"Anak gising na baka malate kapa sa school mo, first day mo pa naman". Paggising sa akin ni mama sa labas ng aking kwarto.
"O-opo ma". Pautal kung tugon at bumangon.
"Pagkatapos mong mag-ayos ng higaan kain kana". Muli niyang tugon.
"Opo ma". Sagot ko at nagayos ng higaan.
Matapos kong magayos ay dumeretso ako sa aking cr para maghilamos at magmumog, at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba para kumain ng almusal.
"Morning po papa". Bati ko sa papa ko pagkababa ko.
"Morning din anak musta ang tulog?". Tanong niya.
"Maayos naman po pa medyo hindi nakatulog dahil excited po ako pumasok". Masaya kong tugon.
Ang totoo niyan, hindi talaga ako excited pumasok. Hindi ko kasi nasulit ang bakasyon kaya tinatamad akong pumasok.
"Hahaha sige anak kumain kana at maligo para hindi ka malate sa unang araw ng iyong klase". Sabi niya.
Pumunta na ako sa hapagkainan at kumain , pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis. Inayos ko narin lahat ng aking gamit sa bag at bumababa.
"Ma, pa aalis na po ako". Paalam ko kina mama.
"Sige nak magenjoy ka at mag ingat ka". Saad ni mama.
"Oh eto baon mo nak mag ingat ka ha". Tugon naman ni papa.
"Opo ma, pa salamat po". Pasasalamat ko sa kanila. "Aalis na ho ako". Muli kong paalam at hinalikan sina mama at papa sa pisnge at umalis.
Naglakad na ako patungo sa sakayan ng makita ko si Ariel palabas ng kanilang bahay. Agad ko naman itong tinawag dahilan ng kaniyang paglingon.
"Ariel". Tawag ko sa kanya.
"Lawrence!!". Sabi niya ng pasigaw. "Namiss kita". Dagdag niya.
"Ako rin, namiss kita". At niyakap siya.
"Kamusta ang bakasyon?". Tanong niya.
"Ok naman medyo boring pero masaya naman ikaw ba? Kamusta ang bakasyon mo? Balita ko eh nagpunta ka raw ng hongkong?". Sabi ko.
"Nako speaking of hongkong, may pinapabigay pala si mama sayo pero pumasok muna tayo at baka malate pa tayo, unang araw ng klase pa naman ngayon. Mamaya ko na lang ibibigay kapag nasa school na tayo". Mahaba niyang salaysay at pagaya.
Tumango nalang ako at umalis. Pagkarating namin sa school ay agad naming hinanap ang classroom namin. Ngunit sa kalagitnaan ng aming paghahanap ay may nakabunggo ako dahilan ng pagkabagsag ko sa semento.
"Sorry". Agad kong sinabi at tumayo. "Sorry ul..". Di ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang aking nakabangga.
Si Hades, ang campus heartthrob ng aming school ang aking nabangga. Magsosorry pa sana ulit ako nung tinignan niya ako ng masama at umalis.
"Sungit sungit naman, nagsorry na nga ako eh". Sabi ko sa aking sarili.
"Lawrence ayos kalang?". Tanong ni Ariel.
"Oo ayos lang ako, tara na hanapin na natin classroom natin baka malate pa tayo". Sagot ko at nagpatuloy lamang kami hanggang sa mahanap namin ang classroom namin.
Pumasok na kami sa classroom at naghanap ng upuan. Marami rami narin ang estudyante sa classroom namin.
"Ariel, Lawrence dito". Tawag ng kung sino dahilan ng aming paglingon.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Fiksi UmumThis story is Boy X Boy. If you are against LGBTQ+, better not to read this.