VII

342 19 1
                                    

sorry for misspelled words or grammatical errors.

Still John's

"ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko

"a-ano, ayoko kasing magalit ka o masaktan ka. Pero pakiramdam ko masasaktan nga kita."

"may sasabihin din ako sayo." singit na ani ko

"ha? Sige, ikaw muna."

"sigurado ka?"

"oo naman." tipid na sagot nito

"actually, kaya kita sinama sa tagaytay. Not to feel you better, i want to confess my feelings that time. Kaso hindi ko kaya, hindi ko nagawa. Sobrang saya mo kasi nung mga oras na yon. As in, sinulit mo yung mga araw na sobrang makakagaan ng loob mo. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sayo to, pero.." tugon ko sakanya at hinawakan ko ang kamay niya

"kla, i actually like you. Sina mama at papa yung naging dahilan bakit kita nakilala. I know you don't know me personally, and i know you hate me so much. Sana, hindi moko layuan. Pero wala naman akong choice sa desisyon mo. If, gusto mo kong layuan or not." dugtong ko pa sakanya at hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya

"john, hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sayo. Nagulat ako kasi ganyan na pala yung nararamdaman mo. I'm sorry, i don't like you. I just like you as my friend, kaya natatakot akong aminin tayo sayo to kasi masasaktan ka. Pwede mokong layuan, pwede mokong saktan. I-i'm sorry john. I doesn't want to hurt you. I'm sorry." tugon nito at binitawan na ang kamay ko at dali dali din siyang umakyat papunta sa kwarto niya

Hindi ko naman masisisi yung nararamdaman niya, naiintindihan ko yon na hindi kami parehas ng nararamdaman. Hindi naman ako nagsisisi na umamin sakanya, pero masakit padin. Siguro nga, eto na din yung last namin na pagkikita. Pero, hindi ko din sure kasi kahit lalaki ako nagiging marupok din ako. Mas lalo na sakanya. Masyado na talaga akong napalapit sakanya.

Gusto ko pa sana siyang puntahan sa kwarto niya kaso nahihiya na ako. Palabas na sana ako ng bahay nila nang bigla akong tinawag ni Kiara.

"john! Wait!" tawag niya sa akin

"bakit?" tanong ko agad

"pasensya kana ha."

"para saan? Dapat ako ang magsabi niyan kasi ako na yung walang hiya na pumunta dito tapos nasaktan kopa yung kaibigan mo."

"hindi mo nasaktan yung kaibigan ko, siya ang nakasakit sayo. Sadyang, hindi lang parehas ang nararamdaman niyo. Malay mo, sa isang ihip lang ng hangin. Biglang magbago nararamdaman niya. Pasensya na ha, bawi nalang kami ha."

"hindi nyo na kailangan bumawi sa akin. Naiintindihan ko siya. Pasensya na sa istorbo ha. Sige aalis na ako"

"john!" sigaw na tawag sa akin at napatingin ako sa taas

"kla?"

"bakit? May kailangan kapaba?" dugtong ko pa na tugon

"john, salamat sa lahat ng efforts at binigay mo sakin. Sobrang naappreciate ko yon. Alam ko naman na lalayuan mo na ako kasi grabe yung nagawa ko sayo. Sorry kasi–"

"sorry kasi ako pa tong nakasakit sayo. Hindi ko naman aakalain na ganon yung sasabihin mo. Ayoko nalang kasi talaga na mag expect ka sa nararamdaman ko. Sa totoo lang, gulong gulo din ako kasi.. Alam mo yon. Hindi ko maintindihan yung sarili ko, hindi ko alam kung ano ba to. Kung kaibigan ba talaga o ano. John, i'm sorry. Sorry." dugtong pa na ani nito at naiyak nalang din siya

"ok lang, naiintindihan kita. Wala naman akong magagawa, sarili mo yan eh. Hindi ko naman madedesisyon yung nararamdaman mo. Wag kang mag alala, lahat ng yon. Hinding hindi ko makakalimutan. Sige, uuwi na ako" paalam ko sakanila at lumabas na ako ng bahay nila.

