3

4.8K 160 6
                                    

"Sabi na e! Sinasabi ko na nga ba talaga e!" gigil na sabi ni Melanie. "Walang naitulong 'yang pagbigay ng virginity sa lalaking fuckboy!" Kakalipat lang ni Dañela sa condo kaya sinamahan nilang mag-ayos dahil Saturday naman.

"Sinabi mo pa!" pagsang-ayon ni Ely. "Ikaw kasi ang tanga mo eh! Wala namang maganda o pangit sa lalaking kantot lang ang habol!"

"True! Kahit gaano ka pa kaganda kung trip ka lang niya, wala ka talagang magawa kahit pekpek mo pa ang puhunan!" prangkang sabi ni Melanie.

"Kita mo, sa ganda mong 'yan ang tanga mo?" ani Ely.

"Tanga kasi talaga e! Kailan ka pa matuto?" gigil na sabi ni Melanie. "Hindi mo ba talaga ginagamit ang utak mo, Dañela?"

"Tapos na kayo?" maarteng tanong ni Dañela at itinapon ang tissue sa basurahan. "O gusto ninyong tahiin ko ang bunganga ninyo para manahimik na kayo?"

Parehong natahimik ang dalawa.

"Ano? May sasabihin pa kayo?"

"Wala na," sagot ni Ely sabay kuha ng makeup kit at kunwari ay inayos ang kilay.

"Kita ninyong nagluluksa ako tapos ganyan pa kayo?"

"Bakit kasi ang bilis mong sumuko!" ani Melanie.

"Eh sa gusto ko eh!"

"Hindi puwedeng gusto mo lang!" bulalas ni Melanie na hindi natatakot kay Dañela. "Tingnan mo, brokenhearted ka."

"Hindi ako brokenhearted!"

"Ano ang tawag mo sa sarili mo?"

"Dyosa!" Inagaw niya ang salamin kay Ely saka tiningnan ang kabigha-bighaning mukha. "Umiyak lang ako pero hindi ako brokenhearted."

"Iniwan ka na nga e!" paalala ni Ely.

"Iniwan?" inosenteng ulit ni Dañela. "Ako ba ang iniwan niya?"

"Uh-uh! Hindi ba?"

"Hindi," taas-noong sagot ni Dañela. "Ako ang magsasabi kung break na kami o hindi."

"Pero nakipaghiwalay na nga siya."-Ely.

"Hindi naman ako pumayag."

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Melanie.

"Kasi nasaktan ako pero ngayong lumuha na ako, okay na ako," sagot ni Dañela. Naupo siya at nag-cross legs. "Alam ninyo, tayong mga babae ay hindi dapat na pinaglalaruan ng mga lalaki."

"Pinaglaruan ka na ni Mace," giit ni Melanie kaya napangiti si Dañela.

"Pero hindi ba't marunong din akong makipaglaro?" tanong ni Dañela.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Gagawa ako ng perpektong relasyon kasama si Mace."

"Nahihibang ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Melanie.

"Hindi," sagot ni Dañela at naikuyom ang kamao. "Nanggigigil na ako sa tarantadong 'yon e!"

Kinuha naman niya ang tissue at humagulgol sa pag-iyak. Nanghihinaan na siya ng loob at hindi makapaniwalang pinaikot lang ni Mace.

"Haist! Huwag ka na ngang mag-feeling matapang diyan," sabi ni Ely at niyakap si Dañela. "May karma rin ang lalaking 'yon!"

"I w—will be his greatest karma!" gigil na sabi ni Dañela at pinahidan ang mga luha. Grabe talaga ang ginawa ni Mace sa kaniya.

"Ano ang balak mo?" curious na tanong ni Melanie.

"Wala," sagot ni Dañela kaya napatampal si Melanie sa noo. "Sa ngayon ay wala pa pero baka bukas, meron na. Pero dahil mabilis akong mag-isip, mamaya mayroon na 'yan."

The Mayor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon