Lumabas na ako ng Comic Alley at dumiretso sa food court para kumain ng snacks. Bumili ako nang isang black forest shake sa Zagu at takuyaki. Agad akong umupo sa malapit na table pagkatapos kung bumili ng pagkain. Gusto ko na kasing umupo. Ilang oras na rin akong naglalakad at gutom na ako.
Humigop na ako ng shake nang may lumapit sa akin.
"Kanina pa kita tinitext. Saan ka ba nagsususuot? 'Di mo man lang ako nireplyan."
Tumingala ako para makita kung sino ang nagsalita. Nakalimutan ko siya! Siya nga pala ang kasama ko dito pagpunta dito sa mall.
"Ikaw? Saan ka nagpunta? Bigla mo lang akong iniwan." sabi ko.
Umupo si Gwen sa harap ko.
"Sorry Daph! Ikaw kasi eh! Pero okay na ako ngayon. Saan ka ba nagpunta? Check din ng phone pag may time!" sabi ni Gwen.
"Diyan lang sa tabi-tabi." sagot ko.
Kinuha ko sa loob ng violet sling bag ko ang cellphone ko. Bumugad sa akin ang ilang messages mula kay Gwen.
7 New Messages
Pretty Gwenny ^_^
Kung hahanapin mo ako, nandito lang ako sa Wattsons.
- - - - -
Nandito ako ngayon sa Forever 21. Punta ka dito!
- - - - -
Nasaan ka na ba?
- - - - -
Asan ka? Ako nang pupunta diyan.
- - - - -
Tao po! Reply din pag may time!
- - - - -
Hoy! Kung di ka magrereply, uuwi na talaga ako.
- - - - -
Gutom na ako! Nandito ako sa foodcourt. Magparamdam ka naman oh!
- - - - -
Ang dami niya palang text sa akin. Di ko kasi napansin ang cellphone ko kakasunod kay Zeus.
"Sorry Gwen! Hindi ko napansin ang cellphone. Nakalimutan kong may cellphone ako eh." paumanhin ko sa kanya.
"At kinalimutan mo rin ako?" aniya.
"Hindi ah!" tanggi ko.
Napansin ni Gwen na dalawa na ang cellophane na dala ko.
"Ano yang binili mo? Bumili ka ng ibang gift para kay Cyrus, no? Ibibigay mo na sa akin 'yang jacket? Yes!" sabi niya.
"Hindi 'no! Asa ka pa."
"Eh, ano nga yan? Patingin."
Agad niyang kinuha ang cellophane. Inagaw ko sa kanya yon pero huli na ako.
"Sabi ko na nga ba eh! Aminin mo na kasi, eh. Isusurprise mo ako, no? kaya ayaw mong sabihin."
"Akin na nga yan!" sabi ko nang hinablot ko pabalik sa akin ang hoodie at cellophane.
Agad kong itong nilagay sa sling bag ko ang mga pinamili ko. Mabuti nalang at nagkasya sa bag ko pero lumubo naman ang bag ko.
"Ui! Nandito pala kayo"
Biglang may nagsalita mula sa likud ko.
"Hi Cyrus!" bati ni Gwen.
Lumingon ako sa likud ko. Nakita ko si Cyrus at may kasama siya.
Gosh! Kasama niya pa rin si no. 7.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Nandito na naman sa harap ko ang crush ko. Nagpaparty-party yata ang mga internal organs ko ngayon sa sobrang tense na nararamdam ko ngayon.
"Hi Cy!" bati ko naman. "Anong ginagawa niyo dito?"
Umupo si Cyrus sa left side ng table habang sa right naman si Zeus. Square kasi ang table dito sa foodcourt.
"Naghahanap kasi kami ng long sleeves para suotin namin sa graduation. Kayo?" sabi ni Cyrus.
"Nagdi-date kami!" sabi ni Gwen na may nakakalokong ngiti sabay pulupot sa braso ko.
Nakita kong tumawa si Cyrus at si no. 7
Ang ganda talaga ng smile niya :-).
"Ay, ito nga pala si Zeus." pakilala ni Cyrus kay no. 7 sa amin.
"Of course! Sino bang hindi nakakakilala sa kanya?" sabi ni Gwen.
Napangiti si no. 7 at napakamot sa likud nang ulo na para bang nahihiya siya.
"Hindi naman masyado!" sabi ni Zeus.
"Zeus, ito naman si Gwen." pakilala ni Cyrus kay Gwen sabay turo sa kanya.
Tumango lang si Gwen at ngumiti habang kinakaway ang kanyang kanang kamay.
"At ito si Daphne. Siya ang kakambal ni Derby. Siya 'yong natumbahan mo sa liga. Naalala mo?" natatawang sabi ni Cyrus kay Zeus.
Nagpause sandali si Zeus at mukhang nag-iisip. Ilang sandali ay tiningnan niya ako.
"Sorry, ikaw pala 'yon? Pasensya ka na talaga. Hindi ko 'yon sinasadya."
Nginitian ko lang siya pero deep inside, nagdedeleryo na ako sa mga tingin niya.
"'Di ba ikaw rin 'yong babae kanina?" dagdag niya.
Lumingon si Gwen at Cyrus sa akin ng may pagtataka.
"Oo!" nahihiya kong sabi.
Diretso akong tinitingnan ng dalawa. Para bang pilit nila akong binabasa.
"Anong kanina?" tanong ni Gwen sa akin nang nakataas ang kilay niya.
Huminga muna ako bago nagsalita.
"Eh kasi naman, muntik lang naman akong maslide kanina kasi sinundan kita. Mabuti nalang nasalo niya ako kaya hindi ako natuluyang nadulas." paliwanag ko.
"Ang sabihin mo, careless ka lang." natatawang sambat ni Cyrus.
"Tse!" tangi kong nasabi.
Nilagay ni Zeus ang kamay niya sa table. Nagdampi saglit ang mga balat namin. Bigla ako nakaramdam ng kuryente. Napahiwalay ako agad. Pati siya ay nagulat sa nangyari. Naramdaman niya rin kaya 'yon? Tiningnin ko siya nang diretso at tiningnan niya rin ako kaya nagtagpo ang mga mata namin.
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Kasing bilis ng kabayong nagkakarera.
Hindi ako mapakali! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?
BINABASA MO ANG
Dear No. 7
Teen FictionDear No. 7, Crush na crush na crush kita! 'Di mo ba nadarama? Crush mo rin kaya ako? Cross my heart P.S. I love you! :-* Love, Daphne