Simula.Sa mansyon ng mga
'Asulente'."A-Ano pong ibig niyong sabihin?" Pagtanong ng kwarenta-singko anyos na si Jomill,mababahiran sa tono nito ang takot at pangamba. Kinakabahan sa maaari niyang marinig ngunit inaasahan niyang mali ang kanyang hinuha.
Inilapag ni Donya Dowana sa mesa ang kanyang mamahaling tasa bago nito sagutin ang tanong. "Ang ibig kong sabihin,ipapakasal ko ang anak mong babae sa anak kong lalaki."
Sa narinig na iyun ng lalaki ay bumigat ang kaniyang paghinga at lumakas ang pagkabog ng kanyang puso.
"Ho?" Pagtanong muli ni Jomill. Sinisigurong tama ang naririnig niyang sinabi ng Donya.
"Mr. Entrada,alam kong nagulat ka sa naging kabayaran ng utang mo,ngunit hindi ako nagbibiro," saad ni Donya Dowana.
Pagngiti lamang ang isinukli ng Donya sa kanyang kaharap. Mas lalong kinabahan si Jomill sa pagkurba ng mga labi nito. Hindi niya lubos-akalain na sa katalinuhan ng Donya ---na nakapagpatayo na ng isang five star hotel ay makakapag-isip ng kabayarang ikababaliw ng isip ni Jomill.
"Donya Dowana b-baka naman ho may iba pang paraan,wag niyo na hong idamay ang anak ko, ako nalang po ang magbabayad. Magbabayad ho ako buwan-buwan o di kaya- di kaya! Ngayong buwan babayaran ko ho! Wag niyo na hong idamay ang anak ko rito." Pagmamakaawa ni Jomill,kulang na lamang ay hahawakan na niya ang kamay ng Donya at magmakaawa. Ngunit baka magmukha siyang bastos kung gagawin niya iyun. Kaya hindi niya ginawa.
"Anim na buwan mo nang hindi binabayaran ang utang mo Entrada,pinagbigyan kita sa anim na buwang iyun dahil baka nakalimutan mo na ang dapat mo---"
"Donya hindi po totoo yan! Hindi ko ho nakakalimutan!" Agarang pag-depensa ni Jomill sa sinambulat ng Donya. Ayaw niyang isipin na sinasamantala niya ang mga buwan na hindi pagpapaalala kay Donya sa kanyang utang.
"Nakalimutan mo man o hindi,hindi mo pa'rin nabayaran Mr. Entrada. Ngayon. Sa anim na buwan na hindi mo pagbayad,may ideyang pumasok sa isip ko...nung una alam kong mali at hindi patas sa iyo at sa anak mo. Ngunit! Maganda ang anak mo Mr. Entrada,at napaka-bait niyang babae,matalino rin." Habang sinasambulat niya ang katangiang taglay ng anak na babae ay hindi maalis ang pagngiti ni Donya Dowana. Makikita sa mukha nitong nagugustuhan ng Donya ang anak ni Jomill.
"Kung kaya't nais ko siyang itali sa anak ko at magsama sila sa isang bubong."
Nanginginig sa kaba si Jomill. Hindi niya nagugustuhan ang mga isinasabi ng Donya. Sa tanang buhay ay hindi pumasok sa isip niyang ibayad ang kanyang anak at ipakasal sa kahit na sinong lalaki. Kahit man ang kagustuhan ng Donya na 'itali' ang dalawa ay isang malaking pagtutol sa kanyang kalooban.
"Kaya Mr. Entrada." Napawi ang kurba sa mga labi ni Donya Dowana at gumuhit sa mukha nito ang pagkaseryoso.
"Sa ayaw mo't sa hindi magpapakasal ang anak mo at ang anak ko." Kalmado lamang ang tono ng kanyang boses ngunit ang mga mata nito ang nagpapaalalang. Hindi na siya aatras pa. Sa madaling salita isa itong 'babala'.
Sa sinabing iyun ng mayaman ay napalunok ng di oras sa laway si Jomill. Ang araw ng pagbisita ni Jomill sa Mansyon ng mga Asulente ay isang napakamalas at napaka-imposibleng pangyayari sa kanya. Patuloy na lumulutang sa kanyang isipan ang sinabing 'kabayaran' daw sa utang niya. Para bagang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang puso. At ang bagay na iyun ay ang sinabi ni Donya Dowana. Hindi niya namalayang nakauwi na siya sa bahay dahil sa malalim na pag-iisip. Walang tumatakbo sa isip niya kundi ang magiging kalagayan ni Lyren,ang kaniyang anak.
___
If you like this CHAPTER please vote and leave a comment THANK YOU 💙
BINABASA MO ANG
Redrose Handcuffs.
RomanceSa murang edad na 18 ay ikinasal si Lyren Entrada sa dugong bughaw na si Kian Asulente. Sa kadahilanang nabaon sa utang ang Tatay ni Lyren kay Dowana Asulente. Kung titignan ay napaka-imposible na desisyun ang ipakasal ang dalawang menor de-edad at...