XYREIGN P.O.V
Umalis na sila Klyde at Xian, nagsitayuan naman ang iba at sumunod sa kanila. Tumayo na din si kuya at umakyat sa kwarto nya. Pati sila mom at dad umalis din, iniwan nila kami dito ni Butler."Butler--"
"Magpapahinga na din ako Princess."biglang sabi nya at lumakad ng mabilis paalis. Di pa nga ako tapos magsalita eh."Wews."sabi ko na lamang at umakyat na din sa aking kwarto.
__THURSDAY__
Half day lang daw ang pasok namin ngayon, good. Di ko alam kung anong problema nila mommy tsk, sabi ba naman sakin kanina nung kumakain kami...
“Kung about sa hotdog na naman Xyreign ang sasabihin mo, manahimik ka na lamang ha.”wews.
___
"Xyxy tara na."Amanda.
"Okay."sagot ko at sumunod sa Court. Lahat ng Grade- 12 students nandito, malawak naman ang court eh. May ia-anounce lang daw. Nakaupo na kaming lahat sa bench."Okay. Tomorrow there will be a contest in all schools. Sorry to all of you dahil ngayon lang namin nasabi. You can join only two and since it is tomorrow you will need to register kung ano ang sasalihan nyo. I know there are Basketball players here, volleyball players, badminton players, soccer players, and baseball players. Ang mga yan ay bukas gaganapin, lahat ng students dito sasama sa school na makakalaban nyo bukas para mapanood ang laro nyo at syempre para may sumuporta."sabi ng naka-mic sa stage, katabi nya ang Dean ng school.
"Ang school na yon ay sikat at nangunguna din katulad ng school na'to. Marami na din yung napanalunan, at sa school na yun alam kong madami kayong kaaway don. Pupunta tayo don bukas hindi para makapag- bugbugan ha students?"sabi din ng Dean.
"Ma'am what school po ba?"tanong ng isang babae na nagtaas ng kamay.
"C.A?"tanong ni Kishie.
"Yung pagmamay-ari siguro ng Chinese na mayabang."Alex."Yes it's Chua Academy."sagot ng katabi ng Dean sa stage.
"Ngayon na kayo magpalista kasi bukas na yon. Sa mga sasali, may mga jerseys na po doon sa Faculty. Bumili na po kayo agad. Yun lang at pwede na kayong umuwi."sabi ng Dean at bumaba na sila ng stage.
___
Z A C H P.O.V
Bumili na kami ng jersey at nagpalista sa Basketball game, yun lang ang sasalihan namin."Xyxy ano sinalihan mo?"tanong ni Klyde kay Xyreign. Nandito na kami sa Parking lot, hinihintay ang sundo ni Xyreign. Pasaway kasi kaya naninigurado ang kuya nya.
"Basketball."sagot nya na ikinalaki ng mata namin.
"Kaya na namin yun Xy."Josh.
"Tsk sasali pa din ako."sagot nya.
"Psh pabayaan nyo na."sabi ko.
"Himala na nagsalita ka na Zach, buti na-record ko baka sa sunod na taon ulit namin marinig boses mo eh."sabi ni Xyreign na ikinakulo ng dugo ko. Tiningnan ko sya ng masama pero nginitian nya lang ako ng matamis kaya umiwas ako. Lumalabas ang cute na dimple nya. Kaya kung sino ang nginingitian nyang lalaki maliban sa kuya nya, umiiwas. Tsk.“Psh pabayaan nyo na.”
“Psh pabayaan nyo na."
Mas lalong kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang boses ko na ni-record nya."HAHAHAHAHAHA."tawa ng mga kaibigan ko.
"Tsk."Xian.
"Basketball lang ang sinalihan mo Xy?"tanong ni Kyle.
"Archery."sagot nya.
"Wow hanep! Kailan ang laro mo nun?"Kael.
"Saturday."maikling sagot nya. May lollipop ulit sya sa bibig nya.
"Woah exciting!"Liam.
"Panonoorin kita Xy."Zeus.
"Ako din."Yuan.
"Syempre di ko yon palalampasin."Kent.
"Andyan na sundo mo Xy."Ranz.
"Ingat."Rhyle.Pagkasakay ni Xyreign, nakabusangot syang nakatingin sa kuya nya.
"Sa bahay dumiretso ha."Xyrron.
"Oo na hmmpp."sagot nya.Pupunta kasi kami ngayon sa Mansion nila Xian, mag-uusap lang.
Dala ang kanya-kanyang kotse namin, nakasakay lang si Vanessa sa bf nyang si Alex at magkasama sa iisang kotse si Mitchell, Amanda at Kishie. Tinatamad silang mag volleyball kaya magch- cheer na lang daw sila.Pagkadating namin sa Mansion nila Xian, pinark namin ang mga kotse namin at pumasok sa mala palasyo nilang Mansion. May mga Mansion din naman kami, trip lang talaga namin ang mansion nila Xian at Xyrron.
Mayayaman ang parents namin, kaya nakukuha namin ang gusto namin.Umupo muna kami sa sofa nila, tanghaling tapat na eh kaya inaantok kami.
"Ang sarap matulog."Klyde.
"Oo nga."Kael.
"Teka.. si Xyreign yan ah!"sigaw bigla ni Kishie na kinikilig at tinuro ang picture frame na nakadikit sa dingding.
"Yeah."sagot ko.
"Oo nga no.."Mitchell.Lumapit kami don at tiningnan ng maigi, habang si Xian naka-upo lang sa sofa.
"Hoy dude bat may pic kayo ng batang pasaway ha?"Xyrron.
"Dito ba to sa Mansion nyo?"Amanda.
"Yeah."Xian.
"Waahh nakarating na pala dito si Xyreign."Vanessa.
"1 week sya nandito nung may bagyo."Xyrron.
Napa 'ohhh' naman sila.
"Kaya pala medyo close na kayo HAHAHA."Fritz.Bumalik na kami sa sofa.
"Nga pala, Chua makakalaban nyo bukas diba."Vanessa.
"Yeah and it's exciting."sabi ni Zeus habang nakangisi.
"How about Xyreign?"tanong ko.
"She can handle herself pagdating sa Basketball."Xyrron.
"Woah ka-amaze naman si Xyxy."Klyde.
"Nakiki-Xyxy na din kayo ah."sabi ni Xyrron na ikinatawa nila.
"Madaming manonood bukas pustahan."Rhyle.
"Syempre HAHA dalawang school na magkaaway ang maglalaban."Kent.
"Inggit lang sila dahil top 1 tayong Gangster."Klyde.
"Top 2 lang kasi tapos andami pang ka-tie HAHAHA."Fritz.
"Be ready tomorrow."Xian.
"Yeah baka mandaya sila."sabi ko.
"Mayayabang pa naman din."Xyrron.X Y R E I G N P.O.V
Pagkadating ko sa Mansion, nagdadalwang isip ako kung palalabhan ko pa ba ang Jersey ko kasi bagong tatak lang ang last name ko sa likod nito. Number 12 ako, Favorite kong number yan hihi. Kulay black ang jersey namin, syempre pambabae ang akin. Kasing laki ng oversized t-shirt ang pangtaas ko at maikling short ang pangbaba ko. Magc-cycling na lang ako bukas at sa mga lalaki, sandong jersey ang sa kanila. Gets nyo? bahala kayo kung di nyo gets. HAHAHAHAHAKumain muna ako bago magbihis sa kwarto ko, tanghali pa naman eh kaya gagala muna ako. Nagsuot ako ng black maong short at black na oversized t-shirt. Pagkatapos kong magsuot ng sapatos na black, tumakbo ako pababa ng hagdan at nagpaalam kina Mom at Dad.
Pumunta ako dito sa 7/11 na madaming tumatambay. Pumasok na ako sa loob at bumili ng Milkita lollipops, limang piraso at nilagay sa bulsa ang apat. Binuksan ko na ang isa at sinubo. Lumabas na ako ng 7/11 at pupunta sanang park ng may humarang sa akin.
"Hi Miss! Ang ganda mo naman at ang sexy, ang puti pa. Halatang alagang alaga ka ah." Sabi sa akin ng isang lalaki na malaki ang katawan.
"Magugustuhan ka ni Boss."sabi pa sa akin ng isang lalaki na malaki din ang katawan, may pakagat kagat labi pa syang nalalaman eh di naman bagay sa kanya. Halatang manyakis.
"Don't block my way."sabi ko.
"Astig! English yun pre! You good spekening English."Sabi sa'kin ng isa.
"Naka drugs ka ba?"tanong ko.
"Sama ka na lang sa amin Miss."sabi ng isa at hinawakan ang braso ko ng mahigpit.
"Ouch! Don't touch me! You ugly giant!"sinuntok ko ng malakas ang ilong nya at sinipa ng malakas ang kasama nya sa pinakaiingatan nila. Nabitawan ako ng isa kaya tumakbo ako pero pagkatalikod ko may dalawa pang malalaki ang katawan ang nakaharang.
"San ka pupunta Miss byutipol?"
Naramdaman kong may sumabunot sa akin kaya napa-aray ako."Wala ka ng kawala ngayon."sabi sa akin ng sinuntok ko sa ilong. Dumudugo na nga ang ilong nya eh. Tinulak nya ako sa semento ng malakas. Anlalaki kasi nila eh. Tiningnan ko sila ng masama kaya tumawa sila. Lumapit naman sa akin ang sinipa ko kanina at sinampal ako. Putchaa! Hindi ba sila aware na malaki sila tapos babae ako. Nalasahan ko naman ang dugo sa labi ko pati ulo ko sumasakit na. Tumayo ako kahit masakit ang binti ko dahil sa pagtulak sa akin kanina. Nahulog na kanina ang lollipop ko huhu. Lumapit sa akin ang dalawa kaya sinuntok ko nalang pareho ang mata nila, sumugod sa akin ang dalawa pa kaya tumalon ako at sinipa ko ng malakas ang pisngi ng isa at sinipa ang tiyan ng isa. Tumba na ang tatlo pero itong isa hindi pa, antigas ng tiyan nya eh. Inipon ko ang lakas ko at sinipa ng malakas ang iniingatan nya kaya napaluhod sya. Umalis na agad ako kasi baka mamaya makakatayo na ang tatlo. Tumakbo ako kahit masakit ang binti ko, matutumba na nga ako eh pero pinilit kong makaabot ng Mansion kahit pagod na pagod na ang tuhod ko. Ang sakit ng ulo ko dahil sa pagsabunot sa akin dagdag pa ng malakas na sampal. Potangina!
"Princess!"rinig kong sigaw ni Butler bago ako mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗮𝗿𝗱-𝗵𝗲𝗮𝗱𝗲𝗱 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿𝘀
Action[𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙬𝙖𝙨 𝙬𝙧𝙞𝙩𝙩𝙚𝙣 𝙞𝙣 𝙏𝙖𝙜-𝙇𝙞𝙨𝙝.] Her name is Xyreign Mhyrr Killton, she is kind if you are kind. She is the Princess of their Family, she is the youngest daughter. Binibini pero kung maka-suntok, pang-ginoo. Their fa...