Chapter 3

26 4 8
                                    

Light Blue

Halos hatinggabi na ng matapos ang usapan namin at nagpaalam na sila kay mommy and daddy na uuwi na. Hinatid ko silang dalawa sa gate habang dala parin sa aking braso si Crunch. Magkaiba ang sasakyan na dala nila. Nagconvoy lang daw sila kanina matapos harangin ni Liam ang kotse ni Zayzy na galing sa bahay ni Zarren. Dahil nga 'di na niya kayang tumagal alagaan si Crunch.

Pinagmasdan ko sila paandarin ang sasakyan at tuluyan ng umalis. The kitten in my arms meowed. Oh, she must be hungry.

"Okay, hahanap tayo ng makakain mo," pagkausap ko sa kanya at naglakad na papasok sa loob ng bahay.

"Anak, kumain ka na. Nasa dining na rin si-" bungad sa'kin ni mommy pero naputol dahil nakita si Crunch sa kamay ko.

Tumingin sa'kin si mommy ng nagtataka. Pabalik-balik ang tingin niya sakin at sa pusa.

"I saved this kitten." maikling sabi ko para 'di isipin ni mommy na dahil kay crunch kaya ako naospital.

Naglakad na ako papuntang dining. Naramdaman ko na sumusunod si mommy sa'kin. Argh, mukhang wala akong takas kay mommy. Tuloy tuloy akong naglakad at naabutan namin si Lance do'n na nakaupo habang may pagkain sa harap niya. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.

"Ate, kain na tayo," aya niya.

Naweweirduhan man sa bait niya ay tumango pa rin ako. Kumuha ako ng bowl sa kusina at gatas sa ref. Nilagay ko 'yon sa lapag at binaba rin si Crunch. Napangiti ako ng agad siyang lumapit sa gatas at ininom 'yon.

Tumayo ako at naghugas ng kamay, kumuha na rin ako ng plato at kutsara. Naabutan ko na nakaupo na si mommy sa lamesa. I sighed and sat down. Nagsandok ako ng kanin at adobo at nilagyan ang plato ko. Kumain na kami ni Lance habang si mommy ay tahimik lang na nakamasid sa'min, nag-aantay ng tiyempo para tanungin ako.

Binagalan ko ang pagsubo ng kanin para mainip si mommy at umalis nalang. Pero mukhang hindi gumana. Hindi nakatiis si mommy na magtanong kahit kumakain pa kami.

"Anak, care to explain that kitten? How did you save her?" Tinuro niya pa si Crunch na busy sa pag inom ng gatas.

Tinapos ko ang nginunguya ko at uminom ng tubig bago sumagot.

"I saw her in the middle of the road. Naawa ako kasi she's dirty and alone kaya kinuha ko siya..."

"And you got hit by a car because of that?" Halata ang inis sa sa boses ni mommy ng sabihin niya iyon.

"Mom, Hindi ako nasagasaan. I thought Zayzy explained it to you?" I said.

I can see Lance's quick glance while eating.

"Yes, Zylex told me that, you are in the hospital."

I rolled my eyes. Zayzy, humanda ka sa'kin.

"Sinugod nila ako sa hospital 'cause I lost consciousness. Liam saved me before that car hit me," mahinahon kong paliwanag.

My mother nodded but I can see doubt in her eyes. Bakit naman? Is she thinking that l'm lying or something?

"Mom, you're not thinking that I'm lying to you, don't you?" I carefully asked, looking at her reaction.

Her eyes widen. "No, Hail. I know you're not lying, " she showed me her genuine smile.

I slowly nodded and started eating again. Nang matapos ako kumain ay tapos na rin si Lance. I felt Crunch's paw on my leg. I looked down and she meowed and rested her face on my feet. Kinuha ko siya at binuhat.

"Mom, saan pwede matulog si Crunch?" I asked, smiling sweetly. Baka sakaling pumayag siya na sa kuwarto ko matulog si Crunch.

"I know what you're thinking. I won't let her sleep in your room. Let her sleep anywhere she wants in the living room." she strictly said.

Fate Of An AngelWhere stories live. Discover now