sorry for misspelled words or grammatical errors.
Kla's
Hindi ko parin makalimutan yung ginawa sakin ni John kanina. Bakit kaya niya ako hinalikan? Grabe, hindi ko aakalain na gagawin niya sakin yon.
Nandito na kami ngayon sa may parking, hindi padin ako makamove on sa halik niya. Syempre, sino ba naman hindi makaka move on don. Tsaka, ang galing din niya. (shala magaling talaga ang isang John)
"paano ba yan, uuwi nako. Thanks sa time mo. Seeyou ulet, kapag may time ka." seryosong ani ko
"anytime naman pwede ako, basta para sayo. Osge, uuwi na din ako. Baka hanapin pako nila mama eh. Seeyou din ulet. Thank you sa time. I–" putol nitong sinasabi at bigla siyang natahimik
"iloveyoutoo. Sige, uuwi na ko. Bye." paalam ko sakanya at sunakay na din ako nang sasakyan ko.
"A Few Hours Later
Sa wakas nakauwi na din ako nang bahay, ang daming ganap ngayon. Pero buti nalang talaga nakipag kita sakin si john.
Pagkapasok ko nang bahay, nakita ko na parang may bisita sina mama. Nang sinilip ko yung bisita, teka. Sina tita yon ah.
Teka, anong ginagawa nila dito!?
"oh anak, nandito kana pala." bati agad sakin ni mama at niyakap ako nito
"ma, ano pong ginagawa nila tita dito?" bulong na tanong ko
"wala anak, kinukumusta lang tayo ganon." sagot nito at lumapit ako kina tita
"hi po tita, goodevening po." bati ko at niyakap din ako nito
"hi kla. Kumusta yung date nyo ni John?" tanong agad nito
"hindi naman po date yon tita, sadyang meet up lang po yon."
"hahahaha! Halatang namiss nyo ang isa't isa ha." pabirong saad nito
"a-ano po, hahahaha! Grabe naman po kayo hahaha!"
"anak, nasa likod mo si john" singit na tugon ni mama
"ha?" takang tanong ko at tumingin ako agad sa likod ko
"j-john." tipid na sagot ko
"kla? Ma?" takang tanong din nito
"kaya po pala walang tao sa bahay, nandito po pala kayo." dugtong na ani nito
"pasensya na nak kung hindi ka namin tinawagan kanina, hindi kita na sabihan na pupunta kami dito." tugon ng mama ni John
"o-ok lang naman po sakin ma. Uuwi nalang po ako." paalam ni John
"hindi! Hindi ka uuwi John, hintayin mo na sina tita."
"huh? Bakit?" takang tanong nito
"wa-wala, nakakahiya naman sa parents mo diba." palusot kong sagot sakanya
"oo nga nak, tsaka gusto din naman namin kayo makausap. Alam mo na, bonding nadin to." singit na tugon ng mama ni john
"ma, pero–"
"pagbigyan mo na parents mo John, minsan lang to." ani ko at lumapit ako sakanya
"may sasabihin kaba?" tanong nito
"wa-wala." tipid na sagot ko at dahan dahan kong hinahawakan ang kamay niya
"ba-bat–"
"sorry." tipid na sagot ko. Bibitawan ko na din sana yung kamay niya pero mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko
"h-hindi mo paba bibitawan?" tanong ko agad
"hindi, mas gusto ko lang yung ganto. Sobrang lambot talaga ng mga kamay mo." bulong na saad nito
Malambot din naman yung mga kamay mo, kaya ayokong binibitawan mo.
John's
Nung nasa parking kami nang restaurant na napuntahan namin, muntik ko nang masabi sakanya yung iloveyou. Pero, nag iloveyoutoo siya sakin. Biglang sumaya yung diwa ko nung sinabi niya sakin yon.
Lumipas ng ilang oras na byahe ko, agad akong pumasok nang bahay. Napapansin ko din na, parang wala sina mama dito.
