Lockdown #2

656 36 17
                                    

KENNETH AMORILLO
Active Now


9:20 PM

Kenneth:

Hoy babae

Bakit bigla kang nag-out

Hoyyy

Haidy:

Ay hala sorry nalowbatt ako

Ano nga ulit 'yong sinasuggest mo? RPW?

Ano nga pala 'yan, app ba iyan?

Teka, download ko nga sa playstore nang magkaalaman

Kenneth:

HAHAHAHA

Baliw hindi

It's a roleplay world. Sa loob ng Facebook

Haidy:

Ha?

Di ko gets

Paki-elaborate please

Be more specific

Hindi keri ng IQ kong pang elementary

HAHAHAHAHA

Kenneth:

So ito na nga 

Ang RPW o roleplay world ay isang fake world sa loob ng facebook, more on roleplaying and suchs. Gagawa ka ng account gamit ang hindi mo tunay na pangalan at gagamit ka ng pictures ng celebrities or even fictional characters na ipoportray mo para hindi ka makilala sa totoong buhay ng mga tao roon

Haidy:
Sus

Papapasukin mo ako sa fake world ng mga posers

Mga gumagamit ng hindi nila mukha, makabihag lang ng foreighner

Kenneth:

Bobita!

Hindi gano'n 'yon

Iba ang poser sa roleplayer

Sa RPW, may mga rules na hindi dapat labagin. Ilan sa mga ito ay ang golden rule na no op related, silver rules gaya ng no spreading of personal informations, vm's or vc's, bronze rule na respect all co-rp'er, at platinum rule na hide your identity.

Haidy:

Oh kita mo

Poser nga

Kenneth:

Hay nako girl, stress mo ako

Magroroleplay ka, iba sa pagiging poser 'yon

Haidy:

Poser pa rin 'yon no

Kenneth:

Ang kulit mo eh no, sabing hindi nga eh

Haidy:

Weh

Poser pa rin talaga

Kenneth:

Isang poser mo pa riyan, ipopost ko talaga sa social media kung sino crush mo tapos itatag ko kayong dalawa

Haidy:

Hoyyy

Wala namang ganyanan

Parang hindi kaibigan ah

Hmp

Kenneth: 

Oh ano

Hindi ka pa titigil kaka-poser eh

Tiyaka magdesisyon ka na nga

Gusto mo ba itry o hindi

Haidy:

Hmm

Sounds fun though

Kenneth:

So, game?

Haidy:

Game!

Lockdown Problems✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon