CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Ang buong kwento.

CHAPTER 3

Si Jomill ay 45 taong gulang,isang biyudo ngunit naka pangasawang muli ----si Celine. Nagkaroon ng sakit sa bato si Jomill kaya nakaratay ito sa Hospital ng ilang buwan. Ang anak nitong si Lyren ay isang mabait at matalinong babae. Isinasabay ni Lyren ang pag-aaral nito at ang pagta-trabaho sa isang karihan bilang isang waitress. Ginagawa niya ito para mabili niya ang gamot ni  Jomill na sa mga panahong iyun ay lumalala na ang sakit. Muntikan siyang tumigil sa pag-aaral para makapag-trabaho nalang at mapagamot si Jomill. Ngunit hindi ito nagustuhan ng kanyang ama. Mas pipiliin niyang malagutan ng hininga kesa isasakripisyo ni Lyren ang pag-aaral dahil lang sa kanyang malalang karamdaman. Sa ilang buwang pagkakaratay ni Jomill sa hospital ay unti-unting gumuho ang kanilang mundo. Nagigipit na sa 'pera' si Celine at Lyren. Naputulan sila ng kuryente't tubig dahil hindi sila makapag-bayad. Kay Lyren ibinunton ni Celine ang sisi sa kadahilanang hindi nagawa ni Lyren ang kanyang responsibilidad na gumastos sa kanilang pangangailangan. Ikinikimkim na lamang ni Lyren ang pagkainis sa kanyang Ina-inahan dahil ayaw niyang mamagitan ang pagkamuhi sa kanilang relasyon sa kadahilanang ayaw niya na ng dagdag-problema. Kahit na lahat ng nangyayaring masama sa kanila ay sa kanya laging ipinupukol.

Sa hangaring magamot si Jomill ay kinapal na ni Celine ang kanyang mukha at lumapit kay Donya Dowana para mangutang ng 'pera'. Naging mabuting hardinero noon si Jomill kay Donya Dowana kung kaya pumayag itong maglabas ng salapi. Sa una ay nangutang si Celine ng mahigit 700,000. Ngunit pagkaraan ng ilang araw ay nangutang muli ito ng 300,000 para sa kuryente at tubig. Hindi na tumatak pa kay Celine ang salitang 'utang',at inakala nitong isang 'pagmamalasakit' ang perang ibinibigay ni Donya Dowana. Sa kabilang dako ay ikinagulat ni Jomill ang pangungutang ni Celine sa dating amo niyang si Donya Dowana .

Sumakit ang ulo ni Jomill sa perang inutang ni Celine. Nagulantang siya sa mahigit isang milyong inutang nito kay Donya Dowana. Naligtas naman ang kanyang bato ngunit ang ulo na naman niya ang sasakit dahil hindi niya alam kong papaano babayaran ang isang milyon-halaga nitong utang. Wala siyang trabaho ngayon pati rin si Celine. Si Lyren naman ay kumikita ng 500 peses sa isang araw at pinagkakasya niya iyun sa bayaran sa kuryente at tubig at sa kanilang pagkain. Ngayon ay naisipan na niyang harapin si Donya Dowana,at naglakas loob siyang pumunta sa mansyon na ilang araw na niyang pinagiisipan. At sa pagkarating niya sa mansyon at makaharap si Donya Dowana,isang nakakagulat na 'kabayaran' ang nagpagunaw muli sa kanyang mundo.






Author; sorry kung 'narration' lang ang naisulat ko. Gusto ko kasing isalaysay ang mga pangyayari ng 'madalian'/(pero di ako nagmamadali..parang  ginusto lang 😅)
Sooooo ayun nga babawi ako sa mga next chapters soooo stay tune!
Thanks for reading
Kung maari (kung gusto niyo lang naman) mag-iwan kayo ng komento at ipindot ang ⭐ sa dulo SALAMAT!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Redrose Handcuffs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon