12

4.7K 215 59
                                    












Unedited...








"Daddy! Masyadong busy na po ang lahat dahil sa kasal namin," sabi ni Dañela. Nextmonth na ang kasal nila at sa kasamaang palad ay inanunsyo ng mga Villafuerte ang kasal nila sa publiko lalo na ang mag-amang Blue at Red. Binati nito sila habang nasa kasagsagan ng interview kaya naging maugong ang kasal lalo na rito sa Quezon province.

"Next year na lang kaya?" suhestiyon ni King.

"Dad naman, huwag na nating patagalin dahil eight years na kami ni Mace. Dapat nga matagal na kaming kasal kaya dapat lang na maging masaya kayo, 'di ba?"

"Masaya?" bulalas ni King na may himig ng pagkainsulto ang boses. "Masaya nga naman ako dahil ikakasal na ang unica hija ko pero magiging balae ko naman si Michael!"

Lumapit si Dañela sa kanya at niyakap ang braso niya.

"Dad? Pagbigyan mo nyo na kami. Isa pa, hindi naman namin kayo guguluhin."

"Walang problema sa akin pero ewan ko lang sa father-in-law mo!" giit ni King at napatingin kay Mace na papasok ng bahay.

"Magandang hapon po," magalang na bati ni Mace na may bitbit na red roses. "Baby, para sa 'yo."

Nakangiting inabot ni Dañela ang pumpon ng pulang rosas at inamoy.

"Thank you, baby," pasalamat ni Dañela at hinalikan sa mga labi si Mace. "Kumain ka na?"

"Oo, kumain ako bago umalis. Ano? Nakapili ka na ba ng wedding gown mo?"

"Hindi pa eh. Tulungan mo ako," sabi ni Dañela at nagpaalam muna sa ama na lalabas para ipakita kay Mace ang mga design sa pavilion na nasa gitna ng hardin.

Naupo sila at inisa-isa ang gowns na iprenesinta sa kanila.

"Mas okay ang isang 'to, baby," sabi ni Mace na ikinasimangot ni Dañela.

"Yan ang pinakaayaw ko. Pareho talaga kayo ni Dad ng taste."

"Maganda naman 'to ah," depensa ni Mace.

"Ayaw! Gusto ko 'yong medyo reveiling ang chest."

Napabuntonghininga na lang si Mace at hinayaang ito na ang mamili hanggang sa may matipuhan na. As expected, revealing nga ang napili nito. Malalim ang V-neck nito kaya sigurado si Mace na kitang-kita na naman ang cleavage nito.

"Bakit ba ayaw mo ng mga ganito?"

"Kasi naiinitan ako," sagot ng dalaga. "Isa pa, mas comfortable talaga akong walang saplot."

"Kung saan ka kumportable, sige na nga."

Lumapad ang ngiti ni Dañela. "Alam mo, baby? Gustong-gusto kita kasi love mo ako at sinusuportahan mo ako sa mga gusto ko lalo na sa pananamit. Para kang si Daddy."

"Oo na po. Ikaw naman ang masusunod kahit na ayaw ko e."

"Ayieee. Baby Mace? Excited ka na ba sa wedding day natin?"

"Oo naman. Ikaw ba?"

"Hmm? Oo. Baka may tututol sa kasal ha."

"Maliban sa mga ama natin, wala na, baby," sagot ni Mace. Naging maloko man siya at sinaktan niya si Dañela noon, masasabi niyang seryoso naman siya sa dalaga at halos ito na ang naging mundo niya. Well, hindi naman siya makakatakas dito e. Kapag ginusto, kukunin. Kapag may lumandi sa kanya, inaaway na kaagad kahit na hindi pa siya naka-first base.

"Good," ani Dañela. "Dahil oras na umatras ka, isinusumpa kong hindi na kita babalikan pa!"

"Hindi mangyayari 'yon, baby. Alam mo naman kung gaano ako kabaliw sa 'yo," sabi ni Mace at inilapit ang mukha sa mukha ni Dañela saka pinisil ang baba niya. "Ich liebe dich, baby."

The Mayor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon