During the height of the day, the rays of the sun softly touched the sharp grasses along the road of Pampanga. Dahil sa bilis ng sasakyan, the view passed like a blur but my eyes didn't fail to catch the heavy clouds approaching from the distance. Great, mukhang nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ko.
Heavy clouds, heavy thoughts.
It's crazy how memories turn up kahit na ayaw mo silang isipin. Hinawakan ko ang balikat ko as I recall that day, parang naramdaman ko ulit 'ung sakit ng pagkabangga ko sa kaniya. Inihilig ko ang ulo ko as I slowly feel a pain creep into my heart. I cursed myself kung bakit 'di kasi ako nag malay habang naglalakad 'nun. Pero kahit siguro na hindi kami nagkabungguan, my stupid self would still be intrigue to meet him.
Stupid, young Beth Anne.
First year of high school
The metal chair creaked at the marbled floor as Dennis lazily pulled it. Nasa cafeteria na kami ngayon after that little accident at the hallway. Buti na lang at hindi pa ganoon kadaming tao kaya agad kaming nakahanap ng pwesto. I pulled my chair and nicely pat and straightened my skirt as I sit down.
"Adam's getting cuter each passing year." Cherry said nonchalantly as her English accent cut through the air. She remained standing while checking her purse.
"Sinong Adam?" Dennis slumped at her chair and stared around the cafeteria, obviously uninterested.
"Oh you know, the guy who bumped Beth Anne earlier."
Agad akong tumingin 'kay Cherry ng narinig ko ang sinabi nya at hindi na pinansin na tinawag niya ako sa full name ko. Pati si Dennis ay napatingin kay Cherry sa sinabi nya, probably wondering paano niya yun nalaman. So his name is Adam, huh.
I don't even know why I'm interested.
"Paki ko dun, payat nga eh," sabi ni Dennis at umingos pa, "parang cottonbuds." Tawang-tawa niyang sinabi. Napakunot yung nuo ko sa sinabi ni Dennis.
"Anong cottonbuds! Okay naman yung katawan nya ah!" Shit. I said that too fast. But it's true, papasa sya as a model kaso... He's a bit lacking with his height.
Tumaas yung kilay ni Dennis sa sinabi ko, "May time ka pa talagang i-check yung katawan nya ah." Sumandal si Dennis sa upuan nya at pinagkrus ang kaniyang braso sa dibdib. Ah, her "interrogating' post. I should be really careful around Dennis, agad agad niyang naamoy kung anong meron eh.
Ano nga bang meron, ha, Beth Anne?
I started to fidget on my seat as I try to be comfortable under her questioning eyes. Si Cherry namay ay pinalagpas lang ang sinabi ko, dense fruit.
She just shrugged and said, "He's a year above us. Di niyo sya kilala since bagong transfer lang kayo dito. Ever since kindergarten ay dito na siya nag-aaral, same as me." She grinned with triumph with the Intel she said.
Ah, of course, Cherry the 'Ms. Congeniality".
"'Di ka pa rin ba nabubulok dito? Tagal mo na dito ah" Kahit na sinasabi yun ni Dennis ay nakatingin pa rin siya sakin.
"Lord, help me." Dasal dasal ko sa isip ko. Pag nagsimula na kasing magtanong si Dennis eh tuloy tuloy na hanggang hindi niya makuha yung gusto niyang sagot.
"If I transferred last year, then you wouldn't have met an amazing friend." Ganti namn ni Cherry, sabay labas ng dila niya, "Anyway, tara na, bili na tayo, nagugutom nako!" Sabay hila niya sa braso ni Dennis para tumayo.
"God is really good!" Nagdiwang ako sa loob ko silently thanking Him and Cherry's stomach.
Agad akong tumayo at linagay sa gitna ng table yung maliit na flag na nagsasabi na occupied na yung table. So cool. "Oo nga, tara na." I smiled to Dennis knowing I dodged her curiosity. Nauna na akong maglakad sa mga stalls at agad bumili ng juicebox.
Bumili na rin sila at nakahinga ako ng maluwag ng narinig ko ng nags-start na magreklamo si Dennis sa presyo ng mga pagkain. "Bakit pati gravy kailangang bayaran! Grabe ha! Tapos ang liit pa ng chicken fillet!" Napailing na lang ako at tumawa, ang mahal naman kasi talaga ng canteen na 'to. "Buraot." Bulong ni Dennis sa 'kin pagkalapit ko.
Kinurot ko naman yung tagiliran niya para tumigil na siya. Araw araw ay ganyan yang babae na yan, pero kahit reklamo ng reklamo ay bumibili pa rin naman siya. Umiling iling na lang ako at tumingin na lang sa mga tao na unti unting dumarating.
Nagsimula ng mapuno ng ingay ang kaninang tahimik na canteen, lumapit na sa akin si Cherry na dala ang kaniyang pagkain, "Mauna na raw tayo, hinihintay pa ni Dennis yung sukli niya." Tumango ako at nilingon si Dennis na nakikipagusap sa mga ate na nagtitinda. Ang gulo niya talaga, paniguradong may sukli na 'yan kaso ayun, ginugulo pa rin sila ate. Hays, kilala na siguro siya ng mga nagtitinda doon dahil sa lagi niyang pagrereklamo.
Ilang minuto rin ay dumating si Dennis sa table namin at kumakaway pa sa mga kakilala niya na mga taga grade 9 yata. "Gusto niyong sumama mamayang uwian sa room ng mga grade 9? Nagpapahula sila." Dennis and her cards.
Year 9, hmm, if I can remember Cherry said that he's in year 8, so...
"No thanks, my brother's picking me up." Lumingon sakin si Cherry, "You, Bi?"
"Uhm, may mga gagawin pa kasi ako mamaya." Ngumiti ako kay Dennis at tumango na lang at nagpatuloy ng kumain.
Dennis has this thing with her cards. Nakikita niya yung bagay na may kinalaman sa paglalakbay mo sa buhay at for sure nalaman ito ng mga taga ibang grade. Di ko alam kung maniniwala ako or what. It's Dennis we're talking about.
Pool. Banyo. Airplanes.
'Yan yung nakita ni Dennis sa cards nya ng hinulaan nya ako. She can see things but she doesn't know what they mean. Tinanong nga ako ni Dennis kung may sense yung sinabi niya pero I couldn't think of one. It's probably in the future, then.
Present time
I didn't think much of it before. I mean pools, comfort room, and airplanes? What could've possibly gone wrong?
But boy, was I wrong. Sa dalawang lugar sa tatlong binaggit ni Dennis ay kung saan nangyari ang mga bagay na that made me feel so alive and... dead.
It all makes sense now. Life, death, and rebirth.
That's what her cards sees.
---------------
Vote.Comment.Share
Kamusta?

YOU ARE READING
Endings Beginnings
General FictionBeth Anne Ramirez is a prim and proper girl. She's a young girl, like most of us, who is eager to know how falling in love feels like. But as she dives in the simpleton thinking "What could go wrong?" she finds herself in midst of doubts. When do y...