Malaki daw ang tsansa na mainlove ang isang broken hearted na babae sa lalaking unang magcocomfort sa kanya... Anong pauso naman nila?! sinong nagsabi nun? Halika bugbugin natin! Muntanga!
Pero nagbago lahat ng yun ng ipadama nya...
Ipadama sakin ng bestfriend ko na totoo yun.
Na may kayang makapagpa-move on ng isang tao.
Pero pano yun?
May mahal syang iba?
Mahal nya yung isang kaibigan namin
Ayoko syang mahirapan,
Masaktan
At lalong ayokong layuan nya din ako.
Mas lalong ayokong maging DAKILANG SULUTERA
Pero anong gagawin ko?
Kung alam kong
I'm Destined to Love You..
<Nicole's POV>
Magkasama nanaman kami netong bestfriend ko.. Sya talaga lagi kong kasama sa kabaliwan! Ahahaha!!! AKALA NYO SIGURO, NAGKAKAINLOVE-AN KAMI NO?! Hindi no! Taken na ho ako! Kilala nyo kung sino yung mahal ko? Edi yung SIKAT... CAMPUS HEARTTHROB... THEATER ACTOR NG SCHOOL... Si Daniel Saballe... Pero hindi pa kami... M.U. lang... Ang kyot pa ng pangalan nya! Hahaha! Kaya maguguluhan kayo sa itatawag ko sa kanya! xD minsan, Da-Niel, Nyel, Pernando, Daniel! Hahaha! Ang cute talagang paglaruan ng pangalan nya!
WAAAAAAAAHHHH!!!!!!!! KINIKILIG AKO'T NAISIP KO NANAMAN SYA!!!!!!! SAN PA KAYO?! MAYAMAN, GWAPO, ANG GALING PANG KUMANTA! MATALINO PA! Wahihihihi!!!!
"Uy! Ngiting tagumpay ka nanaman!" Hay naku! Epal nanaman sa daydreaming ko tong bestfriend ko.... Si Andrew James Pangilinan.
"Wag ka nga! Tsk. Namimiss ko na tuloy si Da-Niel ko!" kasi hindi pa ako tinetext.
"Hahaha! Naku! Ikaw na kasi magtext.. Atsaka tanong mo na lang kay Sir Gerry! kaw kasi! Bat ka biglang nagquit sa Theater." Oo, dati akong theater member ng school namin.. By the way, ako nga pala si Nicole Holandes. Maganda ako. Seryoso. kaya nga may karapatan akong mag-inaso eh! Hahah! joke! Pero kaya lang naman ako umalis kasi nakakaselos na yung mga pinapagawa sa baby Nyel ko. Dapat kasi ako yung ka love team nya eh! Hmmmfffkkkrrrlllssts!
"HALA!!!!" Nagulat naman daw ako sa biglang pagsigaw neto...
"Nasan si Angelica?" Kasi sigurado na ako... Pag sumigaw yan, ibig sabihin, andyan si Angelica Asis, Mahal nito ni Drew. Pero M.U. lang din sila. Grabe nga eh... Sobrang seryoso sya sakanya... Naiinggit nga ako eh. Pero okay lang... Si Daniel naman, moves in mysterious ways.