XI

331 18 5
                                    

sorry for misspelled words or grammatical errors.

Continuation..

"ano? Bakit!?"

"hindi po kasi talaga matanggal sa isip ko yang deal nayan tita eh. Tsaka nung umamin din po sa akin yung anak nyo, bigla din pong nagbago yung nararamdaman ko."

"what do you mean, na biglang nagbago yung nararamdaman ko nak?"

"tita, nang dahil po dyan sa deal. Nagkatotoo po yung nararamdaman ng anak nyo. Mahal na po ako ng anak nyo."

"so, parehas din ba kayo ng nararamdaman ng anak ko?"

"a-ano po, naguguluhan padin po ako. Hindi naman po ganon kadali yon tita. Kapag po kasi pilit lang yung nararamdaman ko, baka po masaktan lang siya. Mas maganda po na sure yung mga bagay na para mas tumatag po sa amin ni John."

"I'm sorry po, tita. Wag po kayong mag alala, babawi po ako sa anak nyo. Pati po sainyo." dugtong ko pang ani

"paano yung sa deal, nak?" tanong nito

"a-ah... Mapag iisipan pa naman po yon tita. Wala naman pong nagmamadali diba."

"oo naman, sige. Mauuna na ako ha. May gagawin pa kasi ako sa bahay, salamat at kinausap moko." paalam na tugon nito

"ingat po, tita. Uuwi na din po ako. Baka din po hinahanap napo ako nila mama. Salamat po sa oras at pagpayag po na kausapin kopo kayo." ani ko at umalis na din ang mama ni John

Pauwi na sana ako nang bigla akong tinawag ng isang lalaking papalit sa akin

"kla!" tawag sa akin ng lalaking papalit dito

Teka, marco?!

"kla. long time, no see" bati agad nito

"ma-marco. L-long time, no see. A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad

"wala, gusto ko lang gumala gala. Kumusta kana?"

"o-ok lang naman ako, ikaw?"

"ayos lang din ako. Grabe hindi ka padin nagbabago. Ikaw at ikaw padin yan."

"ikaw din, walang nagbago sayo. Babaero ka padin"

"grabe ka naman, pero minahal mo din ako diba."

"oo, pero matagal nayon. Matagal na akong nakamove on sayo. Ano palang kailangan mo?"

"i just wanna say to you that i'm sorry. Sorry, kung niloko kita. Masyado kitang nasaktan, niloko. Sobrang laki ng nagawa ko sayo."  seryosong tugon nito

"ok nayon, matagal na kitang napatawad."

"may sasabihin din ako." singit na ani ko

"ano yon?"

"may nangyare sainyo ni Janna diba. Sana pangutan mo siya, sana mahalin mo yung anak nyo." tugon ko sakaniya

"pa-paano mo nalaman?" tanong nito

"sinabi nya sakin. Nakita ko siya sa bar na umiinom dahil sa nangyari sainyo. Bestfriend ko yung nabuntis mo marco, sa sobrang pagkababaero mo. Wala nang nagmamahal sayo. At sana, bago nyo ginawa ni janna yon. Sana inisip nyo din na bestfriend niya yung ex mo."

"i-i'm sorry."

"wala nang magagawa yang sorry mo. Nangyari na, nanjan na. Nagawa nyo na. Ang gusto ko lang, panagutan mo si Janna. Yon lang. Sige, uuwi na ako" saad ko sakanya. Paalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko

"teka, kla."

"ano?!" pasungit kong tanong

"may boyfriend kana ba?" tanong agad nito

"may boyfriend man ako o wala. Wala kanang pakealam don." pasungit na sagot ko sakanya at umalis na din ako sa harapan niya

Ang kapal naman ng mukha niyang tanungin ako if may boyfriend ako. Karma na din niya na walang nagmamahal sakanya. Sinayang niya lang din yung katulad ko, oo. Nakakapanghinayang yung relasyon namin nun. Pero, kasalanan naman niya eh. Napag hahalataan na hindi na niya ako mahal.

*A Few Moments Later

Nakatambay lang ako dito sa kwarto ko. Sobrang tahimik ng mundo ko kapag mag isa ako sa kwarto. Iniiwasan ko muna yung pag cecellphone kasi wala din naman akong kakausapin at gagawin don.

Tutulog na sana ako pero nagulat ako na may biglang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"teka lang!" sigaw na tugon ko at binuksan ko na agad ang pinto

"ma. May kailangan kapo?"

"pwede ba tayo mag usap."

"opo ma, pasok kapo." ani ko at pumasok na nang kwarto si mama

"ano pong problema?" tanong ko agad

"wala naman, ikaw anak. May problema kaba?" tanong din nito

"wala po akong problema ma."

"yung totoo, magsabi ka sakin. Kanina kapa hindi nalabas dito sa kwarto mo, nung umuwi ka galing office."

"nagkita ba kayo ni John?" dugtong na ani nito

"hindi po kami nagkita ma. Yung mama po ni John yung nakipag kita po sakin kanina."

"anong sabi sayo?"

"nag usap po kami doon sa deal ma, hindi po kasi matanggal sa utak ko yung deal nayan ma eh. Pinipilit kopong kalimutan pero, hindi kopo magawa. Tapos po ilang araw na din pong hindi nag paparamdam sakin si john, simula po nung pinuntahan niya ako sa office. Hindi napo siya nagpakita." malungkot kong tugon

"namimiss mo ba si john nak?"

"opo. Miss na miss konapo si john ma. Nasanay po ako na halos araw araw nanjan po siya para sakin. Natitiis niya yung kasungitan ko, lahat ginagawa niya. Napaka boyfriend material po ni John. Parang yung sinasabi po ng puso ko ma. Ano ih–"

"ano?"

"mahal konapo siya."

"mahal mo na si john?" gulat na tanong nito

"o-opo, pero naguguluhan padin po ako. Hindi ko po alam tong nararamdaman ko ma." ani ko at hindi ko na napigilan na hindi maiyak

"kalmahan mo kla, kung yung puso mo sure na sinasabi na mahal mo si john. Hayaan mo muna yung isip mo na isure na mahal mo talaga siya. Mahirap yan anak. Pero, kapag napag isipan mo na nang husto. At alam mona sa sarili mo na mahal mo na siya. Habang maaga pa, aminin mo na."

"ma, may sasabihin po ako."

"ano yon?"

"gusto ko napong ituloy yung deal. Pero hindi po muna natin sasabihin sa family ni John. Sa tamang panahon nalang po." seryoso kong tugon at biglang natulala si mama

"ma? Ok kalang po?" tanong ko agad

"sure kana ba anak?" tanong din nito

"opo ma, sure na sure napo ako." ani ko at niyakap ko ng mahigpit si mama

Kailan ko kaya masasabi kay John tong totoong nararamdaman ko. Gusto kong mabawi yung sinabi ko sakanya. Pero maghihintay padin ako ng tamang oras at tamang panahon na masabi sakanya to.

I miss you, John.

-------------------------------------

Arrange Marriage Where stories live. Discover now