Unang kabanata

20 3 2
                                    

''NASAAN TAYO?'' histerikal na sigaw ni michael na aming presidente kaya nagising na rin ang iba

Nagsimula kaming magsisilip sa bintana para tignan kung nasaan kami

''Sandra,Ang creepy asan ba tayo?''medyo natatakot na ring sabi ni Yvonne

Napakadilim sa labas ang tanging ilaw ay ang mga papatay patay na ilaw ng mga sirang rides

''San driver natin?''tumayo ako at itinanong sa mga nasa harap dahil nasa bandang gitna kami nakaupo

''oo nga noh?asan''tanong rin ng iba naming kaklase ng marealize nila

''baka umihi lang'' malokong sagot ni mark

''gago kaba?kung ikaw drayber iihi kaba sa gantong lugar?''bulyaw sakaniya ni Yvonne

napangiwi naman ako dahil nagsisimula nanaman 'tong dalawang toh

''oo naman kesa maihi sa shorts'' sagot ni mark at tumawa pa

''guys walang signal! ''  sigaw ng isa kong kaklase kaya agad kong tinignan at wala nga 

nawala ang atensiyon namin sa cellphone  ng magsalita ulit si michael

''naisip niyo yung driver pero si mam hindi?''sambit niya

kaya mas lalo na kaming naguluhan lahat at naghihisterikal ng ang iba

"Hindi ko napansin si mam na sumakay ng bus after natin doon sa garden" sabi ni aya na nasa pinakaharap

"Hindi pa pala nakasakay bat 'di ka man lang nagsalita?" Tanong ko sakaniya pero binaliwala niya lang ito at nagtingin muli sa bintana kaya umirap nalang ako

"Nakaalis tayo ng wala si mam amputa HAHAHHAHA"sarkastikong tawa ni mark

" 'di mo nga rin napansin diba?"singhal pa ni yvonne sakaniya

"Andito yung bus ng Zeus! !"

"Pati yung mga taga Aphrodite!"

"Uy ayun yung kina kira oh! Section ng Hera!"

Kaliwa't kanang sigawa ng mga kaklase ko ng makita nila ang mga bus ng ibang section pero puro g10 section ang binanggit nila at mukhang lahat kaming grade 10 ay nandito sa lugar na ito

Nalaman naming mga taga ibang section ito dahil ang tatak ng bus na nirentahan ng school ay AFEX

At nakalagay sa harap ng mga bus ang section ng mga estudyang nakasakay doon

"Tignan niyo yun oh,andaming bus din na AFEX pero hindi natin ka section or schoolmate iyon" turo ni aya sa kalayuan pero kahit malayo ay kitang kita ang dami ng mga bus na nakapaligid sa lugar na ito

Umaabot ng 50 mahigit?

"Expectation Enchanted kingdom
Reality peryang bulok HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAH" tawang tawa si mark sarili niyang pinagsasabi kaya pareparehas namun siyang nginiwian

Muli kong naalala ang papel na napulot ko kanina kaya dali dali kong kinuha ito galing sa bulsa ko at binasa muli ang nakasulat na driver seat

Kahit wala akong kaidedeya ay pumunta ako sa harap, sa driver seat at walang kasiguraduhan kung anong meron doon

DEATHSTINATIONWhere stories live. Discover now