14

4.5K 234 54
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Unedited...






"Dañela, ayaw mo na ba talagang ipaalam kay Mace ang totoo?" tanong ni King. Umiling si Dañela.

"Ayaw ko na po talaga, Daddy."

"May karapatan naman siya e. Isa pa, karapatan ng batang makilala ang ama niya kahit na hindi pa kayo okay."

"Wala akong pakialam, Dad! Masakit pa rin sa akin ang ginawa niya!"

"Baka pwedeng madala sa usapan?"

"Come on, Dad! Pagod na po ako. Walong taon pero kung kailan na ikakasal na kami, saka pa niya ako gaguhin?"

Pinagmasdan ni King ang anak. Medyo maaliwalas na ang mukha nito pero minsan nasa mga mata ang lungkot at galit.

"Ang ibang lalaki ay parang pagong. Itutok mo man sa ilang pinto, iisa pa rin ang bahay na uuwian nito. Ganoon din si Mace, Dañela. Mukhang mahal ka naman niya." Sinusubukan niyang paliwanagan ang anak dahil baka sakaling matauhan ito pero mukhang matigas na ang puso ni Dañela.

"Ayaw kong may kaagaw, Dad! Gusto kong kasama sa pagmamahal niya ang ako lang. Dapat walang iba kundi ako lang!"

"H—Hindi na ba talaga kaya?" alanganing tanong niya.

"Dad, wala na po talaga e. Inis, galit at pagkamuhi na lang ang nararamdaman ko kay Mace. Mapapatawad ko pa siya kung may ka-chat, ka-text o kalandian pero ang makipagtalik sa iba at makita pa mismo ng dalawa kong mga mata?"  Disappointed na umiling siya. "Hindi na. Suko na po talaga ako. May pride ako at alang-alang sa baby ko, hindi ako magpapaapi at hindi ko hahayaang babuyin ang pagkatao ko! Enough is enough!

Napabuntonghininga si King at tinapik sa balikat ang anak. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ako pero mas nananaig ang lungkot para sa apo ko," pag-amin ni King. "Ayaw ko sa kanya pero hindi ko maatim na makita kang nasasaktan at higit sa lahat, ayaw kong lumaki nang walang kinikilalang ama ang apo ko."

"In God's perfect time, magiging okay rin kami but as of now, wala po muna. Nakakapagod din po pala ang magmahal na ako lang," malungkot na sabi ng dalaga. "Palakihin ko si Baby at kung may ibigay man si Lord na lalaking mamahalin kami nang buo, tatanggapin ko iyon pero sa tingin ko ay hindi na. Minsan lang ako magmahal at ayaw ko nang magpakasal pa.

Napangiwi si King. Hindi pa niya nasabi sa mga Villafuerte at Bautista na hindi na matutuloy ang kasal kahit na cancelado na ni Dañela.

"Ang inaalala ko lang ay ang grandparents mo," sabi ni Mace. "Baka kung ano ang sasabihin."

"Ipinaalam ko na sa kanila na na-move ang kasal," sabi ni Dañela. "Pero ang totoo, unti-unti kong aminin sa kanila ang totoo. Ayaw kong padalos-dalos dahil baka mapatay nila si Mace at ayaw ko namang maging masama sila dahil sa walang kuwentang tao!"

The Mayor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon