CHAPTER 2

0 0 0
                                    


CHAPTER 2

"Pagpapakasal ang kabayaran? Sigurado ka?" Tanong ni Celine---ang bagong asawa ni Jomill.

Napakalalim ng  iniisip ni Jomill kaya  wala sa sarili itong tumango sa kinakasama,habang nasa mukha naman ng babae ang gulat ng sumagot nang pagtango ang lalaki,na sa unang dinig niya sa sinabi ni Jomill ay inakalang kabalbalan lamang.

"O anong nangyari? Pumayag ka?" Tanong niyang muli.

Naghintay ng kasagutan si Celine,ilang segundo ay yumuko si Jomill at nagugulumihanang napahilamos sa mukha ang lalaki. Nababaliw na siya kakaisip kung anong gagawin niya sa magulong sitwasyon----na sa pagtutol o pagpayag niya nakasalalay ang takbo ng sitwasyong kinasasadlakan niya ngayon.

"Sinabi ko naman kase sayo!" Saad ni Celine.

"Sinabi ko na sayo ng paulit-ulit ng paulit-ulit na bayaran na natin yung utang kay Dowana! Kasi baka pag naningil yan,buhay mo ang kapalit!" Nagsimula ng manermon si Celine.

"Oo alam ko Celine! Gusto kong bayaran ang pagkaka-utang ko sa kanya,pero kasi maraming gastusin dito sa bahay,dagdag gastusin pa yang! Ref tsaka karaoke na binili mo!" Hininaan nito ang huling sinabi.

"O e! Ibig sabihin ba nito kasalanan ko?!" Aniya,tumataas na ang tono ng babae. Rumehistro na sa mukha nito ang pagka-inis at pagtataray.

Pumikit na lamang si Jomill, parang alam na niya ang mangyayari dahil naganap na ito noon. Nakatukod ang magkabilang kamay sa dalawang binti at nasa pagitan ng kanyang dalawang palad ang kanyang ilong. Pilit na pinapakalma ang sarili.

"Kasalanan ko kung bakit marami tayong bayarin sa kuryente ganun! Na kasalanan ko kong bakit dimo na mabayaran ang utang mo diyan sa Dowana na yan! Na ako ang may kasalanan dahil sa kanya ako umutang para sa pagpapa-opera ng laman mo! Ako pa ang sinisisi mo! Ganun?!" Mahaba-haba nitong litanya.

"Wala akong sinabing ganoon Celine! Kahit kailan hindi ko inisip na kasalanan mo! Kung tutuusin magpapasalamat pa ako kasi dun ka pa sa Amo ko noon,nangutang." Ani Jomill.

"Nagpapasalamat ka ba o naninisi?" Hindi parin kalmado ang boses nito.

"Pwede ba Celine..ayoko ng away gusto ko ng matulog, bukas na bukas pupunta ako kina Donya Dowana kakausapin ko siya at sasabihing tututol ako sa gusto niya."  Saad ni Jomill na gulong-gulo na ang isipan at pikon na pikon na.

Malalim na nag-isip si Celine, "Pero Jomill."

Natigilan si Jomill sa na-wika ni Celine,hindi na ito galit at may gusto itong sabihin. "Isipin mong mabuti,mayaman si Dowana,malaki ang bahay,madaming pera,baka nga siguro madaming kotse. Iyang anak mo di mo alam kong makakapag-aral siya ngayong pasukan,ma-diskarte at sayang matalino malaking kawalan kung hindi makakapag-aral."  Panghihinayang niyang sabi kay Jomill. Ikinukumpara ni Celine ang dalawang magkasalungat na buhay.

"Alam ko ang ibig mong sabihin,pero tutol ako dyan Celine. Napakabata pa ng anak ko ni hindi ko nga hinahayaang magkanobyo iyang si Lyren!"

Lumukot ang mukha ni Celine. Para bagang pumutok na parang bula ang mga 'perang' lumulutang sa kanyang isipan.

"A! Sige ikaw bahala! Bahala kang mabaliw sa pag-iisip! Basta sinasabi ko sayo! 'Yang Dowana na'yan? Mayaman,maraming pera,kayang-kaya ka niyang ipatumba o di kaya sirain 'tong bahay natin! Pinapaalala ko lang sayo Jomill." Pananakot nito at patuloy pa ring kinukumbinsi ni Celine ang 'nais-ipabatid' sa asawa.

Maya-maya pa ay dumating na ang anak ni Jomill na si Lyren. 18 anyos na ang dalagita,may dala-dala itong shoulder bag na nakasukbit sa kanyang balikat. Nakatirintas ang mahaba't maitim na buhok nito ngunit may naiiwan pang mga hibla,at mahahalataan sa maamo nitong mukha ang pagod. Nakasuot siya ng simpleng blouse at pantalon--- mukhang galing siya sa trabaho.

Redrose Handcuffs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon