Chapter 2: Crush

6 1 0
                                        


Hades's POV

"Pre di paba tayo matutulog? Anong oras na oh tsaka may pasok na tayo bukas". Tanong ni Jade sa akin.

"Oo nga pre alas 2 na oh, di pa ba tayo matutulog? Inaantok na kasi kami eh". Sabi naman ni Jake.

"One game nalang mga pre please". Pakikiusap ko na siya naman nagpapayag sa kanila.

Kasalukuyan kaming naglalaro ng mobile legend ng magchat si Adam sa gc naming apat.

"/Mga pre, section A tayong apat kaya magkakaklase tayo/". Chat niya sa gc.

"/Talaga? Patingin nga pre/". Sabi naman ni Jade kaya nagsend si Adam ng picture at totoo nga na magkakaklase kaming apat.

Magkakaiba kasi kami ng section last year gayunpaman eh hindi na mamawala ang bonding naming magbabarkada. Agad naman namin sinearch ang mga bago naming kaklase at inadd sila isa isa.

"/Hades diba ito yung crush mo?/". Biglang tanong ni Jade na agad ko namang tinanong kung saan.

"/Saan?/". Tanong ko.

"/ito oh/". Sabi niya at may sinent na picture. "/Diba siya ito?/". Tanong niya.

"/Siya nga/". Chat ko ng nakangiti. "/Lawrence pala name niya, ang cute/". Muli kong dagdag habang nakangiti. "/Sige mga pre tulog na ako/". Pagaaya ko sa kanila.

"/Sus para paraan hahahaha/". Chat ni Adam. "/oh siya magsitulog na tayo/". Dagdag niya at nagpaalam na kami sa isa't isa.

*KINABUKASAN*

Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ng klase at excited akong pumasok lalo na't makikita ko na ang mahigit dalawang taon ko ng hinahanap.

(FLASHBACK)

"Hades!! Hades!!". Sigaw Adam papalapit sa akin. "Hades, nood tayo ng volleyball." Aya niya.

"Ok". Sabi ko kaya hinila niya ako.

Pero sa totoo lang, ayaw ko manood ng volleyball dahil hindi naman ako interesado sa sports. Pumayag lang ako para hindi na ako kulitin ni Adam. Gusto niya lang manood dahil nandoon ang crush niya, si Khiel. Pagdating namin sa gym ay ingay agad ang sasalubong sayo.

"Woooaaah!!! Go Ace!!"

"Go team Vains!!!!"

"V-E-I-N-S *clap *clap *clap *clap *clap".

"LET'S GO ALPHA *clap *clap *clap".

Agad naman akong sumunod kay Adam ng makakita siya ng upuan sa gym at agad na umupo pero imbes na makaupo ako ay may nakabangga ako. Agad naman akong nagsorry sa kanya at umupo. Sa hindi inaasahan ay tila ba tumigil ang mga nasa paligid nang tumingin ako sa kanyang mukha na mala anghel.

"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit sa lalake ko to naramdaman?" Tanong ko sa aking sarili na naguguluhan.

Nawala lang lahat ng iyon nung tinawag ako ni Adam. Pinatapos namin ang larong iyon at umuwi. Simula non ay palagi ko siyang hinahanap hanap.

(END OF FLASHBACK)

Agad kong inayos ang aking higaan at dumiretso ng banyo upang maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.

"Morning mama". Masaya kong bati pagkababa ko.

"Morning din anak aga nagising ah". Bati sakin ni mama. "Anong meron at napaaga kang gumising?". Tanong ni mama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now