Ikaapat na kabanata

15 3 12
                                    

The end

;Chareng lang sabi kasi ni lissandra mamatay kung mamatay na eh AHHAHA

---------------------

Pero mukhang nagkamali ako at hindi ko pa oras dahil biglang may marahas na humila sa pulsuhan ko kaya nakaiwas ako sa sasakyang palapit at napuwing pa ako dahil sa alikabok nito

Hinatak niya ako at tumakbo siya kaya tumakbo din ako

Bakit ka nakikitakbo?
Baka mamaya rapist 'toh

Kaya huminto ako sa pagtakbo at pinilit na inagaw ang kamay sa lalaking nagligtas sa akin,Kaya napahinto rin siya at nilingon ako

"Sino kaba?bakit mo ko hinihila?rapist ka?" Mahinahon kong tanong dahil baka mali akong ng hinala

Baka holdaper lang or magnanakaw ganon

Nakatitig lang siya sa akin at pareho kaming naghahabol ng hininga
Inilibot ko ang aking mata para tignan kung nasaan kami at nasa tapat kami nitong bulok na ferris wheel

Hindi ko makita ng maayos ang muka ng lalaki dahil ang buhok niya ay humaharang sa mga mata niya pero feel ko may itchura toh

Nagulat ako ng marahas niyo akong yakapin na naging dahilan ng pagbagsak namin sa sahig at kasabay noon ay naglaglagan ang mga bakal na nagmula sa ferriswheel

Wow niligtas nanaman ako ,dati ba 'tong si superman

Nadistract ako sa posisyon namin dahil nakapatong siya sakin like errr hindi ko siya magawang matulak dahil nanghihina na ako sa mga nangyayari 

Nasagasaan si Mark tapos ako itong dalawang beses ng muntik mamatay

Inismiran niya ako bago niya narealize ang posisyon namin kaya agad rin siyang tumayo

Nagpagpag ako dahil naalikabukan kami

"Sino kaba?"pag uulit ko

"Dalawang beses na kitang niligtas pagduduhan mo pa rin ba ako?" Sabi niya

"Aanhin ko pagliligtas mo kung hindi ko alam pangalan mo?"wala sa sarili kong sambit

Kaya halos sabunutan ko sarili ko dahil sa nasabi ko
Malandi rin pala ako ,ngayon ko lang nalaman

Pero muli niya nanaman akong hinatak at napangiwi ako sa sabay sabay na busina ng mga kotse at motor at ibat iba pang uri ng sasakyang pantransportasyon at  nagsimula na itong magsiandaran

Napapasigaw ako ng bumabangga ito kung saan saan at biglang sumasabog.Sabog dito sabog doon

May nakita pa akong mga nasusunog na at lumalaki na ang apoy

"SAKAY!" Sigaw ni lalaki sa akin pero binigyan ko siya ng nagtatakang tingin dahil sa bike niya ako pinapasakay

Sure na siya diyan?kaya niya makipagpatintero sa mga baliw na sasakyan gamit bike?

Kahit naweweirdan ako ay sumakay nalang din ako dahil ayoko pang mamatay

Nagulat ako sa pag andar niya kaya napayakap ako sa tiyan niya

Err may abs

Nagsimula na siyang makipagpatintero sa mga sasakyan at namangha naman ako dahil nagagawa niya itong iwasan ng walang kahirap hirap kaso ako ang natatakot dahil bigla siyang lumiliko at halos bumagsak na kami sa sahig dahil sa sobrang tagilid nung bike

Ilang beses siyang nagddrift at sa pagkakataong ito ay sumadsad na ako "ARAY!"  Sigaw ko ng mapunit ang pantalon ko sa sobrang pagkakaskas sa sahig at nagkasugat pa ako

"Fuck"mahinang sabi niya ng marealize niya ang nangyari sa akin

Napansin ko rin ang pantalon niya ay naging rip jeans na dahil butas butas na ito

"AY KALABAW!" sigaw ko ng muntik na kaming mabangga ng isang van at buti nalang naiwasan ni lalaki at tumama ito sa poste at sumabog ito

Humawak nalang ako ng mahigpit sakaniya at saka nanalangin na sana hindi pa ito ang katapusan ko dahil marami pa akong pangarap sa buhay

Mamatay na talaga pumatay sa akin

Ilang minuto po ay pumayapa na ang paligid at wala na ang mga baliw na sasakyan at tanging simoy ng hangin nalang ang maririnig mo .Bumagal narin siyang magdrive kaya naramdaman ko ang pagod ko
Isinandal ko sa likod niya ang ulo ko at hinayaang nakayakap lang sakaniya dahil pagod na talaga ako at sabi ko ay iidlip lang ako pero sa huli ay nakatulog na ako

DEATHSTINATIONWhere stories live. Discover now