LBUA - 12: Obsession

20 2 0
                                    


(Luisa's Revelation)

Isang graduate nursing student si Luisa Aldona, ngayon ay nasa edad na 28 anyos. Nakatira sa Valencia, Bohol, ulila na sa kanyang mga magulang dahil namatay ang mga ito sa kanilang mga sakit, namatay ang nanay niya ng siya ay nasa ika-20 anyos palang at kasalukuyang nag-aaral at patapos na sana ng pagaaral. Ang kanyang ama ay sumunod na namatay din noong siya ay nasa ika-22 anyos na sa dahilang atake sa puso.

Ngayon ay siya na lamang ang natira sakanilang munting tahanan, kung saan may tahimik na kapaligiran at preskong hangin. Sa kabilang banda, si Luisa ay may kasintahan simula ng mag-aral siya ng kolehiyo ngunit itinago niya ito sa kanyang mga magulang dahil sa takot na baka sila ay paghiwalayin kung malalamang meron na itong iniibig. Dahil napakataas ng ekpektasyon ng kaniyang mga magulang sakanya na siya ang mag-aahon sa kahirapan nila sapagkat siya lang ang nagiisang anak ng mga ito. Ngunit nagkamali siya ng inaakala, dahil noong namatay na ang kaniyang mga magulang saka nito naisip na dapat pala ay hindi niya itinago ang katotohan at baka sakaling nakilala pa nila ang kanyang mabuting kasintahan na si Miguel Perez.

Ngunit, kahit ganito ang nangyari tinanggap pa rin ni Miguel ang desisyon ng kanyang kasintahan na hindi siya ipakilala sa mga magulang nito kahit na maka-ilang beses nitong sinubukang magpakilala ng sarili sa harap ng bahay ng kanyang kasintahan, ngunit pinipigilan siya ni Luisa. At sa huli, hindi nga nag tagumpay si Miguel na harapin ang mga magulang nito. Tanging ang mga puntod lang ang naging kaharap nito upang ipakilala ang sarili.

Dahil sa mahal nila ang isa't-isa, nagpakasal sila kahit na ito ay hindi kagarbuhan. Si Luisa ay isa nang ganap na Mrs. Perez. Tumira sila sa munting tahanan ni Luisa. At doon ay nagsimula ng kanilang panibagong yugto ng kanilang buhay.

Nakapasa si Luisa sa kanyang exam kaya naman pumasok siya sa isang ospital na noon ay sa Bohol lang din naman ang lugar ng kanyang pinagta-trabahuhan. Samantalang si Miguel isang haligi ng tahanan, na mas minabuti nalang na sa bahay nalang siya mamalagi, upang mabantayan din ang kanilang tirahan, na patuloy na tumatanggap ng pagawain sa kanilang bahay ng mga electrical at automotive workshop, na sinang-ayunan naman ni Luisa.

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkayayaan ang mga kaibigan nito na mag outing. Si Luisa at ang kanyang asawa na si Miguel ay sumama rito. Sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan ay naparami ng inom si Miguel. At ito'y lumusong sa dagat. Hindi ito alintana ni Luisa dahil siya ay abala sa kaniyang pagluluto ng kanilang makakain. Palubog noon ang araw nang mangyari ang di inaasahang insidente, ang mga kaibigan nito ay tumakbo sa pangpang ng dagat nang may mga taong nagkakagulo na dahil sa may taong nalulunod.

Isa rin si Luisa sa tumakbo patungong pangpang. Ikinabigla niya ito ng kinuha ng kanilang mga kaibigan ang taong nalulunod, na si Miguel pala ang noon ay palubog na sana, ngunit naiahon ng kanilang isang kaibigan at dinala ito sa laot. Hindi alam ni Luisa ang kaniyang gagawin kundi ang maging balisa. At dahil kakasimula palang noon ni Luisa sa kanyang trabaho, hindi pa siya masyadong sanay sa revival CPR upang sana ay maibalik niya sa normal ang pulso ng kanyang asawa.

Sinubukan itong gawin ni Luisa nang paulit-ulit upang i-revive ang kanyang asawa, sinunod niya pa rin ang tamang proseso ng kanyang natutunan, ngunit huli na ang lahat. Wala na ang kanyang pinakamamahal na asawa.

Lubos itong pinagluksaan ni Luisa, tila isang bangungot ang kanyang buhay dahil lahat ng taong mahal niya ay kinukuha sa kanya ng maykapal. Ilang taon din siyang lugmok sa kanyang buhay. Nang dahil dito, ay nagpokus nalang siya sa kanyang trabaho at ipinangako sa sarili na hindi man naibigay ni Luisa ang kanyang tagumpay na buhayin ang kanyang asawa, ay gagawin pa rin niya ito sa ibang tao na iligtas ang mga buhay nito.

Ipinagpatuloy ni Luisa ang kanyang propesyon sa pagiging nurse at dahil na rin sa tulong ni Dr. Sanchez ang malapit sa kanyang doktor, ang naghubog sa kanyang kakayahan at abilidad. Dahil nais ni Luisa na maging matagumpay na doktor katulad ni Dr. Sanchez.

Let's Be Us AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon