Prologue

121 3 0
                                    

“Papunta na ako sa katuparan ng panagrap ko, Keith!” Halos magtatatalon ako sa tuwa habang nasa byahe ako papuntang airport.

“Halata nga, dre,” malamig na sagot ni Keith sa’kin.

Siniko ko sya dahilan para hawakan nya ang braso nya at uminda. “Parang hindi ka naman masaya. Scholarship ‘yon, o! Korea ‘yon! Magkakaroon ka na ng kaibigang koreana. Di ka ba masaya?”

“Tss. Koreana ka dyan. Aba, galingan mo d’on, L. Wag mong sasayangin ang pagkakataon. Lagi kang magmemessage kapag na-home sick ka don. Kapag may nang-away sayo–”

Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ko na ang bibig nya. Kabisado ko na ‘yang litanya nya e.

“Oo na. Tatay ba kita?”

Umiling si Keith saka humarap sa bintana at pinanuod ang daan.

Bahagya akong napangiti nang makita ang kopya ng scholarship sa ibabaw ng hita ko. Ito na! Totoo na ‘to. Pwede na akong mag-aral ng kursong gusto ko. Sa Korea pa! Akalain mo nga naman. Sobrang bait ko ba nung past life ko kaya pinagpapala ako ngayon?

Sino bang hindi magiging masaya na abot kamay na nya ang pangarap nya? Wala naman siguro. Alien lang.

Matagal ko ng gusto ‘to. Mag-aral sa Korea ng multi-media arts. Magagaling ang artists ng Korea kaya gusto kong matutunan ang management and process na ginagawa nila kung paano sila nakakapag-produce ng magagandang film, drama, kanta at mahuhusay na artists.

Laking pasasalamat ko talaga kay Ate Rapple na tumulong sakin makuha ‘to. Alam na alam nyang gusto ko ‘to at suportado nya ako sa lahat kahit pa hindi naman kami magkadugo. Minsan iniisip ko kung ano bang nakita ni Ate Rapple sa'kin para magtiwala sya ng ganito sa'kin. Masaya sa pakiramdam kapag may naniniwala sayo.

Ilang oras din ang byahe. Pagtungtong ng airport, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong maiihi na matatae. Hindi ko maintindihan ang timpla ng tyan ko.

Nilapitan ko si Keith na may dala ng mga gamit ko.

“Keith, natatae ako.”

“Kaba lang ‘yan,” natatawa nyang sabi. “Excited ka?”

Ngumuso ako saka tumango. Ginulo ni Keith ang buhok ko habang nagpipigil ng tawa. Tapos ay saka nya pinisil ang pisngi ko nang may halong gigil. “Cute mo,” sabi nya.

“Alam ko.”

Natawa si Keith saka ako niyakap. “Galingan mo d’on. Susunod ako, promise. Papasa na ako sa susunod na exam.”

May exam kasi muna bago makakuha ng scholarship. Sinipagan ko talagang mag-aral noon para makapasa. Thank God, pumasa ako!

Lalong humigpit ang yakap ni Keith sa akin dahilan para makaramdam ako ng pag-init sa gilid ng mga mata ko.

Si Keith, si papa, si Alex, ang Pilipinas… iiwanan ko para sa pangarap. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin doon. Ang alam ko lang, gusto kong maging director.

“Salamat, Keith.”

Naramdaman kong hinalikan ni Keith ang tuktok ng ulo ko. Hinayaan ko na lang dahil hindi ko na rin naman alam kung kailan kami ulit magkikita.

Humiwalay ako sa yakap. Hinarap ko si Keith na pasimpleng nagpupunas ng luha. “Yung pabor ko, Keith ha! Bantayan mo sila Papa. Si Alex parang kapatid mo na rin ‘yon, di ba? Pabalitaan na lang ako ha?”

“Oo, malakas ka sakin, e.”

“Yes naman!”

Natahimik kami. Nagtitigan lang kami na para bang sapat na yung mga titig na yon para maintindihan namin ang isa't isa. Sa bagay, kabisado naman na namin ang kulay ng utot ng isa't isa.

Fly High, Garuda (SB19 SERIES: KEN)Where stories live. Discover now