CHAPTER 18

12 0 0
                                    

XYREIGN P.O.V

  Nang sumapit ang gabi, nagsi-liguan na sila sa dagat.
Tamang nood lang kami ni Jennie dito sa kanila habang naka-upo sa buhanginan.

Nakashort siya at naka t-shirt na tama lang ang laki. Nakashort din ako at naka loose t-shirt.

"Xyxy galingan mo bukas ah." Ngiting sabi sa'kin ni Jennie.

Nginitian ko siya pabalik at sasagot na sana nang sumulpot sa harap namin si Jake.

"Ay palaka!"hiyaw ni Jennie nang hilahin siya ni Jake.

Tumayo ako at hinila pabalik si Jennie, susuntukin ko sana si Jake nang may humawak sa kamao kong malapit na sa mukha ni Jake.

"Hoo! Thanks Xian! Muntik na ang mukha ko do'n ah."parang tangang sabi ni Jake at tumakbo palayo hila-hila si Jennie.

"Hey let them go."sabi ni Xian sa'kin at hinila ako pa-upo.

"Did you know that the two of them are in a relationship... before?"biglang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Weh?"
"I mean, mag-ex sila?" Di ako makapaniwala. Niyugyog ko si Xian, "gooshh! Totoo?! Weh?"

"Wtf?! Stop that Xyreign or else I'll rape you." Napatigil ako bigla at tiningnan siya.

"Ikaw ha! Alam na alam na may pagnanasa ka sa'kin ah!"biro ko sa kanya. Kasi naman, pwede namang kiss muna saka na yung rape rape na yan.

"It's good to hear that you know na PINAGNANASAAN kita." Hala sya mga dre! Nagbibiro lang ako eh! Mommyyy!
"Hahaha Just kidding."

"Ha ha ha... muntimang."

—·–—

"Yuhoo Excited na ako!"

Lahat sila excited, tapos si Jennie 'di nagsasalita. Ano kaya'ng ginawa or pinag-usapan nila ni Jake?

Laban ko na kasi ngayon sa Archery. Malaki at sikat na school ang makakalaban namin parang school lang din namin. Excited na ako!

Nang makarating kami sa school ng Chua, may mga outsider din sa loob, madami sila, manonood. May mga media ding nag-aabang sa laro namin, kahapon meron din, live pa sa YouTube. Binalita din ang pagka panalo ng school namin. Ta's ininterview pa ang magulang ni Xian, s'yempre sila ang may-ari ng school.

ANG YAMAN TALAGA NILAAA! Mayaman naman kami pero feel ko mas mayaman talaga silaa! Sikat kaya silang mga HELLARY, pero ngayon ko lang nakilala si Xian. Weelll, lakompake sa mga rich kid.

Nandito na kami sa soccer field ng C. Academy, sobrang lawak at ang lalayo namin sa isa't isa. Sampu kaming mga taga Hellary Academy at sampu din ang kalaban namin. Unang tingin lang sa kanila, masasabi kong balewala lang sa kanila ang laban, parang sanay na kasi sila dito. Samantalang ang mga kasama ko'y kinakabahan pero 'di nila pinapakita dahil live na naman kami ngayon. Hanepp!

"ARE YOU READY?"
The woman asked us. Kinuha namin ang arrow at bow, hudyat na kami'y handa na.

May monitor sa taas na nakadikit sa malalaking tubo, do'n makikita ang score namin.

“Kapag 'di na namin kayang abutan score nila, ikaw 'pambabato namin ha?”,yan ang sabi nila sa'kin kanina. 'Di ko sila gets sa part na yan ha.

So.. kung kaya nilang abutan ang score ng mga CHUA.. eh hindi ako palalaruin. Hmpp! Unfair naman, pero hayaan na. Choice nila yan.

"WOOOOHHH!"sigawan ng mga manonood nang naka 100 points ang C.A. Naka 10 points silang lahat.

ANG GALING NILA! Bale sabay-sabay silang tumira, 'yun siguro ang napag-usapan nila. Ang amin,ewan! 'Di ako nakinig sa instructor namin hshs.

𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗮𝗿𝗱-𝗵𝗲𝗮𝗱𝗲𝗱 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿𝘀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon