"Alam na naming sniper team ang gagawin, hacker team basahin niyo every move nila tapos sabihin niyo sa fighter team" Ate Lianne
~♡~♥~♡~♥~♡~♥~♡~♥~♡~♥~
Akisha's POV"Hacker team maghanda kayo kung may maka-diskubre man ng basement natin kasi dito lang kayo, Sniper team pumunta na kayo sa inyong kanya-kanyang pwesto, at kaming fighter team naman eh maghihintay na lang sa labas" mahabang instruction ko sa kanila, co-leader kasi ako eh
"Magsi-punta na tayo sa mga kanya-kanya nating mga pwesto wala dapat tayong sinasayang na oras. Saka kapag nauna silang gumamit ng powers e, dun lang kayo gagamit din ng powers" pag-papaalala sa amin ni Jherls
Nung natapos yung meeting eh tumakbo na kaming fighter team sa taas, nasa basement kasi kami e. Nung nasa labas na kami e, sa mga pillars kami nagtago, alam kasi naming surprise attack yung gagawin nila e kaya dapat kami rin.
"Anong oras ba dadating yung mga yun!!" Naiinip na reklamo ni Sopia
"Maghintay ka at nararamdaman ko na sila kaya maghanda na kayo" pang-wawarning sa amin ni Jherls
"On 3 gugulatin natin sila 1........2........3" nung nasa 3 na e lumabas na kami sa pinag-tataguan namin at doon namin nasalubong yung boys
'Di ko alam kung tanga sila o may plano, kasi silang 10 lang talaga yung nagpakita sa amin e.
"Ate Lianne maging alerto kayo at imposibleng silang 10 lang yung susugod dito" sabi ko sa sniper team through the earpiece
"Anong kailangan niyo at napunta kayo rito sa bahay??" Tanong sa kanila ni Ellienai in a feisty way
"Anak ng, paano niyo natunugan yung pag-atake namin??" Tanong ni Josef ng may purong pagtataka sa mukha
"Tandaan niyo ito, oo babae kami pero mas malakas pa kami kaysa sa inaasahan niyo" pagpapa-alala ni Jherls sa mga lalaking nasa harap namin na ngayon ay sobrang manghang-mangha sa amin
"Nandito kami para makipag-usap hindi makipag-bakbakan" kalmadong sabi sa amin ni Kuya Sairo
"Tungkol saan" maikling tanong ko sa kanila
"Tungkol sa Red Phoenix Gang at tungkol sa joined group" paliwanag naman ni Ace
"Sniper team at Hacker team punta tayong lahat sa sala" sabi ko kina Ate Lianne at Ate Princess sa earpiece. Si Ate Lianne kasi yung namumuno sa sniper team, tapos si Ate Princess naman ang namumuno sa hacker team
"Pasok na tayo, pero siguraduhin niyong wala kayong gagawing kahit anong kalokohan" sabi ni Sopia dun sa boys na mukhang pinag-aaralan ang buong bahay
Nung sinabi niya yun eh pinauna na muna namin sila para mabasa namin yung mga galaw nila. Mahirap ng magtiwala lalo na't mafia world ang pinasok namin.
"Umupo na muna kayo diyan habang hinihintay natin si leader" sabi ni Jherls habang umaakyat siya sa hagdan. Paniguradong magbibihis muna yan
"Saan yun pupunta Akisha??" Tanong sa akin ni Aiden
"Magbibihis" maikling sagot ko kasi baka madetalye ko pa eh. Madaldal pa naman ako
"Nasaan na si JC kung mag-mimeeting pala tayo dito??" Tanong ni Ate Lianne nung nasa sala na silang lahat
"Nagbihis po leader" sagot ni Ellienai kay Ate Lianne, kapag may ibang grupo kasi kaming kasama sinisigurado naming nicknames ang itatawag namin sa isa't isa
"Ellie pakitawag na nga si JC para matapos na tong meeting na ito" sabi ni Ate Lianne kay Ellienai
"Yes leader" sabi ni Ellienai tapos tumayo na sa pagkakaupo niya at pumunta na sa kwarto ni Jherls
After 3 minutes e bumaba na silang dalawa ni Ellienai. Nagbihis rin pala si Ellienai. Pero mas okay kasi talaga kapag komportable ka eh.
