RDS: CHAPTER 1

46 2 1
                                    

Madilim na daan ang bumabalot sa buong paligid habang ako'y pauwi. Kaya mas binilisan ko pa ang pagmamaneho dahil wala namang masyadong sasakyan ang sumasalubong sa akin.

Kagagaling ko lang sa isang awards ceremony, kung saan binigyan ako ng parangal na The golden actress award. Ito na ang pang-walong beses na nakatanggap ako nun.

Very well, Janxi.

I'm Janxi Mint, 29 years old. The prettiest, fashionable, and talented person. Well. That'd how I described myself.

Nasa akin na ang lahat-lahat na gugustuhin mo sa buhay, pero may kulang. Wala ang lahat ng iyon kung mag-isa ka lang sa buhay. And yes, mag-isa LANG ako because I don't have 'family' to live with. Kaya kahit na mayaman ako at kaya kung bilhin lahat ng mga gusto ko ay Hindi parin ako masaya. Gaya nga ng sabi nila hindi mabubuo ang limang piso kung walang piso.

Siguro aasa nalang ako sa love life ko? Nah. I don't even know how to process it.

Nagbuntong-hininga ako. Habang nasa byahe ay bigla nag-ring ang cellphone ko na kaagad ko rin sinagot.

"Yes, Hello?"

["Congratulations Janxi! you received that award again. Are you happy?"]

Argh. Ito namang puso ko Kung tumibok ang bilis-bilis. Sandali ay napasulyap ako sa labas ng bintana ng kotse at mapait nangiti.

"I'm happy pero...mas sasaya ako kung makikita kita kesa dito sa natanggap ko." Naibaba ko ang tingin sa hita ko. "Gusto kitang makita Jiro please?" dagdag ko.

["Hey, cut the please okay? I want to see you too."]

"R-really?" Hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti.

["Of couse Janxi. Honestly, I'm here at your house right now. Let's do celebrate today."]

"Ohmygod! Really? I'm so happy to hear that Jiro. Anyway, pauwi na ako wait me..."

*B E E E E P!*

Teka ano?

Mabilis umangat ang ulo ko kasabay ng panlalaki ng mata at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang malaking truck na pasalubong sa akin!

Hindi pwede!

Huli na para iwasan ito dahil sa sobrang bilis ng takbo nito ay hindi ko na nagawang umiwas pa.

*BANGGG!*









Kahit masakit ay unti-unti akong dumilat, pero hindi malinaw ang aking nakikita. Sinubukan kung tumingin sa paligid pero tanging wasak kong sasakyan ang nakita. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko at hindi ko kayang gumalaw.

"Janxi? Anong nangyari?!" Pilit kong sinulyapan ang cellphone ko Kahit na hihirapan na ako.

"J-jiro..."

"Janxi?! Shit. Nasaan ka sumagot ka?!"

"...I'm s-sorry."

"No, no, no! Please Janxi? Where are you answer me!? Janxi!"

Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili na umiyak. Nagpapasalamat ako dahil kahit sa huling pagkakataon narinig ko parin ang boses mo.

Romance Dating SystemWhere stories live. Discover now