LBUA - 2: Out of the blue

20 2 0
                                    


(Molly's POV)

Napabalikwas ako ng bangon nang mapansin kong may mga luha pala saking mga mata. Pinunasan ko ito ng tissue na nakalagay sa gilid ng kama ko.


Nanaginip pala ako...


Hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Khino. Hindi siya mawala sa isipan ko. Napapabuntong-hininga nalang ako ng malalim. Inuulit-ulit ko ang buntong-hininga ko sabay hawak sa dibdib ko hanggang mawala na ang kirot rito.


At ang luha ko'y nagsimula na naman pumatak.


Humiga ulit ako sa kama kung saan ito ang kamang binili namin ni Khino, ipinundar naming dalawa nung bagong engaged palang kaming dalawa. Niyakap-yakap ko yung unan kung saan dati niya itong hinihigaan.


Nung naging engaged kami ni Khino at nagkatrabaho ako, tumulong ako sa pagpupundar ng mga gamit namin. Syempre kahit mayaman si Khino, ayaw kong lahat siya ang may sagot sa mga ari-arian naming dalawa. Kahit papano may sarili pa rin akong ego kahit babae ako. Para san pa at nagtapos ako ng pagaaral at nagtrabaho kung iaasa ko lang lahat sa taong mapapangasawa ko. 


In short, hindi ako against on money ni Khino.


Namili rin kami ng bahay at lupa dito sa Forbes Park, Makati Metro Manila. Kahit billion ang ginastos namin dito ni Khino, ayus lang dahil para sa future namin ito at sa mga magiging anak namin.

Bumangon ako at naligo na, pagbaba ko sa dining room sinalubong naman ako ni Yaya Tina.


"Good morning po ma'am, kumain na po kayo ng breakfast." alok sakin ni Yaya Tina. Ako naman ay humahangos na umupo agad sa dining chair habang nagsusuot ng pointed heels ko papasok sa trabaho.


"Salamat yaya, sabayan mo na rin akong kumain." ani ko at sumesenyas pang umupo sa tabi ko.


"Hindi na po ma'am, mamaya nalang ako at sasabayan ko nalang din ang ibang maids." Nagkatinginan naman kami ni Yaya Tina. Nagets ni Yaya Tina ang paguusap namin sa mga mata.


Kinuha ko ang tissue at pinunasan ko ang bibig ko. Habang si Yaya Tina ay nagsimula ng kanyang nais sabihin sakin, "Hayyyy... Molly anak..." napailing-iling nalang siya at hinaplos ang aking ulo.


Ako naman ay napayakap sakanya. Dahil ina na talaga ang turing ko kay Yaya Tina. "Iha, magpapakananay muna ulit ako sayo ah, iha anak... alam kong mahal na mahal mo pa rin si Khino pero kailangan mong magpakatatag sa lahat ng bagay na ginagawa mo, tignan mo nga at nangangayayat kana anak. Wag mo naman pabayaan ang sarili mo anak." Pag-aalala sakin ni Yaya Tina.


"Alam ko po pero kahit tatlong taon na ang nakalipas na wala siya sa tabi ko, alam kong magkikita pa rin kaming dalawa." Malungkot kong tono at sobrang may pag-aalala.


"Ipinagdarasal ko rin para hindi kana mahirapan iha." Sabay yakap sakin ni Yaya Tina, ginantihan ko rin naman ito ng yakap.


Nagpaalam na ako kay Yaya Tina at saka sumakay sa kotse ko, nagtungo na ako sa aking opisina. Pagbaba ko ng kotse ay agad namang sumalubong sakin ng pagbati ang mga empleyado na nagtatrabaho rin dun sa San Diego Group Of Companies.


"Good morning ma'am." Sunud-sunod na bati sakin ng mga empleyado sa SDGC.


Dahil pansamantalang wala ang CEO ng SDGC, ako muna ang itinalaga as CEO ni Daddy Kim. Ama ito ni Khino. Ipinamahala niya muna sakin ang posisyon ni Khino habang wala ito. Dahilan ni daddy ay dahil napakalaki ng tiwala niya sakin.


Pero mahirap din kung minsan, dahil salo ko lahat ng problema ng kumpanya.


"How can you solve these problems if your mind is out of nowhere!!!???" pagalit na sabi sakin ni Mommy Linda. Yesss! Galit talaga siya sakin simula nung hindi na nagpakita samin si Khino. Hindi lang sa pamilya niya, kundi pati sakin. Masakit oo. Dahil kailangan ko lunukin ang pride ko para lang mapanatili ang pagiging mapag-kumbaba kong tao.


"Answer me!!!???" nagdabog na si Mommy Linda sa long table ng conference room namin kaharap ang mga board of directors.


Alam kong nakakahiya dahil CEO ako pero ako ang nape-pressure sa ginagawa sakin ng aking mother-in law.


"Actually, I already settled these problems yesterday, our big investor will come here this coming Friday and invite us for lunch before depositing money in SDGC's account. So he also expected us to give him a chance for his appointment with us." sagot ko naman ng malumanay na boses.


"Whatever Liliana!! Go for yourself if you want to!"... unprofessional na sagot ni Mommy Linda.

"...anything else for this meeting???" pagtatanong niya sa iba naming kasama sa meeting kung meron pa silang ibang concerns and problems sa company.

"None." Kalmadong sagot ng lahat.

Sabay alis na sa kinauupuang swivel chair ni Mommy Linda.



Pumasok ang in-charge staff sa pagliligpit ng mga documents.


Habang kinaisip-isip ko na naman ang nangyari sa meeting namin dahil sa asta sakin ni Mommy Linda, heto na naman ako at wala sa wisyo.


Nang may tumawag sa phone ko.

"Iyah, can you please get my phone right there?" pakisuyo ko sa staff at sabay turo ko sa kabilang table.


"Here ma'am." At inabot sakin ni Iyah.

"Thank you." pasasalamat ko sa staff.


"Yes hello...U-huh speaking... W-wait... In Cebu?! Yes yess. Just give me the address please." Habang nililista ko ang address na binigay sakin ni Ysabel. "Okay.. let's meet later for more information." at ibinibaba ko na ang phone ko.



Kinabahan ako bigla pero halatang nabuhayan ako ng pagasa.

Let's Be Us AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon