Engrafi #7

41 7 6
                                    

Dear No. 7,

Ang kulit-kulit ni Gwen ngayon. Kasi naman, gusto niyang i-set up ko siya ng date sa kakambal ko. Nahihibang na 'yata 'tong bestfriend ko. Ano ba naman kasing nakita niya kay Derby para magkaganyan siya? Baliw na baliw talaga siya sa kapatid ko. 

Kahit anong pakiusap niya sa akin, hindi ako papayag! Alam ko kasing ayaw ni Derby kay Gwen. Na turn-off na nga, babasagin niya pa ang bombilya. Ayoko rin sa pakiusap niya. I believe na dapit ang lalaki ang unang magyayaya ng date, hindi 'yong babae. Feeling ko kasi, masisira ang dignidad ni Gwen 'pag hinayaan ko siya. Sorry siya, ganito akong bestfriend eh. Hindi sa lahat ng bagay ay support niya ako noh?

Sana 'wag mo akong hayaang maging despirada tulad ni Gwen huh? Kaya, ikaw dapat unang magyaya sa akin ng date, okay?

Love,

Daphne<3

Dear No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon