A/N: YAY! Hello bebs! Sorry, ngayon nalang ulit nakapag update nakalimutan ko kase password ko hehe. Back to normal na ulit. Weekly na ulit ako mag uupdate :) Thank you sa lahat ng sumusuporta hehe! Keepsafe everyone! Iloveyouall!
~~~
Ang saya saya ng araw ko ngayon hihi. Ikaw ba naman maka shake hands yung 12 heartthrob--- i mean 11 lang ang naka shake hands ko dahil nag inarte si Jace hmp. So ayon nga, whaaaa ikaw ba naman maka shake hands yung mga taong yon, actually di naman talaga sila yung main reason ko kung bakit ang saya saya ko eh, masaya ako kase naka shake hands ko si khaleb mylabsss!! Huhu mami ang puso koooo! ^ω^ Hanggang sa makauwi ay ang saya saya ko, hmm medjo nabwiset lang ako kanina kase nakita ko na naman yung pagmu-mukha nung mayabang na Jace.
Kala mo pogi, mas pogi pa nga si Tayler bleh.
Nandito na ako sa kwarto ko at nakatulala lang sa kung saan, nag iisip ng kung ano-ano, nami-miss ang mga kaibigan ko, lalo na yung mga magulang ko.
Miss ko na si Mama at Papa.
Bata pa lang ako nung mawala sila dahil binaril sila ng kapwa kamag-anak namin dahil nabaon sila sa utang. Kitang kita ko kung paanong binaril ng Tito ko sa ulo at puso ang mga magulang ko. Kasama ko sa mga oras na yun si Tita Saly at balak nya akong ilayo sa lugar na yon, sana pala sumama nalang agad ako kay Tita sa pag takas sakin para hindi ko na nakita kung paano namatay ang mga magulang ko. Bago pa sila malagutan ng hininga ay sinabi na nila sa akin kung gaano nila ako kamahal, na sobrang saya nila ng dumating ako sa buhay nila. Sobrang trauma ang nadulot sa akin non, na sa mga oras na yon ay parang dinudurog din ang puso ko. Sobrang galit at puro paghihiganti ang nasa isip ko noong nagka isip-isip na din ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din malaan kung nasan na ang magaling kong Tiyuhin, kung makita lang talaga kita nako malilintikan ka sakin, makakalimutan ko talagang kamag-anak kita.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Tita Saly.
"Amara, bumaba ka na at kakain na" sabi nya, tumango naman ako at sinabing susunod na kaya umalis na sya. Inayos ko lang saglit ang buhok ko at nag suot ng tsinelas bago bumaba. Naabutan ko naman doon sina Margaux at iba pa naming kasamahan dito, hindi naman ganon kalaki ang boarding house ni Tita kaya na sa 10 lang kami dito.
"Hi Amara"
"Hey Girl"
"Sup"
Bati nila sa akin, nginitian ko naman sila at naupo na sa tabi ni Margaux.
"Good evening beautiful"
~_~
*ayieee*
*yan na naman sila*
*shene ell*Yun namang bumati sa akin ay si Noah. Psh. Ilang beses ko nang ni-reject or binasted ang isang yan ngunit wala pa ding kadala dala. Araw-araw pa din akong kinukulit at nagsasabing gusto nya ako, as in araw-araw, walang palya.
"Hahaha tignan nyo si Noah nakabusangot na naman" ani Althea
"Paanong hindi bubusangot yan eh hindi na naman sya tinabihan ni Amara" sagot naman ni Shawn
"Tapos hindi pa din sya tinatanggap ni Amara bilang manliligaw hahaha" asar pa ni Blake
Inasar nila ng inasar hanggang sa ngumuso na si Noah at malapit na ata mapikon haha
"Hoy hoy! Tumigil na kayo, inaasar nyo na naman hahaha" sabi ko
"Good evening din pala Noah" dugtong ko at umiwas ng tingin at nagsimula ng kumain. Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Noah na akala mo ay nanalo sa lotto ang loko. Nagsimula na ding kumain ang iba, ganon na din si Tita Saly at panay kwento naman ang boys. 5 boys and 5 girls ang nandito sa boarding house ni tita. Sina Margaux and Althea ang mag bestfriend, ganon din sina Erika at Jaja, ako lang ang walang bestfriend dito pero okay lang naman, hindi ko naman kailangan. Sina Noah, Shawn, at Blake naman ay matagal nang magkakaibigan habang Si Albert at Jin naman ay last month lang dumating dito pero close na naman namin sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/230026297-288-k635671.jpg)
BINABASA MO ANG
Living With 12 Dorks [EXO]
FanficMatapos mawalan ng pamilya si Amara ay namuhay na syang mag isa at tanging inaasahan nya nalang ay ang kanyang sarili. Pero nang dahil sa isang matandang tumulong sa kanya ay nagbago ang takbo ng kanyang buhay.