Chapter 1

34 5 3
                                    

Tranferees

"Dalian mo! Malalate na tayo!"

Sigaw ng magaling kong kapatid sa baba. Nagmamadali naman akong  nagsuot ng medyas at mabilis na hinatak yung bag ko na nakapatong sa kama.

Halos patakbo akong lumabas nang may maalala ako, kaya dali-dali akong bumalik sa kwarto ko at kinuha ang suklay na nakapatong sa study table ko. Mabilis akong bumaba at naabutan ko don ang kapatid kong busangot ang mukha. Halatang naiinis na sa tagal ko. Napatingin siya sakin at sinamaan ako ng tingin.

"Hoy! 'yang mata mo tutusukin ko yan!" singhal ko sa kanya. Imbes na matakot ay inirapan pa ako ng loko. At dumiretso na sa labas.

Aba! 'Yung batang yun sarap talagang kutusan! Takte! Malalate na ako!

Tumakbo ulit ako papuntang kusina kung asan si Manang. Nakita ko sa lamesa na may sandwich na may palamang nutella kumuha ako ng dalawa kinagat ko yung isa at hawak ko naman sa kabilang kamay yung isa pa. Nakita ko rin yung lunch box na may lamang bacon, as in bacon lang. Yum! Agad kong nilagay ito sa bag.

"Salamat, Manang!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Sinuot ko yung sapatos ko at lumabas na. Nakita ko yung kotse namin pagkalabas ko. Nandoon na ang kapatid ko na busangot parin ang mukha. Sumakay na ako sa back seat katabi siya. Sinulyapan niya ako at inirapan.

Bakla ba 'to? Panay irap.

"Lance Iñigo! Tigil tigilan mo yang pag irap mo ha!" Inis na sambit ko.

"Ano ba, ate? Ang ingay mo. Late ka na nga nagising kaya pati ako
madadamay sa late mo," sagot pa niya.

"Aba't! Sumasagot ka pa!" Iritang sigaw ko. Namumuro na sakin 'to.

Nakita kong napapikit siya at bahagyang sinapo ang tenga na tila ba sumasakit 'yon.

"Aish! Ang ingay mo Ate Hail! Ang aga aga masisira mo na agad eardrums ko," sambit niya

"Lance, 'wag mo kasi akong inisin kasi talagang masisira yang eardrums mo," pairap na sagot ko.

Nakitang kong nag make face siya pero hinayaan ko na. Bahala siya diyan.

My name is Haileen Alcantara and I'm 17 years old. We are on the way to Crystal Academy and we are almost late! And it's because of me hehe. Well I sleep late last night that's why. And that brat guy is my brother, Lance Iñigo Alcantara. He is 16 years old and he is so freaking annoying every day.

"Ma'am, Sir, nandito na po tayo,"ani ng driver namin.

"Salamat po," sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse at bumaba na.

Nang makababa ay nakita ko na naglalakad na papasok si Lance. Malalaking hakbang ang ginawa ko at ng makalapit sa likod niya ay malakas ko siyang binatukan.

"Aray!" sigaw niya at lumingon sakin habang hawak ang likod ng ulo niya na binatukan ko.

Sinamaan niya ko ng tingin. Tinaasan ko lang siya kilay at inirapan. Ha! That's what you get for being a brat.

"HAILY!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng sigaw na 'yon.

Napangiti ako nang makita ko si Maly, my close friend na nakasilip at kumakaway sa corridor sa tapat ng classroom namin. Nilingon ko si Lance at sinabihang pumasok na sa klase niya. Tumango naman ang huli at dumeretso na sa kaniyang silid.

Nang makarating ako sa classroom ay sinalubong ako ni Maly ng yakap. She's a hugger. 'Kala niya siguro teddy bear ako. I'm not chubby though but I'm not sexy if that's what you think. Basta may katawan ako and that's fine with me. Umupo naman agad ako ng bitiwan niya ko.

Fate Of An AngelWhere stories live. Discover now