakad patungo sa kama at doon naupo.
Napatingin ako sa blackboard habang pinupunasan ang aking buhok.
“wala paring progreso” napabuntong hininga ako
Ilang buwan na rin ako dito sa pilipinas ngunit wala parin akong lead.
Lumapit ako sa blackboard at binaliktad ito para hindi makita ang mga nakadikit na larawan at ang mga nakasulat doon.
Ilang taon narin ang makalipas mula nong nangyare iyon.
Ako nga pala si RYLEE W.
At nandito akong muli sa pilipinas upang imbestigahan at bigyang hustisya ang karumaldumal at walang awang pagpatay sa aking ama.
._.|_._ _|._..|.|.|._ _|._.|._|..._|.|_.
YOU ARE READING
The Daughter Of The Raven
Mystery / ThrillerA supposed-to-be-happy night became a terrifying night to her because of the death of her beloved father. Years flew fast... She started doing her own investigation all by herself. While investigating, she unknowingly saved a life, a precious life o...