RDS: CHAPTER 6

13 1 0
                                    


"Master! Master!" Nagising ako dahil sa malakas na boses ni system. "Master, gumising ka! Bilis! May darating, master!" Napaka-OA naman talaga ng maliit na manika na 'to.

Inis akong sumulyap sa kanya. "Ano ba? Tumahimik ka nga!" Muli ko pinikit ang mga mata ko.

"Bumangon kana, master! Bilis! Malapit na siya!"

Nagmulat ako saka tinapik ko ang maliit niyang kamay sa pisgi ko gamit ang daliri ko. "Shut up! Tatamaan ka sa'kin."

Nag-pout naman siya saka nag-cross arms. "Fine."

"Chi-Chi? Chichi..." Lumingon ako sa gawing pinto dahil sa sunod-sunod na katok ni Kristina. "Gising kana ba? Tara na, kakain na tayo."

Umikot ang mata ni system ng bumaling ako sa  kanya. "I told yah."

Wala akong nagawa kundi bumangon at naglakad sa naka-lock na pinto habang nagkakamot sa leeg. Gosh, Inaantok pa ako.

"Morning po." Pilit akong nangiti.

"Good morning chichi!" Tumawa siya ng mahina. "Mukhang Inaantok kapa ah?  Pero kumain ka muna ng breakfast okay?"

Wala akong nagawa kundi tumango. "Okay po ate."

"Let's go?" Pinulupot niya ang kamay sa braso ko. "Maganda ang umaga ngayon, You know what? Si Alex ang nagluto ngayon."

"Talaga po?"

"Oo, kaya tara na bumaba na tayo."

Agad ko siyang pinigilan. "W-wait, ate mag-aayos lang po ako." Gosh, kagigising ko lang, hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon.

Ngumiti naman siya ng makahulugan. "Alright, bumaba ka nalang dun ha?"

Tumango ako saka muli pumasok ng kwarto. Biglang nagising ang diwa ko at halos magkarandapa ako sa pag-hanap ng towel saka ako pumasok ng banyo. Nagmamadali akong naligo at paglabas ko. Doon ko lang napagtanto na wala pala ako sa bahay. Gosh! Hindi na ako nagdalawang-isip na pakialaman ang laman ng reach-in closet. Kumuha ako ng pwede magkasya sa 'kin at sinuot iyon.

Ngayon oras na para ayusan ang sarili ko. Ibinuhaghag ko ang maalon at kulay kape kong buhok saka inilagay ang karamihan nun sa gilid ng mukha ko. Suot ko ang white crank top at denim shorts saka humarap sa salamin.

Bumaling ako kay system. "Maganda ba?" Umikot ako sa harapan niya.

"You look good, master." Aniya matapos akong pasadahan ng tingin.

"Great! Dito ka lang okay?"

Ngumuso siya. "What? But I'm hungry." Hinamas pa ang maliit niyang tiyan.

Bumuntong-hininga ako. "Okay, fine. Magtago ka lang sa likod ko ha?"

"Sure, master!"

Kaagad kaming lumabas ng kwarto saka mabilis na bumaba at dumiretso nang kusina. Naabutan ko pang mag-aayos ng hapag-kainan si Kristina habang si Alex ay prenteng nakaupo at may hawak na libro.

"Hellooo!" Bulalas ko sabay lapit sa kanila.

"Oh, Chi-chi, ang ganda natin ah?" Aniya matapos akong pagmasdan. "Bagay na bagay sayo."

"Thank you, ate. Pasensya na po pinakialaman ko ang mga damit niyo dun."

Tumawa naman siya ng mahina. "Naku!Ano kaba, binili ko talaga sayo 'yon para naman may magamit ka kapag dito ka natulog."

Romance Dating SystemWhere stories live. Discover now