Prologue

261 153 18
                                    


Sa dinami-dami ng tao na ginawa ng Diyos sinong hindi magtataka na para bang ni isa sa mga ito ay walang nakalaan para saiyo

"Babae humayo't magpasakop ka sa iyong asawa at Lalaki pagsilbihan ang iyong kabiyak ng buong pagmamahal at ngayon sa harap ng panginoon kayo'y ganap ng mag-asawa, humayo kayo at magparami," rinig kong sabi ng pari mula sa loob ng simbahan na madadaanan ko

Makapasok nga muna, good thing kahit nandito ako sa America may mga simbahan dito na Pilipino ang mga pari.

Nang makapasok pa lang ako sa gate ng simbahan nakita ko na agad iyong ngiti nila, ngiting abot tenga dahil sa sobrang saya. Hindi magkamayaw yung mga taong nasa paligid ko.

"Kailan kaya ako ngingiti ng ganyan?" bulong ko sa sarili at hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng simbahan

"Kapag nakita mo na siya hijo," halos mapatalon ako sa narinig ko kaya napalingon agad ako dito. Isang pari.

"Father hehe," kakamot-kamot ulo kong sabi.

"Hijo, ngingiti ka din ng kagaya n'yan pag nakita mo na ang taong tunay at itinakda ng panginoon para sayo," sabi niya at nginitian ako

"Sana po father, sa bilyon-bilyong babaeng nilikha niya pero parang ni isa walang nakalaan para sakin HAHAHA," sabi ko at tinuro siya ang Diyos

"Hijo, hindi natin alam ang dinidikta ng kapalaran malay mo nariyan lang pala siya sa tabi," sabi ni Father at lumakad na paalis pero bago pa man siya makaalis lumingon siya ulit sakin at nagsalita.

"Nga pala hindi lang naman babae ang nakalaan para sa isang tao tandaan mo iyan," sabi nito at tuluyan ng umalis.

Ano ba yung mga pinagsasabi ni Father? Kung hindi lang babae eh ano? Nasa gitna ako ng pagiisip habang naglalakad ng mabunggo at mapaupo ako dahil sa lakas ng pagkakabunggo nito sakin. Pero imbes na tulungan ako nito ay tinitigan lang ako.

"Are you blind?!" bulyaw nito sakin.

"Excuse me, you're the one who hit me" sagot ko habang nagpapagpag ng pantalon ko.

"Pabo!" sabi nito at nagmadaling tumakbo.

"Hoy anong pabo? Manok yun ahh! suntukan nalang!" sigaw ko dito pero mukhang di ako narinig.

Pabo? ano ko manok gago pala sya eh, suntukan nalang pero mukhang duwag ata tsk! KALALAKING TAO duwag?! makaalis na n-- teka ano to? tag?

"Min Hwan Il?" pangalan ba 'to? binaliktad ko ito at may nakaukit dito pangalan din.

"Superior". pabulong kong binigkas ang pangalang naka ukit doon.

——

A/N: Ang storyang ito ay para sa mga taong gusto at may gusto sa mga istoryang same sex. Kung nandito ka naman para i-bash, wag mo na lang 'to basahin. Love y'all ❤

Minchin Sarang [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon