1. How It Begun

5 1 1
                                    

"Miss Cristobal, late ka nanaman" salubong nung guard sa akin pagkalabas ko sa sasakyan.

"Meron na ba si Ma'am Chloe?" tanong ko bago pa man ako makapasok sa gate, at nang tumango siya at agad agad akong tumakbo papunta sa 4th floor ng building namin.

Nagbasa kasi ako ng kung ano ano sa wattpad kagabi tapos hindi ko namalayang 4 am na pala tapos naalala ko na may 7 am class ako.

Hindi na talaga ako nasanay na halos laha tng klase ko ay 7 am. Hinihingal kong binuksan ang pintuan ng classroom na nasa dulo ng floor.

Napahinto ako nang mapansin kong lahat sila at nakatingin sa akin, hindi ko sila mamukhaan, sa sobrang late ko, hindi ko naisuot ang aking salamin kaya naman dali dali ko itong hinanap sa aking bag nang biglang may tumikhim sa tabi ko nang mahawakan ko ang aking salamin kung kaya't bago ko pa ito maisuot ay nakita ko na ang taong masungit na nakatingin sa akin.

Gulat ko siyang tinignan, hindi siya ang prof ko para sa klaseng ito, isinuot ko ang aking salamin at wala akong kilala sa kanila bukod kay Matthew, panandalian akong napatitig sa kaniya. Nakatingin siya sa akin.

"Miss Cristobal, bakit ka ba nasa klase ko?" masungit na tanong ni Ma'am Luz. Agad akong napatingin sa relo ko. 7:23 palang bakit wala ang mga kaklase ko.

"Maaga po bang nagdismiss si Ma'am Chloe?" Tanong ko na siyang dahilan kung bakit napuno ng tawanan sa loob ng klase. Bahagya akong namula, ng nakita kong nakangiti si Matthew.

"Ma'am Chloe? Sa pagkakaalam ko sa 4th floor ang kaniyang klase Miss Cristobal." bahagya akong naestatwa sa narinig. Nabalik lang ako sa reyalidad nang biglang nagsalita ulit si Ma'am Luz.

"Miss Cristobal, kung maaari ay pumasok ka na sa iyong klase at nakakaistorbo ka na rito." agad akong napatalikod at pagkalabas ko napatitig ako sa card na nakalagay sa taas Room 304.

Napatakbo ako paakyat ng mapagtanto na kinulang ako ng akyat ang tanga ko talaga.

Tumingin muna ako sa itaas bago pumasok. Room 404.

"Ma'am Chloe, I'm sorry I'm late, hindi na po mangyayari ulit." agad kong sinabi pagkapasok. Narinig ko ang tunog ng takong niyang palapit sa akin kaya tumayo ako ng matuwig.

"Sa pagkakaalam ko, palagi kong naririnig sayo ang salitang hindi na mauulit Miss Cristobal." sabi niya habang nakahalukipkip na tumingin sa orasan. Magsasalita palang sana ako ulit ng bigla siyang nagsalita.

"Miss Cristobal, you are 30 minutes late and you expect me to just let it go?" nakataas na kilay niyang tanong.

"Write an apology letter and it should include a promise that it will never happen ever again. Give it to Matthew before you go home today. Go to your seat now!" mariin niyang sabi na agad ko namang sinunod. Hindi mawala sa utak ko na makakausap ko si Matthew ngayong araw, buti nalang pala late ako.

Kapatid kasi ni Ma'am Chloe si Matthew at maaga sigurong siyang uuwi ngayon kaya kay Matthew niya ipinapabigay. Kinikilig ako sa naiisip kong pwedeng mangyari mamaya.

Si Matthew nga pala ay First Year College din katulad ko, pareho kami ng building pero magkaibang program, siya sa accountancy, ako sa legal management.

"Yvonne, sasama ka ba maglunch?" tanong ni Trixie pagkatapos ng klase kay Miss Chloe.

"Hindi muna, kailangan kong mabigay yung letter kay Matthew e." sabi ko at naglabas ng bond paper mula sa bag ko.

"Sus kinikilig nanaman siya, hindi maalis yung ngiti sa mukha mo a, parang lumilipad din yung tenga mo." sabi ni Tracy kaya mas lalo akong napatingin

"Wag ka ngang ganyan, baka may makarinig sayo." sabi ko at sinimulang magsulat.

"Nako Yvonne ha, alam naman ng lahat dito sa legal management na may gusto ka kay Matthew dah nga diba last sem madaming nagbigay sayo ng gift pero paulit ulit mong sinabi na may gusto ka na at si Matthew yon. Baka nga alam na din ni Matthew e" sermon ni Tracy sa akin.

Reading in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon