JENNIE MANATBAT P.O.V
Nandito na kaming lahat sa Mall na pagmamay-ari ng pamilya ni Xian, base sa narinig ko kanina sa pag-uusap nila. Grabe ang yayaman talaga nila, nagulat nga din si Xyxy nang marinig n'yang sila Xian ang may-ari nitong Mall. Nag-hiwalay kaming lahat at magkita na lang daw kami sa Parking lot kung nasaan ang Van na sinakyan namin kanina. Kami ni Xyxy ang magkasamang namimili, “Pili ka lang Jennie kung ano ang gusto mong damit, damihan mo ha.”sabi niya sa'kin at hinila ako papasok sa isang b-boutique..
Wow, ang gaganda ng mga damit! Graabbee, nakakahiya namang pumili sa mga 'to. Ang mamahal kasi, isang sando nga lang 3,000 Pesos na. Kung sa palengke lang kami bumili edi madami ng mabibili sa tatlong libo.
"Ah X-Xyxy ahm sa palengke na lang kaya tayo b-bumili, hmm kasi ano.. .." hindi ko alam kung ano'ng idudugtong ko. Napatingin siya sa'kin na nakunot ang noo
"Anokaba! Kung presyo ang iniintindi mo, don't choworry hihi libre ko naman eh."sabi niya sa'kin nang nakangiti.
Lalo siyang gumaganda 'pag ngumingiti siya, napakabait pa.Mukha tuloy akong mang-gagamit, hayst..
Pagkalipas ng tatlumpong minuto, tapos na kaming mamiling dalawa kaya naglakad na kami pabalik sa Van. Nahihiya akong pumili kaya sinabi ko na lang sa kanya na siya na lang ang bahala kung anong gusto niya para sa'kin.
Pagkarating namin sa Van ay nadatnan namin silang kumakain ng take out na pagkain galing sa Jollibee. Natakam tuloy ako, 'di pa kasi ako kumakain. Kami na lang pala ang 'di pa nakakabalik kasi kompleto na sila. Humahanga din ako sa sasakyan namin, 'di ko alam kung Van pa ba 'to eh! Ang laki kasi sobra ta's hindi masikip sa loob. Ang yayaman talaga nila.
"Nandito na pala kayo, pinag-take out na din namin kayo."sabi sa'min ni Yuan kaya napalingon si Jake sa'min este sa'kin. Naka-move on na ako oy! Akala niya ha ..
Pagkaabot nila sa'min ng pagkain namin ay kumain na kaming dalawa at umandar na ang Van papunta sa resort nila Alex.Malapit lang pala ang sinasabi nilang resort kaya mabilis ang biyahe namin. Madami daw resorts sila Alex na malalaki at sikat pa kaso mas pinili nila ito dahil malapit lang at may laban pa bukas si Xyreign. Dito daw kami didiretso bukas pagkatapos ng laban ni Xyreign, kaya dinamihan nila ang binili nilang damit.
1pm pa lang kaya madami pa kaming oras para mag-enjoy. Tanghaling tapat kaya ang init pa, gustuhin man naming maligo sa dagat ay masusunog naman kami kaya napag-desisyunan nila na hapon maliligo or gabi. Bukas maaga kaming aalis dahil may laban pa si Xyreign, madami din siyang kasama sa Archery.
Nandito kaming lahat sa bahay na malaki, malapit lang 'to sa dagat. May mga kwarto kami dito, two in one room. Si Xyreign ang kasama ko kaya panatag ako ngayon. Natulog muna ako para 'di ako aantok-antok mamaya.
VANESSA P.O.V
Naiinis ako kay Axel! Akala niya siguro 'di ko alam na may kahalikan siya kanina sa Clinic sa C.A. . Napaka-abnormal! Aba!aba! Hindi porke tinulungan ko siya kanina sa mga kaaway ni Xyreign eh ayos lang sa'kin yun.
"Babe, kanina ka pa badmood ah."sabi niya sa'kin kaya tiningnan ko siya ng masama.
Tinaas niya naman ang dalawang kamay niya na parang sinasabing 'I surrender', “Hey, what's your problem? Kung iniisip mo ang kalagayan ko, ayos na ako. Ako pa hahah—”
"Wala akong pake sa kalagayan mo, tsk!"putol ko sa tawa niya kaya napatingin sa'min sila Xian at Xyreign. Naka-upo kasi sila sa sofa, nasa kanya-kanyang kwarto na ang iba naming kaklase.
"Tell me, ano ba ang ikinagagalit mo diyan?"tanong niya at hahawakan sana ang kamay ko nang naglakad ako papunta kina Xyreign at Xian na pinanonood kami. Umupo ako sa tabi ni Xyreign na naglalaro ng ML pero alam kong pinapakiramdaman niya kami.
"Alam ko kung ba't ka galit."biglang salita ni Xyreign at tumingin sa'kin pero binalik niya agad ang tingin niya sa nilalaro niya.
"Psh! Ang haharot talaga ng mga lalaki ngayon lalo na yung isa diyan!"singhal ko.
"Xyreign noh?""Ah Oo, tama."sagot niya pero nakatingin sa cellphone niya.
"Alam kong ako ang pinaparinggan mo Vanessa."sabi ni Alex.
"Tapos ayaw pang umamin kaya mas lalong nakakaasar eh! XYREIGN NOH?"
"Big check."sagot ni Xyreign nang hindi inaalis ang tingin sa cellphone niya.
"Wala namang masama sa PAG-AMIN diba Xian?"kay Xian naman ako tumingin.
"Yeah."sagot niya pero nasa cellphone din ang tingin.
"Vanessa stop it."sabi ni Alex sa'kin pero 'di ko siya pinansin.
"Mamamatay ka ba 'pag umamin ka sa gf mo na may kahalikan ka, hindi naman diba? Xian diba?"
"Hmm yeah.."sagot ni Xian pero sa cellphone niya siya nakatingin.
‘VICTORY!’
Rinig ko sa cellphone nila Xian at Xyreign.Psh! Oo lang sila ng oo, tapos itong si Alex naman nakatingin lang sa'kin na nakangisi.
"Ano'ng nginingisi-ngisi mo diyang bruhildo ka?!"asar kong tanong kay Alex.
Nagulantang naman sila Xian at Xyreign sa pag-sigaw ko kaya napatingin sila sa'kin pero wala'kongpake!!
"Nagseselos ka ba? Edi sorry na! Kasalanan ko ba na hinalikan ako ng babaeng yun!"sagot niya na pasigaw. Wala na ang ngisi sa labi niya, masama na ang tingin niya sa'kin.
Nagulantang ulit sila Xian at Xyreign sa pag-sigaw ni Alex. Naglalaro ulit sila ngayon hula ko dahil sa lakas ng sounds ng kanilang phone. Napatingin sila Xian at Xyreign kay Alex.
THIRD PERSON P.O.V
Naglalaro lang ang binata at dalagang sina Xian at Xyreign sa sala ng walang imikan at tanging cellphone lang nila ang maingay. Maayos naman ang paglalaro ng dalawa no'ng umpisa pero nang magbangayan ang mag-jowa sa katabi nilang sofa ay 'di sila makapaglaro ng maayos dahil kinakausap sila ng babaeng may galit sa kaniyang boyfriend.
"Aba! Hoy lalaki! Ikaw pa ang may ganang sumigaw! Sino nga ulit ang may kahalikang iba?ako ba?ha?!"sagot ng dalagang si Vanessa nang sigawan siya ng boyfriend niyang nagagalit na din.
Napatingin naman ang dalawang naglalaro kay Vanessa nang sumigaw ito. Inis na tumayo si Xian at nilagay na lang sa bulsa niya ang cellphone. Pinatay naman ni Xyreign ang cellphone niya at tumayo na din para umalis sana nang kausapin sila ni Alex na nagpupuyos sa galit.
"Xyreign! Xian! Kung kayo ba'y hinalikan bigla ng isang 'di kilalang tao, sasabihin niyo pa din sa jowa niyo kahit alam mo ng magagalit siya?!" Galit na galit si Alex habang nakatingin sa kanilang dalawa. Sasagot na sana sila nang tawagin sila ni Vanessa na galit na din.
"Syempre sasabihin niyo diba?! Kasi para ka na ding nag-sekreto at itatago n'yo pa talaga yun ha?! Mas nakakagalit iyon! Diba Xian?! Xyreign?!" Tumingin si Vanessa sa dalawa ng masama.
Parehas nakatingin ang dalawang mag-jowa ng masama sa dalawang paalis na sana at hinihintay ang isasagot ng dalawa.
Habang hinihintay ang sagot nina Xian at Xyreign ay minumura naman ni Vanessa sa isip niya ang kaniyang nobyo. Iniisip naman ni Alex na dahil lang sa hinalikan siya ng 'di kilalang babae ay sinigawan siya ng kanyang nobya na kanyang ikinagalit din at parang siya pa ang may kasalanan.Napatingin ang magkagalit na mag-jowa kay Xian ng magsalita ito.
"You two are crazy."lalo silang nagalit sa sagot ni Xian.
Pulang-pula na ang mukha ng dalawa at parang sasabog na sa sobrang galit na nararamdaman.
*Fake cough*
Napatingin sila kay Xyreign nang kunwareng umubo ito para maagaw ang atensyon ng mag-jowa na may LQ."Naka-drugs ba kayong dalawa?"tanong ni Xyreign.
"HINDI!"sigaw ng dalawa sa kaniya.
"Eh anong tinira niyo?"tanong ulit ni Xyreign kaya nakatanggap siya ng masamang tingin galing sa dalawa.
"Wala akong maisasagot sa tanong niyo. Hinayupak wala akong jowa, tsk."pagkabigkas ng dalagang si Xyreign ng katagang 'yan ay umalis na siya do'n at umakyat papuntang kwarto nila ni Jennie at natulog.
Umalis na din si Xian at naglakad patungo sa kwarto nila ni Klyde. Naiwan namang nagpupuyos sa galit ang mag-jowa.

BINABASA MO ANG
𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗮𝗿𝗱-𝗵𝗲𝗮𝗱𝗲𝗱 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿𝘀
Action[𝙏𝙝𝙞𝙨 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙬𝙖𝙨 𝙬𝙧𝙞𝙩𝙩𝙚𝙣 𝙞𝙣 𝙏𝙖𝙜-𝙇𝙞𝙨𝙝.] Her name is Xyreign Mhyrr Killton, she is kind if you are kind. She is the Princess of their Family, she is the youngest daughter. Binibini pero kung maka-suntok, pang-ginoo. Their fa...