Dear No. 7,
Nagpunta ako kanina sa Don Bosco Academy. Sinamahan ko kasi ang pinsan kong si Cyrus dahil may ipapasa siyang requirements na kinakailangan para sa graduation. Siyempre, pumayag ako despite sa panunuod ko nang paborito kong anime na One Piece. Don Bosco Academy eh? Aayawan ko pa ba? Nagbabakasakali kasi akong makita ka.
May listahan ng graduating students ang pinost sa may lobby n'yo. Inisa-isa kong basahin ang mga pangalan na nasa listahan. Nakita ko ang apilido mo dun. Nag-iisang Bautista lang ito sa listahan. Tinanong ko ang pinsan ko kung kilala niya ba 'to at ang sabi niya, na player siya ng basketball ng Brgy. Buenavista at nakalaban ni Derby noong liga. Ikaw pala 'yon? I'm so happy! Alam ko na ang full name mo: Bautista, Zeus Theodore Andulong! Kaya pala mala-Diyos ang mukha mo, ipinangalan ka pala dito. Zeus+Theo. Pinagsama!
Ngayon ko lang nalaman, graduating ka na pala. Congrats in advance! Pero magkikita rin naman tayo sa graduation ninyo. Pupunta kasi kami dito sa schoo niyol para umattend ng graduation ni Cyrus.
Ano ba ang gusto mong gift para sa graduation? Sabihin mo naman sa akin para malaman ko. Clueless ako eh.
Wait lang! 'Di pa tayo close at paniguradong 'di mo rin ako kilala. Magtatanong na lang ako sa mga tao tungkol sa'yo.
Love,
Daphne<3
BINABASA MO ANG
Dear No. 7
Teen FictionDear No. 7, Crush na crush na crush kita! 'Di mo ba nadarama? Crush mo rin kaya ako? Cross my heart P.S. I love you! :-* Love, Daphne