RDS: CHAPTER 4

22 2 1
                                    

"Welcome po ma'am!"

Nagmakapasok ako sa loob ng flower shop ay nakatanggap ako ng isang masayang bati ng isang babae na abala sa pag-aayos ng mga bulaklak sa kanilang mga lalagyan.

Ngumiti ako sa kanya bilang ganti saka tumingin sa buong paligid at pinagmasdan ang mga nag-gagandahang flowers tulad ng sunflower, daisy, rose, iris, tulip, cyclamen, carnation, lily, buttercup at marami pang iba.

Habang naghinihintay kong matapos ang ateng nagbabantay sa kanyang ginagawa ay naupo muna ako sa isang mahabang sofa na nasa gilid malapit sa pinto. Maya-maya ay naramdaman ko na papalapit sa pwesto ko at tumigil sya sa tapat ko.

"Sorry for waiting ma'am. Ano po ba'ng bulaklak ang hanap nyo?" Nag-angat ako ng tingin sa babae na nakangiti sakin.

"Ahh, Isang bouquet ng rose po sana." Sagot ko.

Kaagad syang tumango. "Okay po ma'am aayusin ko na po agad." Medyo nag-bow pa ng kaunti si ate sakin. Hanep ha? Hehe.

"Salamat." Sabi ko naman. Tumalikod na sya sakin at nagsimulang maglakad palayo.

Napatingin ako sa relo ko ng mapansin kong madilim na sa labas. Omg. 7:32 na. Takte naman oh! Kailangan ko pa'ng pumunta dun sa sinasabi ni kuya eh.

Ano oras na kaya ako makauwi nyan? Sana magdilang-anghel si kuya at i-text sakin na wag na akong tumuloy. Like duh? Gusto ko na kayang mahiga sa kama at magpagulong-gulong.

Napasimangot ako ang tagal naman ni ateng nagbabantay. Ako na nga lang nag-iisang customer eh. Tumayo nalang ako at nagtitingin-tingin sa mga flowers.

Nahagip naman ng mata ko ang isang bulaklak na ngayon ko lang nakita. Omg. Hindi agad ito mapapansin dahil medyo natatakpan sya ng naglalakihang mga bulaklak. Lumapit ako habang nagtatakang nakatingin sa flower na yon, color purple na may pagka-light blue sya na may parang glitters kaya mukha syang kumikinang.

Hindi ko napigilan kunin ang isang tangkay at pinaka-titigan ito. Sa gitnang parte nya ay mayroong mahabang hugis kamay na at pinalibutan sya ng maliliit na bilog na may pagka-light purple. Grabe. Ang ganda nya.

"Maganda din po 'yan ma'am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Maganda din po 'yan ma'am." Kamuntikan ko ng mabitawan ang hawak ko ng biglang may magsalita sa tabi ko.

Nag-angat ako ng tingin sa babaeng lumapit sa akin. Grabe! Hindi ko sya napansin ah? Tapos na pala sya. Napasulyap muli ako sa hawak ko.

"Oo nga maganda sya..."

Ibinalik ko na ang flower na hawak ko saka muling bumaling sa kanya. "...tapos na po ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yes po, ma'am." Nakangiting sagot nya.

"Sige babayaran ko na." Tumango naman sya inaya ako papuntang counter ng malapit kami ay agad nyang inabot sakin ang isang bouquet ng roses. Infairness ha? Maganda din sya.

Romance Dating SystemWhere stories live. Discover now