sorry for misspelled words or grammatical errors.
"Kakayanin ko kaya? Pero hindi kasi siya ganon kadali eh, alam ko sa sarili ko na kakayanin ko. Kahit masakit."
*Kinabukasan
Kahit mugtong mugto tong mga mata ko, papasok at papasok padin ako ng office. Maaga ding umuwi si kiara kasi madami dami din siyang gagawin. Nakakahiya naman na hindi ko padin siya pauwiin.
Bumaba na agad ako at uminom nalang ng kape, ayoko kasing malate sa office kaya hindi ako nakakapag almusal. Paalis na sana ako ng bahay, pero tinawag ako ni mama
"nak, pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang, wag kang mag alala hindi ka naman gaanong malalate sa office." tugon nito
"yes po?" tanong ko agad
"anong nangyare sayo? Bakit mugtong mugto yang mga mata mo? May problema ba?" tanong agad nito
Shet, akala ko hindi mahahalata ni mama. Nag iisip nalang ako ng mapapalusot kong sagot sakanya.
"a-ano po, nanood po kasi ako ng movie. Natimingan po na drama pa yung napanood ko kaya ganto po yung mata ko" palusot kong tugon
"hindi ako naniniwala."
"ma, totoo naman po. Alam nyo naman po na emotional person ako at madali akong maiyak sa mga ganon. Parang di ako anak."
"alam ko naman, pero may ibang rason pa yang pag iyak mo. Hindi ganyan ka oa ang mata mo kapag naiyak ka. Wag ako nak, iba ang nilulusutan mo" ani nito at hindi ko nadin napigilan na hindi masabi kay mama yung rason nang pag iyak ko
"ok po, umamin napo ako kay john. Kaya din sya nandito kahapon. Kaya din po siya pumunta dito kasi para itanong kung saan kayo nagpunta kasama yung parents niya. Tapos don ko na din inamin tong nararamdaman ko kasi magulo. Sobrang gulo napo."
"nang dahil po sa deal nayan, nasaktan ko papo yung tao. Ma, yung nararamdaman niya. Yung pag ka amin niya sakin. Totoong totoo, hindi pang laro laro, totoong mahal niya ako ma. Pero, yung pagmamahal na nararamdaman niya. Hindi ko nararamdaman. Kaya, kung ako po sainyo wag nyo napong ituloy yang deal nayan. Dahil, ako po mismo ang may ayaw at walang kahit anong nararamdaman. I'm sorry ma." dugtong ko pa na saad
"nak, pero–"
"ma, ano po uulitin ko papo ba? Sabi kopo kalimutan nyo napo yon. Wala napo akong pakealam don. I'm sorry po talaga, aalis napo ako." paalam ko at agad na akong umalis ng bahay
Nang nakasakay na ako ng kotse bigla nalang akong naiyak. Apaka gulo na nang lahat, lord. Bakit nangyayare sakin tong gantong problema. Halo halo napo sa totoo lang. Gusto ko nalang sumuko na walang nakakaalam. Gusto ko nang mawala tong mga problemang to.
Umalis na ako ng bahay at papunta na din ako ng office. Dinadaan ko nalang sa drive at sad songs tong kalungkutan ko. Yon lang din naman yung magagawa ko, hindi naman basta basta mawawala to. Grabe, ako pa yung nasasaktan ng sobra. Parang ang sama kong tao sa ginawa ko sakanya. Shet, kla.
*A few Hours Later
Natapos din ang isang araw na puro trabaho. Actually, nakakagaan din siya sa pakiramdam. Nakakalimutan ko din yung ibang problema ko, lahat. Parang ang gaan sa pakiramdam.
Pauwi na sana ako kaso parang nakita ko si janna sa may coffee shop malapit sa dito sa office.
"janna!" tawag ko sakanya at nilapitan ko na siya agad
"oy girl, anong ginagawa mo dito?" tanong nito
"wala, gusto ko lang mag coffee mag isa."
"ok kalang ba? May problema ba?"