hay...
pauwi na ako ngayon galing dun sa inteview...
ano kayang pwedeng gawin??
ang aga pa...tapos wala naman akong kasama sa bahay...
nasa trabaho sila...
ayoko mapag-isa...
lalo ngayon na nagkita na kame..mapapa-isip lang ako lalo eh...=(
ah! Mag-Sm na lang muna ako kahit ako lang mag-isa atleast maraming tao...
at nakarating na nga ako ng SM...
ngayon, anong gagawin ko dito??
pumunta ako sa national bookstore...tumingin tingin ako ng mga books...
hay hay...boring naman...
lumabas na ako sa bookstore tapos naglakad lakad ako...manuod kaya ako ng sine?
kaso la naman akong kasama...mapapaisip lang ako lalo nyan eh...
"hi??"
nilingon ko yung nagsalita...
hala!! anong ginagawa nya dito??
"h-hello...a-anong ginagawa mo dito? sinong kasama mo?"
"ah...si--"
"Anthony!! nakakainis ka bigla mo kong iniwan..." nakapout pa yung girl tapos hinampas hampas pa si Anthon sa braso...
yung alter ego ko...nagngingitngit na sa galit...
pero wala naman akong karapatan...
"Wait Belle..." tapos inalis ni Anthon yung kapit nung babae...
pinpigilan ko yung ngiti ko...
huh!!! kala mo ah!! may pakapit kapit ka pang nalalaman...
ngumiti ako sa kanila...
"Girlfriend mo?" tanong ko
"Yes--"
"NO!"
"Anthony naman eh!! di ba tayo na??"
"kayo lang ng mga kaibigan mo ang nagsasabi nyan... Belle...again... we're just friends..."
tapos nakikipagtalo--i mean pinagpipilitan pa nung Belle na sila na ni ANthony...
wow! andito ako...hello??
tumikhim ako...
binalingan naman ako agad ng tingin ni Anthon...
"I think...mauuna na ako..." tapos nagsmile ako sa kanya saka dun sa girl...
di sya sumagot...nakatingin lang sya sakin...
"babye!!" sabi nung girl...
tas naglakad na ako palayo...
hay kahit sinabi ni Anthony na hindi nya yun gf...medyo nalungkot pa rin ako....
sa totoo lang...sa limang taon...maraming pwedeng nangyari...
nakailang Gf kaya si Anthony?
may gf kaya sya ngayon?
mukang wala naman....sana...
haaay!! nanadya lang??
puro couples yung nakakasalubong ko...at ang susweet nila ha...
san ba ko pwedeng pumunta...
sa totoo lang...parang may nagrarambulan sa dibdib ko ngayon...at dahil yun sa ideya na nandito rin si Anthony sa mall...hindi naman sobrang laki ng mall na to para hindi ulit kami magkita...