it has been 5 years...
sa totoo lang...ang pathetic para sa ibang taon...
pero anong masama na panghawakan ang nakaraan??
"Oi!! Anong oras daw ba? ang tagal naman ni Vian! ang init init..." reklamo ni Tricia
"Sabi nya alas dos daw darating..." si Tin
"Eh alas dos na eh..."
"Andyan na yun..di lang natin makita kasi maliit sya hahahaha!!" si Levin
Asan na kaya yung mga yun??
kasalukuyan akong naglalakd ngayon sa airport...
kakarating ko lang din halos...
at kasalukuyan ko silang hinahanap...
alam ko hanggang ngayon magkakasama pa sila...dapat kasama nila ako eh..kaso ayun...kinailangan kong sa probinsya muna magstay..
nagring yung celpphone ko...
si Tin...
"Hello? San kau??" tanong ko..
"Oi Vian!! asan ka ba?? kanina pa kame dito eh!" -Tin
"San nga?"
"Sa may entrance lang...liit mo kasi di ka namin makita! hehehe"-Tin
"Salamat ah! Nangasar pa kau...sige na hintayin nyo lang ako jan...ako na lang pupunta dyan..bye."
tapos in-end call ko na..at naglakad na papunta sa entrance...
excited na akong makita sila...
kasabay nun...
merong naglalaro sa isang sulok ng isip ko...
nakakaramdam ako ng kaba...
ngayong andito na ulit ako..
hindi malabong magkita ulit kame...
hindi ko alam kung ano pang meron kame...
magulo...
walang kasiguraduhan...
"VIAN!!!"
napangiti na lang ako ng makita ko sila...patakbong palapit sakin...syempre nikitakbo na rin ako papalapit sa kanila...
tapos nag-tatalon kame ...
namiss ko sila!!
"Waaahhh...namiss ko kayo!!" naiiyak naman ako.
"Namis ka rin namin!!" sabi ni TIn
"Oo nga...pero ok na kasi makakasama ka na rin namin..." si Levin
"tama!! hahahaha lika na...kain muna tayo!! Gutom na ako..." si Tricia.
"Si Aly..di nyo kasama?" tanong ko
"MAY DATE EH" sabay sabay nilang sagot..
at ayun nagkayayaan kaming kumain...at nagbonding na rin kame...
madilim na nung nakarating kame sa bahay...
buti may nahiraman sila na revo kaya nakagala kami kahit may dala akong gamit...
"welcome to our cute little house..." sabi ni Levin...nakadipa pa yung mga braso nya
"Yehey!! apat na tayong nakatira dito! may kahati na tayo sa bayad!! bawas sa gastos!! yehey!!" si Tin.
"Yehey!! may kahati na rin sa mga gawaing bahay!!" si Alysa
"Oi Aly!!" nginitian ko sya tapos niyakap ko..
"Vian! Kamusta?! Pasensya na di ako nakasama sa pagsundo sayo ah..." sabi nya
"Ok lang. nakipagdate ka daw eh...kaso di ka namin nakasama sa gala..."
"Hala..hindi no...nagpasama lang sya...kumain na kayo?" si Aly
"Oo miryenda pero dinner di pa...bumili kame ng pwede nating kainin...si Tricia magluluto" si Levin
"Wow ah! sabi na kasing dapat lutong pagkain na lang binili natin eh...sige na magkwentuhan na muna kayo dyan ako na magluluto.."
reklamo pa susunod rin naman pala...
"So ano ng plano mo? San ka magtuturo?" tanong ni Aly
"Wala na bang bakante sa school nyo?" tanong ko
"Hmm palitan mo na lang si Levin...tutal nagtututor na naman yan eh..."-Tin
"Hoy! Grabe ah!! part time ko lang yun...tatanong muna namin kung meron..pag meron sabihan ka kaagad namin! " si Levin
"Salamat..."
"Pero ang alam ko Vian...dun sa isang school hiring sila ngayon..." sigaw ni Tricia mula sa kusina
"talaga??" tanong ko naman
"Kaso...." sagot nya
"Kaso ano?" tinignan ko yung tatlo...kumunot yung noo ko..
"Kila Anthony yung school..." nagkakamot na ulong sagot ni Levin
tapos napatahimik kame...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
dahan-dahan akong napatango...
"Ah..." pilit akong ngumiti...
"Ok lang yun...h-hindi naman siguro kame magkikita dun..."
ewan ko ba...alam ko na the moment na bumalik ako dito..di malabong di kame magkita...kaya dapat handa na ako...
kaso meron pa ring pakiramdam na takot, lungkot at kaba...
takot na baka wala ng pag-asa saming dalawa...
lungkot na baka hindi ko kayanin kung ano mang madadatnan ko...
at kaba na baka galit sya sakin...
"kainan na!! So ano Vian...ok lang sayo na dun na lang? Para sabihin ko kay nanay na sabihin kila tita na mag-aaplly ka..."
tumango ako...
"Sure! kailangan ko n bang gumawa ng resume?"
"Hmm?? to be followed na lang yun! hahaha!! sasabihin ko na lang kaibigan kita..."
"Wow ah..lakas ah..." kantsaw namin sa kanya
"Ganun talaga..sige kain na...daldal nyo" si tricia
its so good to be back...
5 years na nakalipas pero...
at alam kong one of these days...magkikita ulit kame...
dapat i-ready ko na yung sarili ko...
lalo na tong puso ko...
coz he's still the one...
I'm still holding on...
and I'm still...
in love with him...
------------------------------
ayan na boss vian!! hahahaha!! pahapyaw muna yan...pag may nagbasa...edi mag a-update...
hmm mga 20 reads...
![](https://img.wattpad.com/cover/3200704-288-k53f80a.jpg)