Chapter 4

5.1K 164 4
                                    

Uendited...

"Baby?" tawag ni Mace at naupo sa tabi ni Dañela saka ibinigay ang biniling ice cream. Nasa amusement park sila na malapit sa Westbridge.

"Yes, baby?"

"Di ba may copy ka ng video natin sa bahay?" tanong ni Mace. Ito na lang talaga. Last na 'to. Isa pa, hindi na rin tumatawag si Janet sa kaniya dahil sa kalokohang ginawa ni Dañela. Ne hindi na nga niya binasa ang mahaba nitong chinat at text na panunumbat.

"Oo," sagot ni Dañela saka dinilaan ang natutunaw na ice cream.

"Baka puwedeng papasa ako?" pakiusap ni Mace. "Nabura ko kasi sa cellphone ko ang copy ko."

Tiningnan siya ni Dañela kaya iniwas niya ang mga mata dahil baka makakutob ito.

"Nasa bag ko," sagot ni Dañela at inginuso ang katabing bag sa pagitan nila.

Kinuha ni Mace ang iPhone nito.

"Dapat nilalagyan mo ng password," sabi ng binata. "Paano kung mawala ito?"

"Sige, lagyan ko mamaya," sabi ni Dañela at magiliw na kinain ang ice cream. Sarap ng cookies 'n cream.

Kinalikot ni Mace ang gallery ng dalaga at nakita nga niya ang video. Kunwari kinuha niya ang cellphone para ipasa pero agad niya itong binura.

"Baby, saan dito?" tanong niya.

"Nandiyan lang 'yan."

"Ipapasa ko na sana pero biglang nawala," sabi niya.

"What?" bulalas ni Dañela sabay tayo kaya napatingin ang mga taong nasa paligid.

"Mace naman, bakit mo binura?" naiinis na tanong ni Dañela. "I hate you!"

Inagaw niya ang cellphone saka tiningnan pero wala na talaga.

"I'm sorry, baby," paumanhin ni Mace. "Hindi ko sinasadya."

"Nakakainis ka eh!" nakasimangot na sabi ni Dañela kaya tumayo si Mace at hinawakan ang mga kamay ng dalaga.

"Tahan na, huwag ka ngang mag-eskandalo. Hindi ko naman iyon sinasadya, baby eh," mahinahong pakiusap niya dahil nakakahiya na sa paligid. "Galit ka ba sa akin? Hindi mo ba ako mapatawad?"

Sa kaloob-looban niya ay sana nga hindi na siya nito mapatawad at mag-away sila hanggang sa ito na mismo ang makipaghiwalay. Pero hindi na bale, nabura na rin naman niya kaya hindi na siya makipag-usap pa rito.

"Huwag mo na ngang hiramin ang cellphone ko!"Ibinalik niya ang cellphone sa bag at hinarap si Mace. "Uwi na tayo, nawalan na ako ng gana!"

"Maggagabi na. Gala muna tayo sa mall tapos kain ng dinner?" pag-aalo niya. Kumbaga last date na nila ito. Pampalubag ng loob.

"Okay," pagpayag ng dalaga dahil walking distance lang naman ang mall. Isa pa, mas okay na maglakad-lakad sila para sweet pero napasimangot siya nang maunang maglakad si Mace.

"Hey, miss!" Bigla na lang sumulpot ang lalaking lasing sa harapan niya.

"Padaan mo," pakiusap niya pero hinawakan siya nito sa kanang braso kaya napatili siya nang dahil sa pagkagulat.

"Ang ganda mo naman, para kang dyosa!"

Nasasaktan na siya sa paghawak nito. Amoy alak pa ang lalaki kaya naiiyak na siya.

"Kuya, pakibitiwan ng girlfriend ko!" sabi ni Mace na bumalik dahil paglingon niya ay nakita niyang hawak na ng lalaki ang dalaga.

"Sino ka para-brod!"

The Mayor's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon