Engrafi #8

42 7 5
                                    

Dear No. 7,

Nagtanong-tanong ako sa mga klasmyts ko ngayong araw kung may kilala ba silang Zeus Theodore Bautista. Aba! Langya naman talaga, kinilig pa talaga ang mga mukhang pusit na 'yon! Naiinis ako. Pati sila may crush sa'yo at mas nakakainis lang na mas marami silang alam tungkol sa'yo. Lage ka pa nga nila kayong kinukompara kay Derby; matalino, magaling magitara, at mahilig sa sports. Sabi nila mahilig ka daw sa black at blue. Lage ka ring nagsusuot ng kwentas na may cross na pendant.

Nagkwento pa sila nang marami tungkol sa'yo. Kilala nang lahat ng babae kong classmates at iilang boys. Hindi ka lang pala sikat sa school niyo, pati pala dito sa Northdale. Nagseselos ako tuwing naiisip kong may ibang nakakapansin sa'yo. Dapat ako lang! Pero paano 'yun? 'Di mo pa nga ako napapansin. 'Di mo rin alam na nag-iexist ako. Don't worry, maghahanap ako nang way para mapansin mo ako.

Love,

Daphne<3

Dear No. 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon