LBUA - 14: By Chance

13 0 0
                                    

(Molly's POV)

Pumasok na ako ngayon dito sa loob ng room ko, nang may pumasok na naman sa loob ng isip ko.

You're getting into my nerves Khino!

Hindi ko matimpla ang emosyong ipinapakita niya, lalo na sa inaasta nito sa akin ngayon. May kung ano sa isipan ko na nagsasabi na, hindi siya yung Khino na nakilala ko noon. Dahil for how many years naming magkasama, never niya ako tinarato nang ganyan.

Habang nasa room ako, ay paulit-ulit akong naglalakad nang pabalik-balik, na para bang hindi ako mapakali.

So i intentionally decided to go at wash room. Baka sakaling doon ay medyo tumahimik ang mundo ko.

I'm at the end of cubicle, nang may narinig akong nagbukas ng main door ng wash room, at saka nagtungo doon ang tantsa ko ay dalawang babaeng lang. Sa pagkakataong iyun, ay nadinig ko mismo ang paguusap nila, na tungkol sakin at kay Khino.

"Nakita mo ba yung nangyari kanina? Grabe ang intense bessy! Sinugod ni Madam Molly si Boss Khino sa room niya?" ani ng tinig ng isang babae na animo'y tumitili pa sa pagkakasabi.

"OO grabe nga eh! Buti nalang pinagtanggol ni Madam si Emma, naku kung hindi talaga baka di kayanin ni Emma yung sermon ni boss kanina, baka biglang mapa-resign!" sagot ng isang babae.

"Bakit kaya nagkaganon si Boss Khino, ano? Dati hindi naman ganon ang ugali niya, he's always cheerful, at palabati rin siya noon, pero bakit kaya ngayon, nag-iba na simula nung dumating siya?" tanong ng babae sa kasama niya na tila ay nanghuhula din ng kasagutan.

Ang katanungan nila sa nangyayari kay Khino ay isa rin namang katanungan mula sa akin.

Parehas lang kami na gustong makakuha ng tamang kasagutan.

Pinakinggan ko pa rin ang mga sunud-sunod na paguusap nila habang nasa loob pa rin ako ng cubicle. Habang sila naman ay, naghuhugas ng kamay sa faucet.

"...Kaya nga saka heto pa ah! May babaeng dumating kanina bessy! Grabe na-imbey akesss! Akala mo napakataas na tao! Mukang bago ata yun ni Boss Khino? Sa palagay mo?" dugtong ng isang babae sa kasama niyang kausap nito.

"Mukha ngang bago ni Boss. Kasi diretso lang agad sa VIP room, wala naman iba nakakapasok agad-agad dun kundi si Madam Molly lang." ang VIP room na tinutukoy nito ay ang nag-iisang board room. Makakapasok lang naman kasi talaga ang ibang staff dito unless, tawagin sila ng boss or they will said an excuses.

"Pero kung ako kay Madam, naku baka magpatiwakal na ako sa sobrang sakit ng nakita ko! Like ipagpalit ka sa iba... ang sakit-sakit kaya nun bessy! Harap-harapan bessy! Gosshh!! Baka sinabunutan ko na yung babaeng kasama ni Boss Khino!" iritableng sabi ng babae sa kasama niya.

"Kaya nga.. tapos bigla-bigla siyang magpapakita after several years na nawala siya, yun pala nambabae siya! Kawawa si Madam Molly, basta ako kay madam pa rin ako." Boto ng isang babae sa kausap nito.

Finally, nakalabas na rin sila ng public wash room.

Ako naman ngayon ang lumabas ng cubicle.

At dito ay tumingin-tingin ako sa salamin, tinitignan ko ang sarili ko kung may mali na ba sa istura ko. Para masabing kaya ba ako ipinagpalit ni Khino ay dahil baka pangit na ako? Umiling-iling ako dahil alam kong hindi.

Kaya naman sa kabilang banda, umikot-ikot ako sa harap ng malaking salamin. Tinignan ko ang buong kabuuan ko.

Okay lang naman ang katawan ko, I'm still having a curvy body, soft clear skin, and normal blushy cheeks!

Let's Be Us AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon