ikalawang kabanata

14 3 0
                                    

Una kong sinilip ang ilalim ng upuan tutal doon ko rin nakita ang papel na nakita ko kanina

May nakita agad akong maliit na papel kaya dali dali ko itong pinulot ,Nang umayos ako sa pagkakatayo ay nadistract ako dahil kitang kita ko ngayon ang itchura ng lugar ibinalik ko nalang ang tingin sa papel dahil ang creepy talaga 

''FIND THE BUS?'' nagulat ako ng malakas na binasa ni Yvonne ang nasa papel kaya nagsipuntahan na sa amin ang mga kaklase namin 

hindi ko man lang namalayan na may tao na pala sa tabi ko

''san niyo nakita'yan?''tanong ni kat

kaya lahat sila ay nakatingin sa akin na nag aabang ng sagot 

''hulaan niyo'' asar ko

''luh''

''para namang tanga 'toh si sandra''

''san nga kasi liss?''

kaniya kaniyang reklamo sila dahil sa sinagot ko kaya natawa nalang ako at sinabi na kung saan ito nakita

''Anong find the bus?pinagsasabi niyan ,sa dami ng bus dito?'' reklamo nanaman ni mark

bubusalan ko na'toh napaka reklamador

''WOY MAY NAKITA RIN KAMING PAPEL DITO OH''sigaw ni nef sa likod kaya agad kaming nagsipuntahan naman sa likod 

''nasan?'' tanong ni Yvonne

kinuha ni nef sa bulsa niya ang papel at agad naman itong hinablot ni Yvonne para siya ang makakita nito

napansin kong ngumingisi si nef at 'di ko alam anong nasa isip nito

''Tangina niyo pareparehas kayo ,ba't ko ba kayo naging kaklase!''sigaw ni Yvonne at ibinato ang papel sa muka ni nef  at ang  mga tropa niya ay tuwang tuwa 

kinuha ng mga kaklase ko para tignan kung ano ang nakalagay doon at napairap nalang ako ng  makitang tite ang nakadrawing doon.

''Eto ,totoo na 'toh .Teo pakita mo na nga'' sabi ni nef sa tropa niya

''Kapag yan kabulastugan lang ,pababain ka namin dito sa bus'' sabi ni Aya at sumangayon ang karamihan kong babaeng kaklase 

''I am different,i have but others don't'' basa ni Teo sa papel kaya pareparehas nanaman kaming walang alam kung ano ang itinutukoy ng papel na iyon

''Tago niyo muna yung mga papel tutal 'di  natin alam ang gagawin pa dyan'' sabi ko at sumunod nalang sila


Natahimik kaming para pakiramdaman o isipin kung ano ang dapat gawin namin dahil hindi naman pwedeng dito lang kami 

''baba na kaya tayo?'' basag ni mark sa katahimikan

''mag isa ka'' sagot agad sakaniya ni Yvonne 

''Anong gusto mong gawin dito? mag hintay ng himala?''

''may himala!'' halos sabay sabay na sagot ng ilang babae kong kaklase

minsan naweweirdan na talaga ako sa mga taong 'toh eh

''walang himala gago'' sagot ni mark sakanila 

nagbungisngisan naman ang iba kong kaklase kahit hindi ko naman alam kung anong nakakatawa

''lalabas ako ,sino gustong sumama?'' seyosong sabi ni mark kaya lahat kami ay nasa kaniya na ang atensiyon

''ako''walang pag aalinlangan kong sagot kaya naman ang kaninang atensyon kay mark ay napunta sa akin

''sure ka?'' tanong ni mark sakin

tss

''mukha ba akong nagbibiro?''  sagot ko 

''sinisigurado lang liss,eto talaga. OH sino pa sasama?'' tanong pa uli ni mark pero niisa ay walang naglakas ng loob

''dami dami natin dito tapos lahat kayo duwag? tss.'' ngiwi ko 

''ako pala sama nako''

''ako den''

''oo kami rin ni clint''

''sus ,kung 'dipako nagreact wala rin kayong balak na sumama tss. Wag na kami nalang ni mark''sambit ko dahil mas okay naman ng kami nalang dalawa ,naiinis lang kasi ako kasi at the first place mga duwag talaga 

'' ikaw liss ha,may gusto ka sakin noh?AHAHHAAHAHAHAHAHAHAHAHAAH'' pang aasar pa ni mark 

wow ha

''asa ka''  sabi ko at hinablot ang unan na nasa tabi ko at binato sakaniya

DEATHSTINATIONWhere stories live. Discover now