Palabas na sana ako ng bahay nila, parang nakita ko na may papasok na sasakyan. Parang parents niya na to. Teka, ibig sabihin pala neto nakauwi na din sina mama. Agad agad akong lumabas pero tinawag ako ng mama ni kla

"john?! Nanjan kapala?!" tawag nito sa akin

"hi po, binisita ko lang po si kla dito. Pauwi na din po ako. Ay sya nga po pala, saan po pala kayo galing nila mama. Alam kopo kasi kayo po yung kasama nila?"

"ah, nag punta lang kami ng Thailand for 4 days. Bakit?"

"wala naman po, hindi po kasi nila ako sinabihan na kayo po pala ang kasama nila. Sige po tita, uuwi napo ako. Baka din po kasi hanapin ako."

"mag iingat ka ha, ay teka. Nasabi mo na ba kay kla yung about sa deal?" singit na tanong nito at napabuntong hininga nalang ako

"a-ano po kasi tita, hindi po. Hindi ko napo pinapaalala sakanya yon. Sige po tita, mauna na po ako. Thank you din po. Bye po." paalam ko at dali dali akong lumabas at sumakay na ako ng kotse.

Pagkapasok ko ng kotse napaisip nalang ako bigla.

Bakit ganon? Bakit parang yung nararamdaman ko, ibang iba na talaga? Ang alam ko para lang sa deal pero bakit lumalim ng ganto. Hindi ko alam kung tama ba to o mali eh. Tsaka, ayoko namang iexpect na parehas kami ng nararamdaman ni kla. Pero, sobrang sakit lang din.

Kahit lalaki ako, hindi ko padin mapigilan ang hindi maiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang bigat lang talaga. Agad na akong umalis at nag drive nalang ako ng nag drive pampakalma sa sarili ko.

Shet. MAHAL NA TALAGA KITA, KLARIZ LAURELLE MAGBOO.

Kla's

Nagkulong nalang ako sa kwarto ko at umiyak lang ako ng umiyak. Ewan ko, bakit ako umiiyak nang ganto. Masyado nang sabay sabay yung problema ko. Iniisip ko din sa sarili ko. Bakit pa kasi ginawa nila mama yung punyetang deal na yon! Kung hindi sana nangyare yon, hindi ako makakasakit ng tao!

Eto yung pinaka kinakatakutan ko, kaya ayoko din mapalapit sakanya kasi ayokong mahulog ang loob niya sakin. Pero tama lang din naman yung ginawa ko, kesa naman ipalusot ko at umasa lang siya.

Nakatulala lang ako at biglang pumasok sa kwarto ko si kiara

"te, nanjan na sina tita. Hinahanap kana. Baka tanungin ka din nun kasi naabutan nila dito si john." tugon nito at tinabihan ako sa kama

"ano!? Naabutan nila dito si john!? Hays, sana kasi umuwi na agad yung lalaking yon! Baka may itanong sila kay john, mas lalo na don sa deal! Jusme."

"so, anong plano mo? Wag kang mag alala. Hindi pa naman ako uuwi, naawa ako sayo eh. Ikaw na nakasakit, ikaw pa tong naiyak ng sobra."

"te, nakokonsensya kasi ako sa ginawa ko. Mas lalo na siya yung lalaking nandon sa deal diba. Ang gulo gulo na! Hindi ko na alam yung gagawin ko."

"te, what if... Kausapin mo sina tita about dyan. Sabihin mo sakanila, na hindi mo talaga kaya yung deal na yon. Pero, ikaw padin naman yung mag dedesisyon. Suggestion lang naman"

"nasabi kona sakanila te, pero ayaw padin nila. Lahat sinabi ko na sakanila pero wala, ayaw padin nila!" ani ko sakanya at naiyak na lang din ako

"sa totoo lang, gustong gusto kitang tulungan about dyan. Pero, wala kasi akong powers para mangyare yon. I'm sorry te."

"ok lang, naiintindihan ko naman. Pipilitin ko nalang na kalimutan siya. Iisipin ko nalang na walang John sa buhay ko, wala yung deal na yon sa buhay ko. It's just me na always masungit at always busy sa office."

"sure kabang kaya mong kalimutan si John? Feeling ko hindi."

"kakayanin–" putol ko na sinasabi at napaisip nalang din ako ng malalim

Kakayanin ko kaya? Pero hindi kasi siya ganon kadali eh, alam ko sa sarili ko na kakayanin ko. Kahit masakit.

-----------------------------------

Arrange Marriage Where stories live. Discover now