Agad agad kong chineck yung kwarto nila mama, pero wala sila dito.
Teka, baka na kina kla sila.
Agad akong sumakay ulit sa kotse at dali dali akong pumunta sakanila.
"Basta nandon na siya sa bahay nila kla, tas holding hands sila HAHAHAHA"
"j-john. Pwede ba tayong mag usap?" seryosong tanong ni kla
"oo naman." sagot ko agad at pumunta kami nang kusina, para makapag usap din kami
"ano kasi, uhm."
"ayos kalang ba?" tanong ko agad
"ha, o-oo naman. Pero hindi ko maintindihan kung ok lang ba talaga ako o hindi." seryosong tugon nito
"ha?! Bakit?! May nasabi ba sayo yung parents mo?! Parents ko!?" sunod sunod kong tanong sakanya
"wa-wala naman."
"bakit naguguluhan ka?"
"h-hindi ko alam yung sasabihin sayo John."
"huh?" takang tanong ko
"kla, john! Pwede ba namin kayo makausap saglit" singit na tawag samin nang parents ni kla
Lumapit naman kami agad, pero nagtataka pa din ako sa nararamdaman ni kla.
"bakit po ma, tita?" tanong ko agad
"gusto lang naman namin kayong makausap dalawa. You know, gusto lang namin malaman yung status nyo together. Ilang months na kayong magkakilala." seryosong tugon ng mama ni kla
"and i know, na yang mga nararamdaman niyo is not just friends. Baka pagmamahal nayan." dugtong pa na ani nito
"hahaha! Grabe naman po kayo tita, hindi pa naman po don. Mukhang malabo din naman po. Gawa nga po nung pag amin sa akin nang anak nyo non. Naiintindihan ko naman po yung nararamdaman niya." seryoso kong sagot
"sa tingin mo ba john, yon na talaga yung nararamdaman ko sayo?" singit na tanong ni kla
"hindi ko alam. Kasi, yon na yung sinabi mo sakin. Tsaka, ayoko nang mag akala o umasa kla. Naiintindihan kita. Alam ko naman na you love me, as a friend of yours. And i understand it a lot. Sobrang saya na sakin na naging kaibigan kita, at nakilala kita. Ok na ako don."
"nak–" putol na sinasabi ni mama nang biglang may sinabi si kla
"you think, na yun lang talaga yon? Masyado mong tinatak sa isip mo yang sinabi ko sayo. Alam mo, matagal ko na gustong sabihin sayo tong pinaka totoo kong nararamdaman. Pero, ako na mismo yung nahihiya. Alam mo kung bakit, dahil ako na mismo ang natatakot na saktan ka! Iniingatan ko na yang nararamdaman mo John! I didn't expect that you would have feelings for me."
"ang pagkakaalam ko lang kasi, kaya tayo pinakilala nang parents natin. Is because of the deal. Yon naman yon diba!? And i know your plan john, ginagawa mo maging sweet para mafall din ako sayo! Alam na alam ko na yang ganyang mga galawan john!" pasungit na tugon nito
"hindi ako ganon, kla. Hindi ako katulad nang ibang lalaking, magaling maglaro nang feelings. Don't compare me to them. Tsaka, bakit ba ganyan ka makapag salita!? Ano bang problema mo!? At sa mismong harap pa nang magulang natin!? Ano bang gusto mong ipahiwatig ha!?"
"mga anak, kalmahan nyo lang" singit na tugon nang mama ni kla
"gusto mo ba talagang malaman ha!? Gusto mo!?" galit na tanong nito
"oo! Para malaman ko na, bakit moko kinukumpara sa ibang lalaki!"
"John! Para sakin! Maling mali to, pero sinasabi nang puso ko hindi!"
"ano ba kasi yan!?"
"John, Mahal na din kita!!" sigaw na ani niya
"a-ano!?" gulat kong tanong
---------------------------------------