"Ngayong nandito na kayong dalawa Ellie at JC, tungkol saan tong meeting na ito A.S??" Tanong sa akin ni Ate Lianne
"Tungkol daw sa Red Phoenix Gang at joining groups" sabi ko kay Ate Lianne. Pero joining groups?? bakit naman nila gusto makipag-join ng groups??
"Anong tungkol sa RPG" tanong ni Ate Lianne kay Ace tutal si Ace naman yung leader eh
"May masama kaming balita tungkol sa RPG, nakipag-kasundo sila sa Darkside" Darkside?? Pero bakit?? Saka pangalan pa lang nakakatakot na e
"Paano mo naman nalaman?? Nasa mundo tayo ng mga tao" tanong ni Ate Lianne sa kanila
Nung tinanong ni Ate Lianne yun eh sumipol si Keene. Pagkasipol niya e may dumating na agila, lumusot ito doon sa nakabukas na bintana namin.
"Meron ba sa inyong marunong makipag-usap sa hayop??" Tanong ni Keene sa aming lahat. Nung tinanong ni Keene yun eh tiningnan naming lahat si Ate Lianne
"Oo na" tapos nakipag-usap na siya sa hayop. Nung natapos yung pag-uusap ni Ate Lianne saka nung ibon eh nanlaki yung mga mata niya
"Totoo nga nakipag-kasundo sila sa darkside" sabi ni Ate Lianne ng may pagkabahala sa mata
"Ano ba ang darkside Leader??" Tanong ni Julia pati rin pala sila curious na rin sino ba naman kasing hindi macu-curious diba?
"Matagal na silang kalaban ng 7 kingdoms malakas sila at hindi madaling mabuwag ng ganon-ganon lang" Ate Lianne
"Pero bakit hindi nagsanib yung 7 kingdoms para matalo sila??" Tanong ni Shaira
"Nagawa na nila yun ang kaso lang nasa side ng Darkside ang Dark Goddess, kaya hindi nila ito matalo-talo. Pero ayon sa propesiya may pitong babaeng ipapanganak na makakapagligtas ng mundo" mahabang kwento ni Kuya Sairo
"Oh, e nasaan na sila??" Tanong naman ni Ate Jianna
"Walang nakaka-alam nun ang balita kasi pinatay na daw sila pati yung mga magulang nila" sagot naman ni Josef sa kanya
"E nasaan naman yung pitong Goddess??" Sofie. Oo nga naman nasaan yung pitong ibang Goddess nung kailangan mo sila??
"Pinatay sila nung Dark Goddess kasi alam nito na masisira yung plano niya kapag nalaman nila yung plano ng Dark Goddess" sagot naman ni Basty kay Sofie
"Teka nga paano niyo nalaman yang mga yan??" Tanong naman ni Jillianne
"Mga prinsipe kami diba?!" Aiden
"Sabi ko nga" Jillianne
"So makikipagsanib-lakas ba tayo sa kanila Leader??" Tanong ko kay Ate Lianne
"Mukhang kailangan A.S" mukhang wala talaga kaming choice kailangan na talaga naming makipagsanib-lakas sa kanila
YOU ARE READING
The Innocent Goddess' Revenge (DISCONTINUED)
Novela JuvenilAkisha Sapphire Montenegro isa sa pitong magagandang dyosa na makapangyarihan sa lahat, meron silang kontrol sa apoy, tubig, hangin, kidlat, liwanag, yelo at sa mundo. Isang carefree na babae na walang pakialam sa paligid nya basta masaya sya. Pero...